Chapter Twenty One [REVISED]

11.1K 356 9
                                    

Alanganing oras na ako nagising kinabukasan. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa pagpupuyat ko noong nakaraang gabi.


Pagkalabas ko ng pinto, nakita kong nakahain na ang mga pagkain.


 "Oh? Sinong nagluto?" hirap kong tanong dahil bawat salita ko ay kasabay ng pagkirot ng ulo ko.


 "Si Heaven. Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Leaf sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot at dumiretso muna sa cr para magtoothbrush.


Pagkatapos kong magtoothbrush at maghilamos ay dumiretso na ako sa kusina at tumabi kay Leaf - gaya nga ng napagdesisyunan ko, iiwasan ko muna si Heaven.


Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta si Heaven na siya na lang ang maghuhugas.


Ako ang pinauna nilang maligo. Binilisan ko lang dahil nga masama ang pakiramdam ko at nang matapos ay dali dali akong nagbihis.


Nang makapagbihis na ako, kinuha ko ang medicine kit ko at kinuha doon ang gamot para sa sakit ng ulo. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig nang mainom ko na ito.


Pagkarating ko doon, naabutan ko si Heaven na nagliligpit na ng mga pinaghugasan.


 "Ayos ka lang ba?" tanong nito nang mapansin ako.


 "Ah oo. Iinom lang ako ng gamot tapos mamaya mawawala din 'to." sagot ko naman sa kanya.


Tango lang ang naging sagot niya. Kumuha na ako ng tubig pagkatapos noon at uminom na ng gamot.


Dumiretso na ako sa sala at napagpasiyahang doon na lang maghintay sa kanila. Umidlip ako sandali dahil sa sakit ng ulo ko.


Nagising na lang ako nang tapikin ako ni Leaf.


 "Gising na. Aalis na tayo." nagmamadali akong tumayo at kinuha na ang bag ko.


Hindi na masakit ang ulo ko. Buti na lang dahil kung hindi, baka makatulog ako sa klase.


Naglakad na kami papunta sa klase namin. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang biglang magsalita si Leaf.


 "Jeez! Sabi ko na nga ba." napatingin kaming lahat sa kanya.


 "Ano yun?" tanong ni Wind dito at napatingin ito sa hawak ni Heaven - ang handicrafts namin.


 "Naiwan natin yung handicrafts natin" paalala niya at parang bumalik naman ang diwa ng mga kasama namin.


 "Teka, mauna na kayo, babalikan lang namin yun" we nodded as an answer.


 "Sige, sige. Kita na lang tayo mamaya." paalam ko sa mga ito.


Huli ko nang narealize ang nangyari.


Naiwan kaming dalawa ni Heaven na magkasamang naglalakad and now I wish na sana pala, sumama na lang kami pabalik.


 "Iniiwasan mo ako" bigla niyang sabi. Hindi siya tanong. It was a statement. Nahalata niyang iniiwasan ko siya.


 "I'm not" tanggi ko dito.


 "You are. It's obvious anyway. Bakit? May kasalanan ba ako?" I can hear his concern with his voice.


Nagsisi naman ako sa pag-iwas ko dahil lalo niya lang akong kukulitin. And now, for the second plan, act normally. Tumayo ako nang maayos at humarap sa kanya.


 "Hindi nga! Ang kulit mo talaga" sagot ko dito at tumawa. Bigla namang nagbago ang tingin niya sa akin at mula sa hitsura niya, alam ko nang aasarin niya akong muli.


 "Crush mo talaga ako kaya ka umiiwas no?" pang-aasar niya sa akin.


 "Ang feeler mo talaga" paasar ko ding sagot sa kanya.


 "Yiee, amin na kasi" kiniliti pa niya ako sa tagiliran habang sinasabi niya iyon.


 "Eh anong aaminin ko? Wala naman talaga akong gusto sayo" sagot ko dito at bigla naman niyang pinisil ang pisngi ko.


 "Ang cute mo talaga pag nagdedeny" asar nanaman niya sa akin.

Sasagot na dapat ako ngunit napansin kong may tao sa likod niya. At bago ko pa masabi sa kanya, bigla na lang may nagtakip ng ilong ko at naging blangko ang lahat.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon