Chapter 56: Still Love

207 5 0
                                    

Inumpisahan ko ang buwan ng Pebrero na puno ng pagbabago. Hindi lang physically, kundi sa marami pang bagay. Iniwasan kong mag krus ang landas namin ni Alec at Nelle. Hindi na ako kumain sa Cafeteria. Instead, nag baon nalang ako at kumain sa Room. Nung una, mag isa lang ako doon pero nang nagtagal ay sinamahan na ako ng mga kaklase ko. Nagbaon na rin sila para daw may kasabay akong mag lunch. Habang sina Julia ay pinakiusapan kong sa Cafeteria nalang kumain para masabayan nila si Alec. Ayokong tuluyan siyang malayo sa grupo dahil lang sakin. Kaya nagbigay daan na ako. Nakakasama ko parin naman sila minsan. Dinadalaw nila ako sa bahay and nag uusap kami sa school. Binigay ko lang talaga ang lunch time for them to have a bonding with Alec.

Nag deactivate rin ako ng account sa Facebook. Iniwasan kong magkaroon ng anumang komunikasyon kay Alec. Iniwasan ko ang mga bagay na alam kong magpapaalala sakin sa kanya. Gaya ng mga pictures o post niya na bigla nalang lumalabas sa newsfeed ko. Kaya nauwi ako sa pagdi-deactivate. Pati ang mapunta sa SSC Office ay iniwasan ko rin. Naging off limits rin ako sa Building nila dahil baka makasalubong ko siya doon. Pati sa Library ay malimit akong pumunta. Minsan nga, kapag may gusto akong hiraming libro ay nagpapahiram nalang ako sa mga kaklase ko.

February 14. The most challenging day for me. Mabuti nalang nga at wala kaming pasok ng Sabado kaya nanatili nalang ako sa bahay nang araw na iyon. Ang pinroblema ko lang ay ang kawalan ng pagkakaabalahan. Hindi ko alam kung paano palipasin ang araw na iyon na hindi iniisip si Alec at ang posibilidad na baka nag date sila ni Nelle.

"Hindi, Jai. Dalawang linggo mong tiniis na hindi mag facebook. Ngayon ka pa ba susuko? Tuloy mo na. Panindigan mo na." bulong ko sa sarili. Sinarado ko ang browser ng cellphone ko at naisipang matulog nalang. Itulog ang Valentines Day!

Gabi na nang malingat ako. Nasa kwarto na ako at nakabalot ng kumot. Tumayo ako mula sa higaan nang makaramdam ng gutom. Alas syiete na pala ng gabi. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko. Sa daan patungong kusina ay nakakita ako ng isang bouquet ng bulaklak.

"Wow, ang sweet naman ni Papa." Nakangiti kong sabi.

"Ma!" Tawag ko sa aking ina. "Ano pong ulam?"

Pinakinggan ko ang magiging sagot niya pero namuo ang katahimikan sa buong bahay. Pumunta ako sa kwarto nila ni Papa. Wala sila doon. Wala sa sala, kusina, wala rin sa likod. Ibig sabihin, wala sila ng bahay?

Binalikan ko ang nakitang bouquet sa ibabaw ng mesa sa sala. Kinuha ko ang maliit na card na naroon at malakas na binasa. "Happy Valentines Day! From: Anonymous." Binaliktad ko pa ang card para maghanap ng pangalan o clue man lang pero wala akong nakita. From Anonymous, really? Ayokong isipin na galing ito kay Alec dahil bibigyan lang ako noon ng maling pag asa. I'm in the process of moving on. Bakit ngayon niya pa naisipan? Kung galing naman to sa iba, who would give it? To think na nakapasok siya sa bahay -- Wait, Enrique Gil?!

"Sayo galing 'to?" Tanong ko sa kanya matapos siyang lusubin sa bahay niya.

Tamad lang niya akong tinignan. "Si Julia nga, hindi ko binigyan ng bulaklak. Ikaw pa kaya?"

"Aray! Medyo offensive 'yon. Pero never mind kasi alam kong wala ka namang paki sa feelings ko. Bakit hindi mo binigyan ng flowers si Julia?" Tanong ko.

"Ang korny kaya nun." Sagot niya. At talagang salubong pa ang kilay ng mokong.

"Don't tell me, hindi mo siya inayang mag date?"

Umiling siya. "Bakit naman kami makikipagsabayan sa dami ng tao sa mall? Sigurado, siksikan doon ngayon. Marami namang araw na pwedeng mag date. Hindi lang tuwing Valentines Day pwedeng mag date, Jai."

"Tsk tsk tsk!" Umiiling na sabi ko. "Insensitive ka talaga. Hindi mo alam ang mga sentiments ng mga babae. E, kung iba kaya ang magyaya ng date sa kanya ngayon, masasabi mo pa ba 'yan?"

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon