Chapter Sixteen [REVISED]

12.6K 400 6
                                    

"Hans! Naiwan mo oh." napatingin ako sa kaklase ko nang iabot niya sa akin ang baunan ko.

 "Uy! Salamat...... Heaven"


Bigla akong napabangon dahil doon. Naaalala ko na ang lahat. Alam ko na kung bakit malapit ako sa mga gangsters. Alam ko na kung bakit hindi ko sila nagawang iwan.


Kaklase ko sila noon. Maging sina Stone.


Naging magkakaibigan kami and they treated me as a princess. Paano ba naman kasi, ako lang ang nag-iisang bakla sa grupo namin. Bakit kasi sa all boys school pa ako nag-aral eh. Wala tuloy akong kasamang mga babae ng panahong iyon.


We're all living happily nang may makilalang babae sina Heaven. Siya si Ice. Nakilala namin siya nang magkaroon ng intrams ang school namin.

Ang gulo nga ng buhay namin dahil sa kanya eh. All of the guys liked her. Maganda naman kasi siya. Mabait din.


And she made me her friend. Bestfriend to be exact.


Pero isang araw, everything was ruined.


 "Halika Hans, nandoon sila Heaven oh" nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong gagawin nila Heaven doon?


 Pero tumawid pa rin kami ng kalsada.


 But what surprised me was she pushed me hard.


 "BEEP!!" until I was bumped by a truck.


2 months akong na-comatose because of that. But my senses are present. May naririnig akong babae noon na laging ibinubulong sa akin ay :


 "Mamatay ka na sana." 


Ngayon, kilala ko na kung sino ang babaeng iyon.


Pero bakit ipinalayo sa akin sila Heaven? That's the thing I want to find out.


 "Hans, gising ka na pala" napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko sa hospital at nakita ko doon si Heaven.


 "Bakit niyo itinago sa akin ang totoo?" tanong ko sa kanya bago pumatak ang luha ko.


 "Hans?" nagtatakang reaksyon ni Heaven.


 "Oo Heaven, naaalala ko na. Kaya ba iba ang ikinikilos mo these past few days?" hindi ko na napigilan ang mapaiyak.


 "Hans kasi-" I stopped him from what he is saying.


 "Kasi ano?! I can't even find a valid reason para itago mo sa akin yung totoo!" sigaw ko dito. Halatang hindi siya mapakali at hindi na alam ang gagawin.


 "I'm not in the place to say this" natataranta niyang sagot sa akin.


 "Pero alam mo kaya sana, sabihin mo na!" sigaw ko.


 "Fine! Naging kayo ni Fire noon. Pinaasa ka niya! Sinaktan! Ano Hans? Masaya ka na?" hindi ko alam pero bakit hindi ko maalala ang sinasabi niya?


 "Anong pinagsasabi mo dyan? Naaalala ko na lahat Heaven at hindi yun parte ng mga naaalala ko"

 "Pero ayun yung totoo! Nagkaamnesia ka hindi dahil sa pagkakatulak sayo. Nagkaroon ka ng retrograde amnesia at nang dahil yun kay Fire! Hindi ka nagkaamnesia nang maaksidente ka dahil kay Ice. Nagkaamnesia ka at nacomatose dahil kay Fire! Sinabing makakabuti sayo kapag lumayo kami pero hindi eh. Alam ng daddy mong mas masaya ka noong kasama kami. And you know what? Bumabalik na daw yung dating Hans. Yung dating Hans na nawala nang magkaamnesia ka at palayuin kami sayo" nagulat ako sa mga nalaman ko.


So, lahat ng to, plano ni daddy.

 "We turned out as a gangster nang maging patapon ang buhay namin nang mawala ka. Pero nagkawatak watak ang barkada dahil mas pinili naming samahan si Fire at sila naman kay Ice. Ang babaeng gusto kang patayin noon pa man. Pero napalayo din sila kay Ice at ayaw talaga nilang lumapit kay Fire kaya hindi na kami nagsama pa. Inintindi namin si Fire at nalaman naming nabulag lang siya kay Ice kaya niya nagawang paasahin ka. Sinabihan siya ni Ice na saktan ka. Durugin ka. Palayuin ka sa aming lahat dahil isa kang kakompetensiya para sa kanya" nagulat ako sa mga nalaman ko.


Ang bigat sa pakiramdam.


Parang bumabalik ang sakit dahil sa ikinukwento nya.


 "Hindi ako galit sa'yo. Ipinaliwanag ko lang ang lahat at sana, bumalik na tayo sa dati. Ako na rin ang nanghihingi ng tawad para kay Fire. Pero sana, wala na lang makaalam sa mga sinabi ko sayo. Baka magkagulo ulit"

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon