Kinabukasan, balik nanaman sa dati ang lahat. Ako nanaman 'yung nagsisilbi sa kanila at hindi mawawala doon 'yung kakulitan namin.
Naglalakad na kami ngayon papasok ng classroom namin nang may makita akong pamilyar na mukha. Sino nga ba ulit to?
"Uy! Long time no see" hindi ko pa rin maalala kung sino siya kaya ngumiti na lang ako nang may pagkailang. Ngumiti naman siya na parang naintindihan niya ako.
"I see. Hindi mo na ako maalala no? Grabe naman. Ice. My name is Ice" bigla kong naalala yung nangyari nung unang araw ko dito. Oo nga, siya nga. Siya yung nakausap ko noon na nagpaliwanang nang halos lahat.
"So, saan yung room mo?" tanong niya bigla sa akin. I was supposed to answer pero naunahan na ako ni Leaf.
"Excuse us. But who are you?" nagulat ako sa biglaang pagsusungit ni Leaf. Ibang-iba sa Leaf na nakita ko kanina. Bumalik nanaman 'yung pagkamasungit niya. At 'yung tonong ginamit niya, parang iba. Parang may halong galit na hindi ko maintindihan.
Imbis na pansinin iyon ay naisipan ko na lang na ipakilala si Ice sa kanila.
"Ay. By the way, her name is Ice. She is a friend of mine" pagpapakilala ko na may halong awkwardness dahil sa ibang aura nila.
"We don't care. Let's go" sagot ni Wind at hinila ako palayo kay Ice.
Pinilit kong huminto ngunit malakas siya.
"Teka. Uy, ano yun? Bakit ganun?" gulat kong tanong habang hinihila pa rin niya ako. Nakasunod lang 'yung tatlo sa amin ni Wind.
Nang makalayo na kami ay binitawan na ako ni Wind at humarap silang apat sa akin.
"And how did you trust someone like her? Kakakilala mo pa nga lang" hindi ko maintindihan pero ibang-iba talaga sila ngayon. Medyo kinakabahan ako sa pinapakita nila but I managed not to show it.
"Eh bakit ba galit na galit kayo? Ano bang mangyayari kung mapalapit ako sa kanya? Ikamamatay ko ba?" sigaw ko pabalik sa kanila.
"OO!!! WALA KANG ALAM DITO KAYA MATUTO KANG LUMUGAR" sigaw ni Fire na ikinagulat ko. Itinaas ko ang isang kilay ko at bumuntong hininga. I faked a smile and tears flow down from my eyes.
After that, I walked away. Wala akong pakialam kung umabsent ako sa unang araw ng klase ko ngayon. Wala akong pakialam kung sumunod man sila sa akin o hindi.
Sa lahat ng mga bagay na pwede mong gawin, ang pagsigaw ang pinakaayaw ko. Miski ang mga magulang ko, hindi ako sinigawan kahit kailan.
I accept criticisms but I hate to be shouted. Magkaibang magkaiba ang dalawang bagay na iyon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta, I just want to stay away from them. I hate them, I really do. Ano pa nga bang ineexpect ko? They are "gangsters". Sa simula pa lang, dapat hindi na ako pumayag sa sinabi ni daddy eh. Oo, adventure to pero sa lahat ng adventures, dito ako pinakanasaktan.
One word to describe them? Heartbreakers. Hindi naman kasi ibig sabihin ng heartbreakers ay nainlove ka na sa kanila. They are heartbreakers because they are too rude. They don't know how to choose words and they don't know how to care.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group