Chapter Seventeen [REVISED]

12.2K 359 10
                                    

Gaya ng napag-usapan namin, hindi ko ipinaalam sa kanila na naaalala ko na. Mukhang normal na ang lahat pero iba na ang dating sa akin. Pero tama naman si Heaven eh, it will just complicate things.


Sobrang caring nila sa akin noong pumasok kami. Inalalayan nila ako papasok at dahil magkakaklase kami, pinaalis nila sa upuan yung mga katabi ko.


 "Ang rude niyo" reklamo ko sa mga to. I even pouted my lips but it's no use.


 "Para maalagaan ka namin" sagot ni Wind sa akin at nagtaas-baba ang kilay.


 "May baon akong joke!" nagtinginan kami kay Leaf nang magsalita siya.


 "Oh? Ano 'yun?" tanong ni Fire dito.


 "Anong isda ang ginagamit sa pagsulat?" tanong nito sa amin kaya nagtawanan kaming lahat.


 "Napakalaos naman niyang joke mo. Wala bang bago?" pambabara ni Heaven dito.


 "Meron siyempre. Anong paboritong isda ni Hell?" nagtaka naman ako sa joke na iyon. Kung meron man, napakabago na nga noon.


 "Ano ba?" tanong ko dito.


 "Eh di, HELLapia!" bigla akong natawa sa hitsura niya. Oo, hindi sa joke kundi sa hitsura niya.


 "Ang corny naman. Tama na." pabirong awat ni Fire dito kaya natawa ako.


 "Last na. May isa pa." hirit pa nito.


 "Ano na? Last na ah." asar ni Wind dito.


 "Anong madalas na expression ni Hell?" ako nanaman? Napanguso ako dahil doon.


 "Maliban sa ngumuso, ano yun?" tanong naman ni Fire dito kaya nagtawanan sila.


 "Eh di, HANSabeee?" natawa kami sa pagkakasabi niya noong linya. Pero sa totoo lang, nakakatawa naman talaga 'yung joke niya.


 "Hansabe?" pagbibiro ko dito kaya nagtawanan ulit sila.


Kasama sa mga naaalala ko ang ganitong bonding namin noon. Palabiro talaga si Leaf simula pa lang noong una.


Maya-maya lang ay naramdaman kong naiihi na ako kaya't nagpaalam ako sa kanila.


 "Uy teka, cr lang ako" paalam ko sa kanila ngunit nagulat ako dahil pagkatayo ko ay tumayo na din sila. Nakakatawang isipin ngunit ganoon talaga ang nangyari.


 "Oh? Saan kayo pupunta?" tanong ko sa kanila.


 "Sasamahan ka" sagot ni Wind.


Naappreciate ko 'yung ginawa nila. Binabantayan talaga nila bawat kilos ko ngunit hindi naman dapat kasama ang pag-cr doon diba?


 "Kaya ko na" sagot ko dito.


 "Hindi. Malay mo may mga taong nandyan sa labas para kunin ka" bigla akong natawa sa sinabi ni Leaf. But this time, he is serious.


 "Uy ano ba? I can manage" nahihiya kong sabi sa kanila. I heard them sighed bago umupo.


 "Bumalik ka agad ah" bilin ni Heaven sa akin.


 "Opo" sagot ko dito at umalis na.


Pumunta ako ng cr at umihi na. Pagkalabas ko ng cubicle, nagulat ako nang may mga lalaking humarang sa akin.


 "Ang tanga talaga ng mga gangsters mo no? Pinabayaan ka" sabi nung isang lalaki.


 "Sino kayo? Anong kailangan niyo?" kinakabahan kong tanong dito.


 "Uhmm, sabihin na lang natin na kami ang tatapos sa buhay ng mga malalapit na gangsters sayo" sagot naman nung isang lalaki kaya sumigaw na ako.


 "TULOOOOO—" tinakpan nila ang bibig ko and the next thing I knew, binuhat nila ako and everything went black.

Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon