EPILOGUE

11.7K 374 11
                                    

It's been a month since nacomatose si Heaven dito sa ospital. Maayos naman ang naging operasyon niya at hinihintay na lang ang paggising niya.


Maayos na rin ang gusot sa pagitan naming lahat na nagresulta sa pagbalik ng dating kami. Sama-sama na ulit kaming kumain at wala nang alitan pa sa pagitan ng dalawang grupo. Pati sina Stone, nagbabantay din kay Heaven tuwing gabi.


Nakakatawang isipin na halos wala nang natutulog sa mga dorm namin tuwing gabi dahil pinipili ng lahat na magbantay dito. Kada araw, may isang hindi pumapasok sa amin para magbantay kay Heaven. At ngayon, ako nga ang nakaschedule na magbantay dito.


Sa tuwing dalawa lang kami ni Heaven dito, hindi ko mapigilan ang sarili kong tabihan siya at haplusin siya. Ang gwapo niya. Pero iba pa rin talaga kapag gising siya.


Madalas ko rin siyang kausapin kapag nagbabantay ako. At kapag ginagawa ko iyon, naaalala ko 'yung mga panahon na hindi niya ako kinakausap. 'Yung panahong sobrang sungit niya pa sa akin at 'yung panahon na bigla na lang nagbago ang lahat.


Bigla akong napangiti. Nakakamiss talaga siya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong kausapin siya.


"Alam mo, mas okay pa siguro kung nagkukulit ka. Mas magandang makita yun kesa tahimik ka nga pero hindi ka naman gumigising" I smiled by that thought. Tinignan ko ang buong features ng mukha niya then I brushed his hair. "Miss na miss na kita. Diba gusto mong malaman kung gusto kita? Aamin ako pag gumising ka ngayon kaya gumising ka na dali. Mas okay pang asarin mo ako." biglang tumulo ang luha kodahil doon. Pinunasan ko iyon at tumingin ulit sa kanya.


Pero nagulat ako sa nakita ko. A smile is forming on his lips.


Totoo ba tong nakikita ko?


"Heaven?" paninigurado ko dito.


Maya-maya lang ay bigla siyang dumilat na nagdulot ng sobrang saya sa akin.


"So, ano nga yung aaminin mo?" sa sobrang katuwaan, imbes na sagutin siya ay napayakap na lang ako dito.


"Buhay ka" napahagulgol ako sa saya. Ganito pala kasarap ang pakiramdam nun no? Hindi maipaliwanag ng salita kung gaano ako kasaya sa paggising niya.


Nang humiwalay na ako sa kanya, I sawa smirk on his lips.


"Ayan na, gising na ako. Ano nga yung aaminin mo ulit?" bigla akong namula sa sinabi niya. Nagsisi ako kung bakit ko pa sinabi iyon sa kanya.


Napakawrong timing naman ng pagkausap ko sa kanya. Bakit ngayon pa?


Kita sa hitsura niya na naghihintay talaga siya ng sasabihin ko sa kanya kaya't napilitan na akong magsalita.


"G-Gusto kita" nahihiya kong sabi sa kanya. Napayuko ako sa kinauupuan ko pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa.


"Sabi ko na nga ba eh" muling asar niya sa akin habang patuloy na tumatawa.


Namimiss ko na 'yung tawang 'yon.


"Sabi ko na nga ba aasarin mo nanaman ako eh." nakanguso kong puna dito. Patuloy pa rin siya sa pagtawa at medyo naluluha na.


"Uy grabe tama na." nahihiya kong awat dito. Maya-maya lang, sumeryoso na ang hitsura nito.


"Ang cute cute mo kasi. 'Wag kang mag-alala. Gusto din kita"


Living with the four gangsters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon