"Kumain ka nang maayos para makauwi na tayo" pagpapakain sa akin ni Fire. Inabot niya sa akin ang isang mangkok ng mansanas na nahiwa na.
Kinuha ko iyon mula sa mga kamay niya at ngumiti.
"Sorry sa abala" paghingi ko dito nang tawad. Hindi sana siya maaabala kung hindi dahil sa akin.
"No, sorry kasi nalagay ka sa ganyang sitwasyon dahil sa amin. Kung hindi ka sana namin nasigawan, hindi ka naman aalis eh." kita sa mukha niya ang pagkakonsensya sa nangyari.
"Wag na lang nating isipin 'yun. Tapos na eh, nangyari na." nginitian ko sita at hinawakan ako sa kamay.
"Wag kang mag-alala, we'll protect you from now on" hinahaplos-haplos niya ang buhok ko habang sinasabi iyon.
"Salamat" sagot ko rito. Binitawan niya ang kamay ko at kumuha ng saging.
"Oh, kain ka pa" iniabot niya sa akin iyon nang nakabalat na.
Marami pa siyang pinakain sa akin at nang matapos akong kumain ay biglang nagsidatingan sila Rock.
"Uy, gising ka na pala. Ano? May masakit ba? May kailangan ka ba?" bungad ni Adlerie sa akin.
"Wala naman. Salamat sa pag-aalala" sagot ko naman dito at nginitian siya.
"Kasi naman, umiwas ka nga sa gulo" sabi ni Greg na may halong inis at pag-aalala.
"Hindi naman ako 'yung lumapit sa gulo" depensa ko sa sarili ko. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganoon eh. Kung alam ko lang, hindi na sana ako umarte pa.
"Edi umiwas ka na dyan sa mga kadorm mo. Lumipat ka sa amin. Kami, hindi ka namin ilalapit sa gulo" nakita ko ang pag-iwas ni Fire ng tingin. Alam kong nasaktan siya dahil sa sinabing iyon ni Greg. Sobra naman na kasi talaga.
"Wala silang kasalanan. Hindi nila ginusto yung nangyari" depensa ko sa kanila.
"Ayan yung problema sayo eh! Masyado kang mabait!" bulyaw na rin sa akin ni Lendel. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon. Isa pang ikinagulat ko ay ang pagtayo ni Fire mula sa kinauupuan niya.
"Ano ba? Sumosobra na kayo ah? Nagapagaling pa 'yung tao pero kung sigaw-sigawan niyo, parang walang nangyari. Kung tungkol sa amin, ayos lang eh. Tanggap ko kasi totoo naman. Pero yung pagsigaw niyo kay Hell? Sumosobra na yata kayo!" akmang susugod na siya ngunit pinigilan ko ito.
"Tama na! Hindi yan makakatulong!" bulyaw ko dito "Stone, umalis na muna kayo please. Please lang" nagkatinginan sila at lumapit sa akin si Stone.
"If you need us, alam mo kung sino ang kokontakin" sabi nito at inilapag ang basket na dala nila kanina.
Tinignan ko si Fire sa mata at nakita ko na nakokonsensya siya.
"Wag mong isipin yun. Alam nating pareho kung ano yung totoo. I am just a victim here of those kidnappers" pagpapagaan ko sa loob niya. Ngumiti siya nang mapait sa akin at hinawakan muli ang kamay ko.
"Oo, victim of our own mess. Kung hindi naman kami nagsalita ng iba sa'yo, hindi ka naman hahantong sa ganitong sitwasyon eh" hindi ko na alam ang sasabihin ko. I
I want to comfort him pero I can't find the right words. Ang alam ko lang, gusto kong pawiin 'yung nararamdaman niya dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group