I am packing my things right now. Honestly, sobrang excited ko na kasi mamaya na daw ako lilipat sa dorm kung saan makakasama ko yung mga lalaking anak ng mga kaibigan ni Dad.
Ano kayang itsura nila? Sana naman may kamukha si Enrique Gil mylabs. O kaya naman si James Reid mybabes.
"Are you done?" biglang pumasok si mommy sa kwarto ko. Umupo siya sa gilid ng kama at tinitigan ako. By her looks, mukhang iiyak na siya.
"Ooops. Wag kang magdadrama mommy. It's just 6 years. I can handle it" sabi ko at ngumiti sa kanya.
"It's not that. Alam mo naman ang Redskull University right? Baka naman napipilitan ka lang kasi you never want to disappoint your dad?" Takot? Ayun yung nakikita ko sa hitsura ni mommy ngayon. But no, I just chuckled at her with her thoughts.
"No mom. I want adventure, alam mo yan." Paliwanag ko sa kanya. Alam naman niya talaga yun kasi lagi ko siyang pinipilit gawin ang gusto ko eh. I always ask nothing but adventure.
"Fine. But if ever na may kailangan ka o kaya ayaw mo na, don't hesitate anymore. Call me alright?" Ngumiti ulit ako sa kanya. Isinara ko na ang zipper ng bag ko at inilapag na iyon sa sahig.
"Sure mom. O siya, see you next time mom" she hugged me tight. I will miss this.
I will surely miss this house.
Hinatid ako ni daddy sa Redskull University. Nasa loob din daw 'yung dorm so hassle free. Binigyan din ako ng isang papel kung saan nandoon na 'yung rules at mamaya ko pa siya babasahin kapag nasa dorm na ako.
Nilingon lingon ko ang paligid ng university na pinuntahan namin. It's not bad. In fact, it seems to be like the prettiest school that I encountered. Ibang-iba sa ineexpect kong school.
"Bago ka 'no?" nagulat ako nang may babaeng biglang nagsalita sa gilid ko.
"Ah, oo" napatango siya sa isinagot ko.
"This school is really nice, at first" hininaan niya yung boses niya pero rinig ko pa rin.
"Buti nga at kahit papano ay may parteng nice pa rin. This school is not what I expect it to be. I expected rallies and vandalisms pero wala" I said seriously. Nakikinig naman siya sa akin nang mabuti.
"May disiplina pa rin naman ang mga tao dito kahit papano. The students here also follows some rules at part na doon yung 'No rallies inside the campus' at saka yung 'No vandalism'" umupo kami sa may bench sa isang gilid. Eto yata yung quadrangle nila tapos nagmukha siyang minipark kasi may tables and benches din dito.
"So pag may gang war? Saan nangyayari yun?" curious kong tanong. Kung bawal mag-away inside the campus, meaning, nag-aaway sila outside this university. Hindi ba't parang nakakasira ng reputasyon ng school yun? Yung makita ng mga tao na nag-aaway ang mga estudyante sa publikong lugar pa?
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group