Ngayon na ang alis nila... Lahat sila, busy sa pag-aayos ng kani-kanilang gamit samantalang si Heaven, kanina pa sobrang clingy sa akin. Nakayakap lang siya na parang may gustong umagaw sa akin kahit na wala naman.
"Baka mamaya niyan, hindi ka na umalis ah?" biro ko dito. Nagtaka naman ako kung bakit hindi siya tumawa man lang kaya nilingon ko siya.
Napakalungkot ng mukha niya.
"Kung pwede lang na hindi ako umalis, gagawin ko." seryosong sabi niya. What the heck? Nagpaplano ba syang magpaiwan dito?
"Uy, umayos ka nga. Magkikita pa naman tayo pagkatapos kong makagraduate eh. 'Wag kang maghahanap ng iba ah." biniro ko na lang siya sabay kinurot sa ilong. Aaminin ko, ang cute niya kapag nalulungkot siya nang ganito.
"Tama na 'yan! Kailangan na nating umalis." rinig kong sigaw ni Rock.
"Oh. Aalis na daw. Tara na." yaya ko kay Heaven saka tumayo na. Tumayo na rin siya pagkatapos noon.
Lalabas na sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napakainit ng kamay niya. Hinayaan ko na lang ito at magkahawak kamay kaming lumabas.
Nang makarating sa sasakyan, sa pinakadulo napiling umupo ni Heaven kaya sinundan ko na lang siya.
Buong biyahe, hawak niya lang ang kamay ko at nakasandal ang ulo sa balikat ko. Papalapit na kami sa airport nang bigla siyang magsalitang muli.
"Pigilan mo lang ako, hindi na ako aalis." sa ikalawang pagkakataon ay pinisil ko ang ilong niya.
"Ang kulit mo. Malungkot akong kailangan mong umalis pero kailangan mong umalis. Besides, may facebook naman. Doon na lang tayo magusap lagi." sagot ko naman dito.
Maghihiwalay nanaman kami ng landas ni Heaven pero naniniwala akong hindi na kami maghihiwalay pang muli. Napakadami na naming pinagdaanan para lang mabuwag ng kung ano man diyan kaya hindi na kami mapaghihiwalay ng kahit sino pa.
Nang makarating sa airport, naramdaman kong mas humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Hindi ko siya masisisi. Napakatagal naming hindi magkikitang muli.
"Hans, kailangan na naming umalis." malungkot na sabi ni Ice.
"Oh sige na. Baka maiwan pa kayo ng eroplano." pagbibiro ko nang mabawasan naman 'yung lungkot na nararamdaman naming lahat.
Nagpaalam na silang lahat sa akin. Nagyakapan kami at siyempre, ang pinakahuli ay si Heaven.
"Hans Eric Lagdameo Lopez... Hell, you gave me a piece of heaven but I gave you hell. Baliktad 'yung pangalan natin diba? Pero kahit na ganun, naniniwala akong we're the perfect match. Tandaan mo lang na nandoon lang ako sa Pilipinas na maghihintay sa 'yo. Mahal na mahal kita." hindi ko na napigilan ang pagluha ko nang sabihin niya 'yun. Kanina ko pa pinipilit na maging matapang para hindi masyadong maramdaman ang sakit ngunit hindi ko pala kaya. Iiyak at iiyak pa rin pala ako.
"Heaven, I'll be there. Mahal na mahal din kita."
THE END
BINABASA MO ANG
Living with the four gangsters (boyxboy)
Teen FictionI'm not scared with them. They are just a group