Kinabukasan, inantay ko ang pagdating nila mommy sa kwartong tinutuluyan ko. Tanggap ko na, wala na akong magagawa.
Ayoko naman silang suwayin dahil lang sa napamahal na ako sa mga kasama ko. Pero kasi, naging parte na sila ng buhay ko kaya mahihirapan talaga akong mapalayo sa kanila.
Ayokong mapalayo pero wala akong magagawa kundi sumunod sa mga magulang ko. Mahal ko na sila pero mas mahal ko yung mga magulang ko kaya sasama na ako pauwi.
"Halika na. Sumama ka na" sabi ni mommy sa akin pagkarating niya sa kwarto. Wala na sila Leaf dito dahil pinauwi na sila ni mommy kanina pa.
Mamimiss ko sila. Sobrang bigat nito para sa akin.
Pagkalabas namin ng kwarto, nagulat ako nang harangin kami ni daddy doon.
"Oh hon?" gulat na bati ni mommy pero imbis na pansinin ni daddy ay ibinaling nito ang atensyon sa akin.
"Hans, gusto mo bang sumama sa amin?" nagulat ako sa itinanong niyang iyon. Para bang may kung ano ang sumapi sa kanya kaya't naisipan niya akong tanungin nito.
"Wait. Anong ibig sabihin nito?" tanong ni mommy na wala ring alam sa nangyayari.
"I'll explain later. Leave it to me first." napatahimik na lang sa isang tabi si mommy. "So, uulitin ko Hans. Gusto mo na bang sumama sa amin? You can stay with them kung gusto mo pa." Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Napayakap ako sa kanya nang nakangiti dahil gusto ko pa.
"Dad, I want to stay with them." tipid na sagot ko dito dahil sa labis na sayang nararamdaman ko.
"Haay naku ang baby namin, nagiging independent na. Basta tandaan mo, ayaw ko nang maulit ang nangyari na to ah?" bilin niya sa akin. Bumitaw na ako sa yakap namin at hinarap sya.
"Opo dad. Hinding hindi na po" sabi ko dito.
"Pasalamat ka kay Heaven, kung hindi niya ako pinilit, hindi na ako papayag"
FLASHBACK
Heaven's POV
"Good evening sir, pwede po ba kayong makausap?" desperadong tanong ko sa papa ni Hans.
"Ano yun?" Kinakabahan ako ngunit alam kong ito ang tama.
"Tungkol po kay Hans" bungad ko sa kanya.
"What about my son?" tanong niya sa akin. Walang paligoy-ligoy, sinagot ko siya:
"It's not his fault kung bakit siya nandyan. It's my fault in the first place. Okay lang po sa akin kung bugbugin niyo ako dahil dito pero nagmamakaawa po ako. Wag niyo na po siyang ilayo sa amin" lumuhod ako sa harap niya, umaasang hayaan niya si Hans na manatili kasama ko, kasama namin.
"And why would I let that happen?" masungit ang tono nito nang itanong niya iyon.
"Pangako, hindi na po mauulit to. Poprotektahan ko siya kahit buhay ko pa ang kapalit nun. Hinding hindi na po mangyayari yung nangyari noon" buhay ko para kay Hans. Ayoko na siyang mawala pang muli sa amin.
Isa siya sa mga taong nagkaroon ng puwang sa buhay ko. Isa sa mga taong nagbigay kulay sa walang kwentang mundo ko.
"Sige. kung saan masaya ang anak ko, doon ako" sobrang saya ko nang sabihin niya iyon. Alam kong hindi na aalis si Hans. Alam kong makakasama pa namin siya dahil dito. Alam kong sa amin sasaya si Hans.
"Salamat po" napatayo ako mula sa kinaluluhuran ko at niyakap siya.
I can't contain my happiness right now. Sobrang saya kong pumayag ang daddy niya.
At dahil dito, tutuparin ko ang pangako ko. Hinding hindi na kami magkakalayong muli.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group