Chapter 21

5K 168 2
                                    

"Sshh." nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sa akin patalikod. Dahil na rin siguro sa sakit kaya hindi na ako nakapagreact. "Alam kong ikaw 'yan, Hans. Tahan na."


Doon ko nakilala ang taong 'yon. Si Stone.


"Nabalitaan kong dumaan ka sa hospital kanina lang." simula niya ng panibagong paguusap. Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot sa kanya.


"Ay, oo. Bumalik ako actually, pero wala na kayo doon." kwento ko naman dito.


"Nagcheck out din kasi kaagad pagkaalis mo. Okay naman na daw sabi ng doctor." 


"Kumusta siya?" kahit nasaktan na ako, siya pa rin ang iniisip ko. Ayos lang kaya siya?


"Retrograde amnesia daw. Sabi ng doctor kanina, may chance na ikaw lang yung nakalimutan niya. Pero sinabi naman na may chance pa rin daw na maalala ka niya kapag may nagtrigger sa utak niya tungkol sayo." parang nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi nyang iyon. Willing akong gawin lahat para lang maalala siya.


"Tulungan mo ako." tinignan ko siya nang seryoso - mata sa mata. "Tulungan mo akong maalala niya ako." 


Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon