Chapter 4 [REVISED]

9.2K 279 8
                                    

Nasa hapagkainan na kaming lahat at masayang kumakain. 


"Halatang hindi si Hell yung nagluto nito." sabi ni Adlerie.


"Ang galing ko no? Iba yung timpla." pagbibida naman ni Heaven sa sarili niya.


"Oo. Promise. Ibang iba. Pero hindi masarap." nagtawanan kaming lahat sa isinagot ni Adlerie.


"Aba loko ka ah." natatawang sagot ni Heaven dito.


Nagtatawanan pa rin kaming lahat nang biglang may magsalita sa may pintuan.


"Hello guys." napatingin kaming lahat doon at nakita si Fire. Nagulat ako nang kasama niya si Ice at magkahawak kamay pa.


I don't want to ruin our dinner kaya't bumalik na lang ako sa pagkain at nanahimik.


"Kami na nga pala ulit." dagdag pa ni Fire.


"Tol, kumain na kayo oh." tumayo si Greg sa kinauupuan niya ngunit pinigilan ko ito.


"Hindi ikaw ang maga-adjust Greg. Tapusin mo na muna 'yang pagkain mo bago ka tumayo diyan." pagsusungit ko kaya biglang tumahimik at umupo nang muli si Greg.


Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at lumabas sa balkonahe namin.


Bakit ganoon? Tanga na ba si Fire? Sinaktan na siya tapos babalik pa ulit? Para saan? Hindi ko maintindihan yung Logic niya.


"Hans." napatingin ako sa tumawag sa akin at bumalik din ang atensyon sa labas nang makita kong si Ice iyon. "Alam kong may galit ka sa akin—" simula pa lang niya, nainis na ako.


"Alam mo pala eh. Bakit ka pa nandito? Nagtatangatangahan lang? O nambubwisit ka?" inis kong tanong sa kanya.


"Sorry. A-alam kong may kasalanan ako sa'yo noon. Alam kong hindi ako naging mabuting kaibigan sa'yo." naiiyak na simula nito. "Alam kong sobrang mali ng nagawa ko sa'yo noon." doon na tumulo ang luha niya. "Sobrang pathetic ko 'no? Nagawa ko ang lahat ng 'yun dahil sa katangahan. Nagawa ko lahat ng 'yun kasi sobrang naiinggit ako sa'yo. Ang swerte mo kasi Hans eh. Ang swerte swerte mo. Alam kong walang kapatawaran 'yung ginawa ko sa'yo kasi buhay mo 'yung muntik nang mawala dahil sa kagagahan ko. Hans, sorry. Sobrang pinagsisihan ko na 'yung nagawa ko noon." sa totoo lang, hindi ganoon katigas ang puso ko. Oo, naiinis ako sa isang tao. Pero kahit kailan, hindi ako nagalit. Biglang nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya sa akin. "Alam mo ba, sobrang saya ko 'nung nagkita ulit tayo. Sobrang saya ko 'nung hindi mo ako nakilala kasi alam kong makakapagsimula tayo ulit. Pero hindi eh. Sila pala 'yung mga makakasama mo sa dorm. 'Yung mga taong sobra ding nagalit sa akin dahil sa katangahan ko. Nawalan na ako ng pag-asa noon sa'yo pero alam mo ba, masaya na akong nakita kitang buhay." bigla ding pumatak ang luha ko dahil sa sinabi niya. "Hans, kahit ngayon na lang ulit. Last na 'to. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na maging kaibigan ka ulit oh. Kahit hindi na kagaya noon. Basta Hans, mawala lang 'yung galit mo sa akin. Kahit itulak mo pa ako sa truck? Sige lang! Ganoon naman ginawa ko sa'yo noon eh." medyo natawa siya sa sinabi niyang iyon.


Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.


Nang magkayakap kaming dalawa, sobrang hagulgol ang pinakawalan naming parehas.


Aaminin ko, I miss her. Namimiss ko na ang bestfriend ko.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon