Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko ay dumiretso na agad ako kina Stone.
"Hell, anong gusto mong cd dito?" tanong ni Adlerie sa akin. Tinignan ko ang mga cd na hawak niya at nakita ang cd ng Girl's Generation at Super Junior.
"Uy! Mas gusto ko yung SuJu. Wala namang gwapo sa SNSD eh" nagtawanan sila dahil sa sinabi ko. Totoo naman ah? Wala naman talagang gwapo doon.
"I thought you're gonna choose this one. Fine, ililibre ko na kayo" nagulat ako sa sinabi ni Stone. So, nagpustahan sila para sa sagot ko?
"Wait! Pinagpustahan niyo ako no?"
"Eh. Hehe. Para sa pizza and ice skating. Sama ka?" Ice skating? Matagal ko nang gustong subukan yun. But never in my life kong naexperience yun because my parents are strict about that thing.
"Sure. Ngayon na ba?"
"Yup. Ano? Tara na guys" yaya ni Greg kaya nagsitayuan na sila.
Kotse ni Stone ang ginamit namin papunta sa mall. Pagkarating na pagkarating namin doon ay dumiretso kaagad kami sa ice skating.
Nandito ako sa gilid na nakahawak sa pader habang nasa gitna naman sila.
Lumapit kaya ako sa kanila?
Nainggit ako sa kanila kaya't lumapit na ako ngunit nang hihinto na ako, na-out of balance ako at natumba pero buti na lang at may sumalo sa akin.
"Mag-ingat ka sa susunod" napatingin ako sa humawak sa akin at nakita ko si Stone na may malawak na ngiti.
"S-Salamat" naiilang kong sabi sa kanya at inalalayan niya akong makatayo. Inalalayan niya na rin ako sa buong skating experience ko. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang tinatahak namin ang yelo at masaya ako dahil hindi niya ako binitawan.
Bakit hindi ako hinahayaan ng parents kong gawin to? This is kind of fun.
Babalik na dapat kami sa gilid nang biglang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na tipong may dumudurog.
Hindi ko alam. Ngayon ko lang naranasan 'to sa buong buhay ko and hindi ko alam ang gagawin ko.
Ang natatandaan ko lang, may bumuhat sa akin and everything went black.
Nagising ako nang mabigat ang pakiramdam. Wala na rin akong alam sa mga nangyari pagkatapos kong bumagsak.
"Maayos na naman po ang pasyente. Napagod lang talaga ang katawan niya kaya hindi na niya kinayanan at nagbreak down siya" iminulat ko ang mata ko at nakita ko doon si Adlerie na kausap ang isang doktor. Break down? Napagod? Eh parang kakasimula pa lang ng araw noon ah?
And besides, where am I? Bakit mukhang hindi naman hospital 'tong pinuntahan namin? It should be all white pero hindi.
"Salamat po dok" nakarinig ako nang pagbukas ng pinto senyales na lumabas na yung doktor.
"Oh. Gising ka na pala. Nag-alala kami sayo" nilapitan ako ni Adlerie at hinaplos niya ang ulo ko. Nginitian ko lang siya bilang sagot sa sinabi niya. "Siya nga pala, pumasok na sila Stone sa klase. Nagpaiwan ako para naman may magbabantay sayo. Nandito ka nga pala sa guess room namin" muli ay tumingin ako sa paligid. Doon ko napagtantong nasa dorm pala nila ako.
"Wait. Bakit sila pumasok? Eh diba Linggo ngayon?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Matagal kang nakatulog. Lunes na ngayon actually" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Shit" I cursed. Ano nanaman kayang sasabihin sa akin nila Fire?
"Pero don't worry. Alam naman nila Fire na nandito ka samin. Actually, they insisted na doon ka nalang magpahinga pero pinagpilitan ni Stone na dito na lang daw"
Sa sinabi niyang iyon, nakahinga ako nang maluwag.
"Akala ko hindi nila alam eh. Kung ano-ano nanaman siguro sasabihin ng mga yun."
"Why? I mean, you don't need to think how others might think of you. You only die once, at kapag nangyari yun, wala na. Kaya gawin mo na kung anong makakapagpasaya sayo"
He smiled at me and I did the same too. Tama nga naman siya.
"Teka, kukuha muna ako ng pagkain mo ah. Diyan ka lang, wag kang tatayo." bilin niya sa akin at tanging tango lang ang isinagot ko. Lumabas na siya ng kwarto ay iniwan akong nakatulala dito.
Ano namang gagawin ko? Nakakaburyo din kayang mahiga lang dito. What if lumabas ako ng kwarto?
Tama. Mamaya pa naman siguro sya darating. Bumangon na ako ng kama at nang malapit na ako sa pinto ay bigla itong bumukas.
"Huy!!! Sinabi nang wag ka nang tumayo diyan eh. Ang kulit mo talaga" Napanguso nalang ako at bumalik sa kama.
"Okay lang naman kasi talaga ako. Diba nga, pagod lang ako? Ayos na ko" inilapag ni Adlerie ang mga pagkain na dinala niya dito.
"Nope. I insist. Today, you are my princess" tinignan ko ang mukha niya at imbis na matawa sa sinabi niya ay kinilig ako.
Not comparing the two groups na kilala ko, si Adlerie ay para ding si Fire. They are both sweet in their own ways.
Napailing na lang ako at nagkunwaring tumatawa. Wala nang umimik sa aming dalawa kaya't kumain na ako.
Maya-maya ay biglang nagsipasukan sina Stone.
"Uy, gising ka na pala. Ayos ka lang ba?" bungad nito sa akin.
"Oo naman, ayos na ako." sagot ko dito.
"Sigurado ka?" tanong ulit nito sa akin.
"Oo nga. Nakatayo na nga ako kanina eh." pagmamalaki ko pa rito.
"That's good. Oh, ano nang gusto mo ngayon?" tanong niya sa akin.
I smiled at him before answering.
"Gusto ko nang bumalik sa dorm"
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group