Chapter Fourteen [REVISED]

14.9K 431 13
                                    

Sobrang saya ko ngayon. Hindi maipapaliwanag ng mga salita kung ano talaga ang nararamdaman ko.


Nasa gitna kami ng malapelikulang eksena nang biglang nagsilabasan sina Fire.


Agad akong napabitaw kay daddy at sumenyas na lalapit sa mga kaibigan ko. He nodded so I walked immediately going to their place.


Pagkarating na pagkarating ko ay niyakap nila ako nang mahigpit. Nakalimutan yata nilang may sugat ako kaya napalakas ang yakap nila.


"Aww" inda ko nang biglang kumirot ang sugat ko.


"Ano? May masakit ba sayo? Ayos ka lang ba?" napatingin kaming lahat kay Heaven.


Si Heaven ba talaga tong kaharap ko?


Bakit may nag-iba?


Hindi ako sanay na ganto siya.


"W-wala naman." sagot ko dito. "Salamat nga pala sa pagkumbinsi kay daddy" dagdag ko pa. Lalo namang nag-iba ang tingin nila kay Heaven ngunit wala ni isa ang nagsalita.


"Wala yun" sagot niya at inayos ang postura.


"Oh, sige na Hans, mauna na kami ng mommy mo. Basta ah? Yung sinabi ko sayo" noon ko lang napansin na nilapitan din pala kami nila Daddy.


"Mag-ingat ka na ah. Hindi na talaga ako papayag sa susunod" masungit na sabi sa akin ni mommy.


"Opo. Makakaasa po kayo" sabi ko sa kanila.


"Sige na, aalis na kami" paalam ni mommy at saka hinalikan ako sa pisngi. Niyakap ko silang dalawa ni daddy at pagkabitaw ay nagpaalam na ako sa kanila.


"Bye. Ingat po kayo" paalam ko sa kanila.


The gangsters waved their hand to bid their goodbye too. Pagkatapos nun, nagkatinginan kaming limang natira dito.


"So ano na?" tanong ko sa kanila pambasag ng katahimikan. Wala pa ring nagsalita hanggang sa tumikhim si Fire.


"I'm glad you chose to stay" sabi ni Fire sa akin. I shrugged my shoulders as an answer.


"Ewan ko ba. Napalapit na agad yung loob ko sa inyo" paliwanag ko dito.


"Sus, ayaw mo lang mahiwalay sa mga gwapo eh" biro ni Leaf sa akin.


"Wow! Ang kapal ah" pabirong sagot ko din dito kaya't nagkatawanan kami.


"Pero realtalk, ang saya ko din kasi hindi mo kami iniwan" seryosong sabi ni Leaf. Nginitian ko silang lahat dahil ganoon din pala ang nararamdaman nila.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon