Nagising ako nang nakapatong ang ulo sa balikat ni Heaven. Hindi ko alam kung mahihiya ako o kung ano pero napansin ko namang tulog din siya.
"Guys, snapchat!" biglang sigaw ni Ice kaya naman tingin lahat sa kanya. Ngumiti ako para magmukhang matino naman sa picture. "Isa pa." nagulat ako nang biglang gumalaw si Heaven at bigla akong inakbayan. Gising pala siya. Bakit kasi nasa loob ng sasakyan pero nakashades sya.
Bakit? Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman dahil doon. Kahapon lang, parang kinamumuhian niya pa ako pero ngayon, parang iba siya.
"Ayaw mo ba ng inaakbayan ka?" tanong niya nang mapansing napatingin ako sa kanya.
"Ah, hindi. Nagulat lang ako." sagot ko naman dito. Tumango tango lang siya at maya-maya pa'y bumitaw na rin agad sa akbay.
Napansin kong napatingin 'yong iba sa akin dahil doon. Nakakagulat naman kasi talagang bigla niya na lang akong kinausap ulit na parang walang nangyari.
"Anyway, sorry sa kahapon. Mali 'yong ginawa ko." hindi ko alam ang isasagot ko doon. Bakit parang hindi ako makapagsalita? "And also, may nagsabi sa akin kagabi na you were my boyfriend. Hindi ako makapaniwala pero kapag nakikita kita, parang may connection nga sa ating dalawa." dagdag pa niya. Kahit ano, walang pumapasok sa utak ko. Parang balewala na ang mga nasa paligid ko dahil ngayon, siya na lang ang tumatakbo sa utak ko.
"Ang daldal ko ba? Sorry."
"Ay hindi! Wala lang akong masabi. Hindi ko lang alam kung paano sasagot sa mga sinabi mo."
"Sorry. Sorry sa lahat kung may kasalanan man ako noon." napatahimik ako sa sinabi niyang 'yon. Mali eh. Ako dapat 'yong magsorry kasi kasalanan ko lahat ng 'to. "Bakit ka nga pala sumama sa amin? Paano 'yong lalaking kasama mo dati?" bigla akong nagtaka sa sinabi niyang iyon. Paano niya nalamang may kasama akong lalaki dati? He never saw me with Leo, as far as I know.
"Sinong lalaki?"
"'Yong kinwento nila sakin? May kasama ka daw na lalaki sa ospital eh." kinwento pala nila.
"Si Leo? 'Wag mo na syang isipin. Hindi na siya parte ng istorya natin."
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group