I swear, I'm hurting right now. Walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa may nakita akong isang malawak na park pagkarating ko sa likod ng RU. Doon, nakakita ako ng bench kaya naman nilapitan ko iyon ngunit nang papalapit na ako, bigla na lang may nagtakip ng ilong ko and everything went black.
Nagising ako nang masakit ang ulo. Ano bang nangyari? Ang naaalala ko lang, naglalakad ako papuntang park hanggang sa...
Nakarinig ako nang malakas na kalabog ng pintuan. Oo nga pala, may nagtakip nga pala sa ilong ko at pagkatapos noon, wala na akong maalala pa. Wala akong makita dahil may nakatakip sa mga mata ko at nakatali rin ang mga braso at binti ko.
Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang nangyayari ngayon. I was kidnapped.
"Gising ka na pala bata" I heard a husky voice of a guy and I swear, it's creeping me out. Kahit na takot na takot na ako, I composed myself and prepare on what I will say.
"Ano bang kailangan mo? Bakit mo ako dinala dito? Pera ba kailangan mo? Pwes sige. Tatawagan ko si daddy-" natigil ako nang bigla siyang nagsalita.
"Wag kang madada bata. Hindi pera ang kailangan ko sa'yo. Kailangan ko lang mapatay ang isa sa Formidable Gang" biglang nanlaki ang mga mata ko at kinilabutan sa narinig.. F-Formidable Gang? Eh diba sila Heaven yun?
Biglang humupa ang galit ko sa kanila nang ganun-ganun lang. Napalitan ito ng takot sa posibleng mangyari.
"Boss, nandito na po si Wind" sa narinig ko, bigla na lang tumulo ang luha ko. Of all people, why him? He's like my brother so I can't afford to lose him.
I swear, I'd rather lose my life than losing his. Wala pang isang linggo simula nung magsama kami pero the moments we have shared made me love all of them. Kahit si Heaven pa. Hindi ko alam but I felt connected with them kahit noong una pa lang.
"Andito na ako. Pakawalan mo na si Hell" narinig kong sigaw ni Wind na halatang nahihirapan na. Lalong tumulo ang luha ko dahil kahit hindi ko nakikita, ramdam kong nabugbog na siya. I can imagine how bruises covered his smooth, angelic face. Siguro, gaya ko ay nakatali din siya at hindi makakita sa ngayon.
"Not so fast Wind. Pagmasdan mo muna kung paano ko siya pahirapan" may dumamping isang malamig na bagay sa leeg ko. Alam ko, kutsilyo iyon.
"Nagmamakaawa ako Lucifer, wag si Hell." sigaw niya kaya napahagulgol na ako.
Kung mamamatay man ako, sana makaligtas si Wind. Sana hindi siya mahirapan o pahirapan pa ng mga dumukot sa akin.
"Sa tingin mo, makikinig ako sa'yo? Hayaan mo munang saktan-" nagulat kami nang kumalabog nanaman ang pintuan.
"Hindi na ngayon Lucifer" si Heaven 'yun. Alam ko, kahit malayo siya.
Nakarinig ako ng mga putok ng baril at kalabog ng mga gamit na nagsisitauban. Iniub-ob ko ang sarili ko sa aking tuhod at ang tanging naaalala ko, nakaramdam ako ng sakit sa aking tagiliran.
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group