Chapter 6

7.4K 213 5
                                    

"Seryoso ka ba?" nagtaka ako sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.


Kakalabas ko lang mula sa kwarto ko at hanggang doon ay naririnig ko silang mag-usap.


"Oo nga tol. Actually, magkikita kami ngayon pagkatapos ng klase." sagot ni Leaf kay Wind.


"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko at umupo na.


"Hell, may nakilala akong babae kagabi. In-add niya ako sa FB tapos sobrang ganda niya. Taga RU din eh. Shet lang kasi nalove at first sight yata ako tapos magkikita pa kami ngayon." natawa na lang ako sa sinabi niya at hindi na umimik.


Kaya niya na ang sarili niya. Matanda na siya. And besides, mukha naman siyang masaya.


"Hindi naman kaya poser 'yan?" tanong ni Fire dito.


"Pre, hindi talaga. Live emojis sinesend namin kagabi eh. Nagseselfie selfie kami 'nun." depensa nito na ikinatawa namin.


"Dalhin mo mamaya dito ah." sabi ko rito nang makilala na namin.


"Sige ba." sang-ayon naman nito.


Pagkatapos naming kumain, naghugas na ako ng pinggan sa may kusina. Pagkatapos ko ay pumasok na kaming lahat.


Ang maganda sa amin, pare-parehas lang lahat kami ng kinuhang course at iyon ay ang Business Administration. Sinabi sa amin ng mga magulang namin na ito ang kuhain dahil kami ang magiging tagapagmana ng mga negosyo nila.


"Lyndel, 'yung USB nadala mo ba?" tanong ni Greg dito habang naglalakad kami.


"Oo naman. Inayos ko 'yung powerpoint kagabi kaya nailagay ko 'yun sa bag." sagot nito.


Oo nga pala, silang dalawa nga pala ang unang magrereport sa Marketing.


Nang makarating kami sa klase namin, dumiretso na kami sa kanya-kanyang upuan namin. Maya-maya lang ay dumating na ang professor namin.


Nagset-up na sila Greg ng laptop sa unahan at sinimulan na ang report nila. Pagkatapos nilang magreport ay dinismiss na kami ng professor namin.


"Babe, may naghahanap sa'yo sa labas." sabi ni Heaven. Sa likod ko lang kasi siya nakaupo kaya magkalapit lang kami.


Sa sinabi niyang iyon, tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas na. Pagkalabas ko, nakita ko si Ice na kausap ni Fire.


"Hans!" sigaw nito sabay yakap sa akin.


"Oh? Ikaw ba 'yung naghahanap sa akin?" tanong nito sa akin.


"Oo. Tara, date muna tayo." yaya nito sa akin na ikinanguso ni Fire. "What? Friendly date. Selos ka agad?" depensa naman ni Ice na ikinatawa ko.


"Hindi niyo ako isasama?" nagtatampong tanong nito kay Ice.


"Nope! Bonding na namin 'to. It's been what? 10 years?" sagot naman ni Ice dito.


"Eh paano kung nakidnap nanaman 'yang si Hans?" tanong ni Fire dito.


Hindi ko alam kung nag-aaway sila. Pero kasi, ang sweet ng tono nila habang nagsasagutan. Halata mong mahal nila ang isa't isa.


"Hindi na. Sasapakin ko 'yun." biro ni Ice kaya't nagtawanan kami.


"Fine. Bilisan niyo lang ah." bilin nito sa amin.


"Tara na Hans." yaya nito sa akin.


"Wait lang. Magpapaalam lang ako kay Heaven." sagot ko dito at muling pumasok na sa loob. Nilapitan ko si Heaven na nakayuko sa upuan niya, inaantok yata.


"Babe, makikipagdate muna ako ah?" biro ko dito. Nagmamadali siyang umupo nang maayos at hinarap ako.


"Anong date? Hindi!" natawa ako sa sinagot nito sa akin.


"Kasama kasi ni Ice." depensa ko dito.


"Lalaki ka na?" nagtatakang tanong nito kaya nabatukan ko siya.


"Friendly date." napatango siya sa isinagot ko.


"Sige na. Bilisan niyo lang ah." bilin nito sa akin at nginitian ko lang siya bilang sagot.


Lumabas na ako papunta kay Ice.


"Tara na."


=====


A/N: SORRY GUYS SA SOBRANG TAGAL NG UD HUHUHUHU. BUSY KASI SA ACADS AND KAKASTART LANG NG BAKASYON NAMIN :) ANYWAY, REVISED NA ANG BUONG STORY - NAGKAROON NG MALING NAME (ROCK=STONE). PINAHABA DIN YUNG IBANG PARTS :)


KUNG GUSTO NIYO, PWEDE NIYONG SIMULAN ULIT. PERO, HINDI NA MAAAPEKTUHAN NUN YUNG MGA SUSUNOD NA CHAPTERS. YUNG LAST CHAPTER NA LANG ;)


AGAIN, SORRY SA TAGAL NG UD :)

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon