Chapter Eighteen [REVISED]

12.6K 359 4
                                    

 "ANO BA?! Lagi na lang bang ganito? Lagi niyo na lang papabayaan si Hell? Aba putangina! Ibigay niyo na siya sa amin kung hindi niyo rin kayang alagaan si Hell." nagising ako dahil sa sigaw na iyon.


Ang sakit ng ulo ko. Pinilit kong bumangon ngunit hindi ko kaya.


 "Sasamahan dapat namin! Hindi nga lang siya pumayag" sigaw ni Heaven.

Ano bang nangyayari? Ano bang kaguluhan iyon?


 "ALAM NIYO NA NGANG MAPAPAHAMAK SIYA, HINAYAAN NIYO PA RIN? MGA BOBO TALAGA KAYONG MGA GAGO! ANG IINUTIL —" nakarinig ako bigla nang kalabog at kinabahan ako dahil doon. Alam ko na ang nangyayari. Nag-aaway nanaman sila dahil sa akin. Ang malala pa doon, nagkasakitan na sila.


 "WAG KANG MAGSALITA KASI WALA KANG ALAM SA MGA NANGYAYARI" sigaw ni Leaf na ikinagulat ko. Ibang iba sa Leaf na nagbibiro pa kanina.


 "Hans?" napatingin ako sa kurtina at nakita ko doon si Heaven.

Nasa clinic ako ng school.


 "Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.


 "Wag mo nang alalahanin yun. Magpahinga ka lang dyan" sagot nito sa akin ngunit kasabay noon ay nagsidatingan naman ang iba pa.


 "Kamusta ka na? Ayos ba ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Stone na pumutok ang gilid ng labi.


 "Oo. Ayos lang ako." sagot ko dito. "Bakit ba kayo nagsisigawan? Anong problema? Bakit niyo sinisisi sila Leaf? Kasalanan ko yun Stone. Hindi ako nagpasama eh" 


Hindi ko na alam ang nangyayari. Naguguluhan na ako.


Yumuko naman sila dahil sa sinabi ko.


 "Iniligtas niyo ako? Salamat. Pero hindi niyo pwedeng sumbatan sila Heaven nang ganun-ganun na lang. Ako yung sisihin niyo! Kasalanan ko eh" hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw.


 "Hans" pagpigil sa akin ni Heaven.


 "Hindi eh. Sobra na naman kasi yun" depensa ko pa. "Naaalala ko na lahat. Alam ko ring mas pinili niyo si Ice kaysa sa pagkakaibigan natin" nakita ko ang panlalaki ng mga mata nilang lahat at nakarinig ako ng mga singhap. "Oo. Tanggap ko yun. May gusto kayo doon eh. Pero alam niyo ba kung bakit ginawa ni Fire na saktan ako? Siguro alam niyo na kaya iniwan niyo rin si Ice" nakita ko ang pagyuko ni Fire. "Don't feel bad because of it Fire. Tanggap ko. Ayos na ako doon. Pero sana, wag na tayong magsisihan. Can't we just be with each other again? Yung tayong siyam ang laging magkasama. Yung tayong siyam yung laging nagdadamayan." napahinto ako at tinignan sila isa-isa. "Kasi alam niyo? I miss it" 


Pagkatapos noon ay wala nang sumubok magsalita. Tahimik lang lahat nang biglang dumating ang nurse.


 "Ayos na naman ang pasyente. Wala ding ibang kemikal 'yung panyo na ginamit sa kanya maliban sa pampatulog. May posibilidad na sumakit ang ulo niya dahil nagising siya ngayon kaya alalayan niyo na lang siya. Tsaka 'yung mga lalaking may kagagawan nito, kinakausap na ng Guidance Office ngayon. Pwede na kayong lumabas dito."


Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ako makabangon sa sakit ng ulo ko. Muli, binuhat ako ni Heaven nang hindi ko inaasahan.


Hindi na ako nagpumiglas dahil alam kong kailangan ko ito ngayon.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon