Pumunta na kaming lahat sa mga kwartong naassign sa amin. Rinig na rinig kahit dito sa kwarto namin ni Heaven ang sigawan nila Rock dahil sa pag-aagawan ng pwesto sa kama.
"Katabi ko sabi si Rock!" sigaw ni Adlerie.
"Hindi! Ako nga kasi dito!" pilit naman ni Lyndel.
Napailing na lang ako at napansin kong si Heaven din, biglang napailing.
"Parang mga bata." natatawang sabi nito.
Dapat ba akong magsalita? Anong dapat kong sabihin sa kanya?
"If they ask you about me, please tell them that I'm taking a nap. Susunod na lang ako. Malapit lang naman 'yun, right?" tanong nito habang nakahiga na sa kama. Nakapikit siya habang nagsasalita and I want to hug him so bad. Sobrang namimiss ko na siya.
"Sige, sasabihin ko na lang. And yes, diretsuhin mo lang paglabas mo, nandoon na 'yung beach." sagot ko naman dito at nagbihis na ng pangligo ko.
Nang makapag-ayos na ako, lalabas na sana ako nang bigla kong maisipang magpaalam kay Heaven.
"Aalis na ako. Sunod ka na lang."
HEAVEN'S POV
"Aalis na ako. Sunod ka na lang."
Bakit noong umalis ka dati, hindi mo sinabi sa akin 'yan? Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kayang itago 'to. Gustong gusto kitang yakapin at sabihing naaalala ko na ang lahat pero may pumipigil sa akin.
Mahal mo pa ba ako gaya noon? O baka naman naaawa ka lang sa naging kalagayan ko? Hans, mahal na mahal kita. Ayaw ko nang umalis dito. Kahit na magpanggap pa ako habang buhay na wala akong naaalala, basta kasama kita.
Pero alam kong imposible. Alam kong hindi ko pwedeng itago to habambuhay. Kailangan kong pigilan ang sarili ko kasi baka hindi ko kayanin kapag kailangan na naming umalis.
---
A/N: Super short update. Guys, namali ako ng lagay ng chapter sa previous chapter omg sorry
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group