Sa wakas ay nakarating din kami sa Daintree Rainforest. Si Leo ang nagkwento sa akin tungkol sa lugar na 'to at maganda daw talaga. Madaming activities na pwedeng gawin sa lugar na ito. In this loud world that we live in, this place is a breath of fresh air. Idagdag mo pa yung sitwasyon namin ni Heaven ngayon. Sa tingin ko, maganda na ding kalimutan na muna ang lahat.
"Woah." reaksyon ni Ice nang makita ang paligid. "Ang ganda, Hans."
"Titira nanaman tayo sa iisang bubong." matawa-tawang sabi ni Leaf.
"With us!" sabay na sabi naman ni Fall at ni Winter.
Aaminin ko, sobrang saya ko ngayong araw na magkakasama kaming lahat. Mabuti na lang at naipareserve ko na ang holiday house na ito.
"Anyway, guys. May tatlong kwarto lang dito. 'Yung isa, dalawang tao lang ang kasya. 'Yung isa din dalawa lang. 'Yung pangatlo naman, apat ang kasya doon. Tapos may kama pa sa sala na kasya 'yung tatlong tao. So may isang matutulog sa saghig" nagkatinginang bigla ang mga lalaki dahil sa sinabi ko. Alangan naman kasing mga babae ang matulog sa sahig 'di ba?
"Maliliit naman kami so I guess kasya kaming tatlo doon sa unang room. Kami na lang doon." prisinta ni Fall.
"Oo nga naman. Para less space na din. Wala pang matutulog sa sahig 'di ba?" dagdag pa ni Winter.
"Kami na lang doon sa third room. You know? 4 people." nagtawanan naman kami sa sinabi ni Greg.
"4 din kami ah?" bigla namang singit ni Leaf.
"No. 3 lang kayo. Magtatabi si Heaven pati si Hans doon sa pangalawang kwarto because you know? 2 people. Alangan namang may iba pang magtabi dito." sagot naman ni Greg na ikinagulat ko.
"Uy! Ayos lang sa akin na katabi sila Fire. Besides, namimiss ko na din naman sila." pagtanggi ko dito. Totoong namimiss ko sila Fire pero bakit ganoon? Parang gusto ko 'yung ideya ni Greg.
"Hindi. It's fine with me. Sige, tabi na lang tayo." napatahimik ako dahil nagsalita siya. Bakit siya pumayag na magtabi kaming dalawa? Kung tutuusin, at this point in time, hindi ko pa nakukuha ulit 'yung tiwala niya. Knowing him, hindi siya papayag lalo na kung hindi niya naman ako kilala. Pero bakit siya pumayag? May naaalala na ba siya?
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group