"Hans, wag na wag ka lalayo sa akin. Dito ka lang sa likod ko dahil nakatingin na sila sa iyo" mahinang sabi sa akin ni Heaven. Napansin ko rin ang mga tingin na ibinabato sa akin ng ilan. Yung iba, may halong pagtataka ang tingin. Hindi ko na lang pinansin iyon at bumuntot na lang kay Heaven hanggang sa makarating sa pasahan ng requirements.
"Hans Eric Lagdameo po" nakangiti kong sabi sa isang lalaki. Agad naman niyang prinoseso ang aking aplikasyon at hiningi na sa akin ang mga requirements. Inilagay niya iyon sa isang cabinet at inatasan namang pumunta na sa payment area.
Pagkarating ko sa payment area ay agad kong binayaran ang nagkakahalagang 150,000 na tuition fee. Pagkatapos naman noon ay pinadiretso na ako sa sukatan ng uniform.
May nakita akong cr kaya't dumiretso ako doon dahil naiihi na talaga ako kanina pa. Pagkatapos ay lumabas na ako at pumunta na sa sukatan ng uniform. Doon ko lang napansin na nawala na pala si Heaven sa paligid ko.
Nagmamadali akong nagsukat ng uniform at ibinigay na agad iyon sa akin. Pagkatapos ay nilibot ko ang campus upang hanapin si Heaven ngunit hindi ko sya nakita.
"Shems! Paano to?" naiinis kong tanong. Buti na lang at alam ko ang pauwi kaya naglakad na ako papunta doon.
"Psst" napalingon ako sa paligid ko at nakita ko ang isang lalaking gwapo naman. Matangkad, matipuno ang katawan, at malaJames Reid ang dating.
"B-bakit po?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Shems, bakit nawala pa kasi si Heaven eh
"Ikaw yung new dorm mate nila Heaven right?"
"O-opo"
"Psh, you don't belong there, weak." sa sinabi niyang 'yun, bigla akong nainis.
"Weak? Kilala mo ba ako? No you don't. Pero dahil ganun na nga, let me introduce myself. I am Hans Eric Lagdameo Lopez, also known as Hell! And I'm not weak, dahil baka mapanganga ka pag nakilala mo ang totoong ako" tinulak ko siya at iniwan na. Sayang yung lalaking yun. Gwapo nga, wala namang modo.
Pagkadating ko sa bahay, wala pa rin si Heaven.
"Nasaan na ba yung lalaking yun?" bulong ko sa sarili ko at naglakad pabalik sa campus.
"Hell!" napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita kong yung lalaking nang-inis sa akin kanina iyon
"What now?" maangas kong tugon sa kanya at itinaas ang kilay ko
"S-sorry. Sh*t! This is not me" ginulo niya ang buhok niya "Sorry about that thing. I didn't mean it" nakita kong sincere talaga siya dahil sa mukha niya
"Okay" tumalikod na ako sa kanya at lumingon lingon. Nagbabakasakaling makita ko si Heaven.
"Wait" tinignan ko ulit yung lalaki kanina "Ako nga pala si Stone Ignacio" inalok niya ang kamay niya kaya inabot ko iyon. Nagngitian kaming dalawa at nagbitiw agad.
"Mukha kang nawawala ah? Kanina pa" saad niya
"Ah hindi, nawala lang kasi si Heaven" tumango tango siya bilang sagot
"Pwede ka bang ipakilala sa mga kaibigan ko?" tanong niya at pumayag ako. Wala pa naman si Heaven eh, at mukhang wala siyang balak magpakita
"Guys, this is Hell. Hell, sila nga pala sina Greg, Lyndel, at Adlerie" pagpapakilala niya sa mga kaibigan niya
"Hi" bati ko sa kanila at kumaway
Nagulat ako nang makita ko ang mga CD's nila at mas ikinagulat ko nang malamang puro KPop yun.
"Oh my god! Meron kayo nito??? Pwede bang pahiram?" tanong ko sa kanila nang makita ang CNBlue na CD
"We love listening KPop songs. Sure, kahit sayo na yan" ang gaan ng loob ko sa kanila
"Waaaaaah. Salamat" napayakap ako kay Adlerie kaya't nakarinig kami ng maraming umuubo
"Sorry" nahihiya kong sabi sa kanya
"Ah hindi, ayos lang"
Nagtagal pa ako sa kanila. Nagpatugtog pa kasi sila ng 2PM eh, kaya ayun, nagparty party kuno kami
Namalayan ko na lang, tanghali na pala
"Guys, I need to go. Tanghali na pala, nandoon na sina Fire" pumayag sila at umalis na ako
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group