It's already 1 AM pero gising pa rin ako.
Kanina ko pa iniisip 'yung tungkol sa nararamdaman ko kay Heaven.
Mahal ko na ba talaga siya? Nahulog na ba ako sa kanya?
Knowing him, hindi naman niya maibabalik yung nararamdaman ko kung mahal ko na siya eh. Kung 'yung ibang normal na lalaki nga hindi maibalik yung nararamdaman ng mga gaya ko,siya pa kaya?
Siya pang tinitingala kasi gangster siya?
Siya pang bad boy?
I don't think he'll love a person like me.
He will never reciprocate my love that I may have for him.
Kung nahulog na nga ako sa kanya, ano nang gagawin ko ngayon?
Will I act normally? Or should I avoid him para maiwasan yung nararamdaman ko?
Kasi sa totoo lang, hindi ko na alam.
Pagkatapos ng pagsabi niya sa akin tungkol sa mga nangyari noon, iba na 'yung naramdaman ko para sa kanya. And I don't know why.
Is this really love?
Cause if this is love, I don't know what to feel anymore.
Dahil hindi ako makatulog, tumayo ako mula sa kinahihigaan ko at kinuha ang laptop ko.
It's been a while since I used this. Nakakamiss din pala.
Nagbukas ako ng account ko sa Facebook at nakita ang sobrang daming mensahe na nakuha ko.
Isa na doon ang nakuha ko mula sa bestfriend ko.
"Hans Eric Lagdameo? Bakit hindi ka man lang nagsabi?"
"Nasaang lupalop ka na ba ng mundo?"
"Hoy! Isang linggo ka nang hindi nagrereply. Kahit i-seen mo man lang, makita ko lang na nabasa mo 'to!"
"Buhay ka pa ba?"
"HANS!!!"
"Namimiss na kita :( Wala akong kasabay maglunch!"
"Psh! Bahala ka na nga!"
Bigla akong napaluha sa nabasa kong mensahe mula sa bestfriend ko. Nakakamiss pala siya. Nakakamiss 'yung bawat araw na nasa library kami at imbis na mag-aral ay gumagawa lang kami ng Origami doon sa isang tabi. Nakakamiss 'yung pagkain namin ng sabay sa canteen tuwing lunch - lagi kong order na inumin ang chocolate drink at siya naman sa iced tea. Nakakamiss 'yung bawat oras na nagtatawanan kami dahil nabubulol 'yung isa naming teacher sa Literature. Nakakamiss 'yung bawat oras na kasama ko siya.
Bakit hindi ko man lang nasabi sa kanya ang tungkol dito?
Masyado ba akong naging makasarili? Adventure lang ba ang inisip ko kung kaya't hindi na ako nakapagsabi sa kanya?
Feeling bad, simpleng mensahe lang ang naitugon ko dito:
"I miss you too"
Nagbasa pa ako ng ibang mensahe at kagaya ng bestfriend ko, nagtataka din sila kung bakit wala na ako sa former school ko.
Sobrang naappreciate ko 'yung effort nila para hanapin ako. Pero minsan talaga, kung kailan ka nawala, doon lang nila maaappreciate 'yung mga panahong nandoon ka pa.
Nang tignan ko ang friend requests ko, nagulat ako nang bumungad doon ang pangalan ni Heaven.
Heaven Ricaforte.
Reading his name sent chills all over my body. May kakaiba akong naramdaman na alam kong hindi dapat.
Hindi ko na lang pinansin 'yung naramdaman kong iyon at inaccept na siya.
In-add din pala ako nila Fire kaya't tinanggap ko rin ito.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group