Nakauwi ako ng bahay nang lumilipad ang utak. Mababaliw na yata ako sa kakaisip kung ano nang gagawin ko ngayon.
Alam kong mahirap maintindihan lahat ng ginawa ko. Alam kong mahirap intindihin kung bakit ko ginawa 'yon kahit na iba ang sinisigaw ng puso ko. Ngayon, alam kong ang tanga tanga ko kasi mas pinili kong sumuko - kahit na hindi naman ako 'yong tipo ng tao na madaling sumuko. Bakit ngayon pa ako sumuko? Bakit doon pa sa taong mahal ko?
"Ugh!" sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Ang tanga tanga ko!
Noong lumayo ako, maayos ang buhay ko. Walang gulo, walang kidnapang nangyayari, walang tama ng baril, walang kahit anong masamang nangyari. Pero doon ko rin narealize, boring pala pag wala sila. Malungkot pala kapag walang Kpop songs. Malungkot pala kapag walang kalaro ng baraha. Walang thrill kasi hindi na nangyayari lahat ng adventures noon.
I love adventures. I love some happiness with a mix of thriller events pero bakit natakot ako? Bakit napagod ako? Bakit lumayo ako?
"Okay ka lang?" nagulat ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si Leo. "Bakit ka umiiyak? May masakit ba? Ano nangyari? Magsalita ka." nandito na pala siya. Hindi ko man lang narinig na tumunog ang pinto. Siguro gan'on kablangko ang utak ko para hindi siya mapansin.
"O-Okay lang ako." sagot ko habang sumisinghot.
"Hindi ka okay. Ano nangyari?" muling tanong niya sa akin.
"None of your business. Leave me alone." sagot ko na lang dito para mapag-isang muli.
Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong balikan si Heaven, alam kong kailangan niya ako ngayon. Pero alam ko ding balewala lang ako sa kanya ngayon kasi kinalimutan nya ako.
Napakasakit isiping pinili nya akong kalimutan. Am I too late? Bakit ngayon pa kami nagkita kung kailang huli na ang lahat? Bakit kailangan kong masaktan nang todo todo?
"Sshh. Stop crying." nagulat ako nang mapansing nasa gilid ko pa rin si Leo.
"ANO BA? HINDI MO BA MAINTINDIHAN NA GUSTO KONG MAPAG-ISA? UMALIS KA DITO KASI HINDI KITA KAILANGAN!" hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sumigaw.
"DAHIL BA KAY HEAVEN?" bigla akong nahinto dahil sa sinabi niya. "Oo Hans, nakita ko. Sinundan kita kanina kasi baka kung anong mangyari sa'yo. Oo Hans, alam kong nandoon si Heaven sa hospital pero di ko sinasabi sa 'yo. Oo Hans, tinago ko sa 'yo. Pero sana maintindihan mong ginagawa ko lang 'to kasi mahal kita Hans! Ang manhid mo, nakakapagod na." nagulat ako nang biglang pumatak ang luha niya pero mas ikinagulat ko ang pag-amin niyang mahal niya ako.
"Kailan pa?" tanging tanong ko sa kanya.
"2 years ago. Nakita kita 2 years ago tapos nalaman kong kasama ka pala nila Stone. 2 years ago, nagpost ako sa RU Files. Ako si Arnoeld, jumbled letters ng Leonard." nakayukong sabi nito. Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa nalaman ko. "Sobrang gusto kita that time. Hindi ko alam kung bakit ikaw pa. Hindi naman kita ganoon kakilala noon eh. Pero base sa mga kwento nila Stone, humanga ako sa'yo. Matapang ka Hans. At mas natuwa ako kasi nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ka ngayon. Mabuti na lang pala na pinasundan kita sa mga tauhan ko noon. Kung hindi nila ginawa 'yon, hindi tayo magkakasama dito." isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya dahil sa narinig ko.
"How dare you? Sino ka para pasundan ako? Sino ka para lokohin ako? All this time, akala ko nakahanap ako ng totoong kaibigan but you proved me wrong."
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group