Chapter Twelve [REVISED]

15.5K 448 11
                                    



 "Makakalabas ka na daw dito bukas" bungad sa akin ni Wind pagkapasok niya ng kwarto ko. Dumiretso siya sa inuupuan nina Fire sa gilid.


 "Haay, sa wakas. Nakakaburyo din dito ah" singhal ko sa kanila. Wala nga akong ginagawa, malungkot naman dito. Mas pipiliin ko nang maging busy kaysa ganito no.

 "Makakasama ka na ulit namin sa bahay" masayang sabi ni Leaf.


 "Oo nga eh. May magluluto na ulit ng masarap na pagkain. Hindi 'yung puro kain sa labas ginagawa natin." dagdag pa ni Wind dito na nagpatawa sa akin.


Natahimik kaming lahat nang may kumatok sa pintuan. Lahat ng atensyon namin ay napunta doon at nang bumukas ang pinto ay nagulat kaming lahat sa pagpasok ni daddy.


Bigla akong nakaramdam ng kaba lalo pa noong pumasok din si mommy na halatang galit at nadismaya sa nangyari.


 "Mommy. Daddy." ayan lang ang nasabi ko.


 "You are so irresponsible! Bakit ka napunta dito?" galit na tanong ni daddy sa akin. Imbis na sumagot, napayuko na lang ako. "At kayo? Bakit niyo pinabayaan na mapunta dito ang anak ko?" binalingan ko ng tingin ang mga kaibigan ko ngunit kagaya ko, nakayuko lang din sila. Muli akong tinignan ni daddy kaya napayuko akong muli.


 "Akala ko ba mag-iingat ka? Akala ko ba lalayo ka sa pahamak? HANS ERIC!! Pinayagan kita tungkol sa bagay na to kasi nagtiwala ako sayo! Pero you disappointed me" sunod-sunod na sabi ni mama. Bigla akong naiyak dahil doon.


 "M-ma" magpapaliwanag na sana ako pero naunahan niya ako.


 "After recovering, sasama ka na sa amin umuwi" sabi ni mommy sa akin.


 "Ma, wag naman ganun" pagmamakaawa ko rito habang humahagulgol. Pinilit kong bumangon ngunit hindi ko nagawa.


 "Napahamak ka na tapos hindi ka pa lalayo? Sasama ka sa akin bukas na bukas din" sunod-sunod na sabi niya at lumabas na sila ni daddy ng pinto.


Naiwan akong humahagulgod kaya't nilapitan at niyakap ako nila Wind, Fire at Leaf. Si Heaven? Ewan ko doon. Hindi pa siya nagpaparamdam eversince.


 "Sshh, wag ka nang umiyak" pang-aalo sa akin ni Fire.


 "Ayaw ko nang malayo sa inyo" sabi ko sa kanila habang patuloy pa ring umiiyak.


 "Ayaw din naman namin eh. Pero wala tayong magagawa doon. Sundin mo na lang yung mommy mo" sabi ni Leaf na ikinagulat ko.


 "A-ano?! S-sundin?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "You want me out of your life too?" 


 "Hindi naman sa ganun, pero you need to follow their command, mga magulang mo sila eh. Siyempre gusto nilang nasa magandang kondisyon ka" pagpapaliwanag ni Leaf.


Pagkatapos noon, hindi na ako nakaimik pa at nilunod na lang ang sarili ko sa pag-iyak.


HEAVEN'S POV


This is all my fault. Kasalanan ko kung bakit siya napunta sa ganitong kondisyon.


Kaaway ko 'yung gang na kumuha kay Hans. Hindi dapat siya malalagay sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa akin.


Sobrang nakokonsensya ako. Alam kong hindi gusto ni Hans na umalis. Alam kong napamahal na siya kina Fire kaya ngayon, gagawin ko kung ano ang tama. Kailangan kong gawin kung ano yung dapat kong gawin.


Kailangan kong ibalik 'yung dating akin.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon