Chapter 29: Boys Opinion.

370 6 1
                                    

Mabilis na dumaan ang mga araw. Sobrang busy nadin sa school kasi panahon na ng final requirements, thesis, final exams and such. Buti nga samin hindi nagkasabay sabay yun eh. Nauna yung baby thesis namin tapos final requirement and then, tadah! Final exam.

Grabe. Pigang piga ang utak ko sa final exams. Lalu na't nagkasabay sabay pa yung ibang subjects. Good thing is hindi cover to cover ang exam kaya hindi isang buong libro ang kailangan naming review'hin. Purgida na daw samin 'yon. Pero, parang wala din kasi sobrang napiga parin ang utak ko. Pati calcu ko, muntik ng bumigay sa hirap ng exams. Lalu na sa Quanti.

"Anong balak mo sa bakasyon, mahal?" tanong ko sa nobyo kong si Alec.

Naglalakad na kami ngayon paalis ng Campus. Kakatapos lang ng exams namin.

"Hmm. Ano ba? Bukod sa makasama ka, wala naman." nakangiti niyang sabi.

Ehh? Nakuha pa talaga niyang bumanat pagkatapos ng madugong exam? Ibang klase talaga utak nito. Di ata napapagod at nagagawa pang mambola after all.

Pero aminin ko, napangiti ako sa sinabi niya. Kilig lang.

"Hindi na kayo pupuntang Laguna?" pagsiguro ko.

"Hindi na. Baka sila naman pumunta samin."

Psh! Akala ko pa naman..

"Punta ka din samin nun. Para makita mo si Wena."

"Ha? Naku wag na." baka kung ano pa ang magawa ko sa maharot mong pamangkin. =___=

"Selos ka padin ba? Di ba sinabi ko na sayo? Pamangkin ko yun."

"Alam ko. Tingin mo sakin, makakalimutin? Basta, ayoko lang makigulo sa reunion niyo."

"Sus. Ayaw mo lang makita si Wena e." pang aasar niya.

"Sige, ipilit mo pa. Babatukan talaga kita!"

"Aba. Kailan ka pa naging sadista, ha?"

"Ngayon ngayon lang. Epekto to sakin ng nakakadugong exam. Nambabatok agad ako pag nainis."

"Wag ka ng mainis, mahal. Tsaka nakuha mo naman yung exam di ba?"

"Yung iba," dismayado kong sabi. "Ang hirap sobra! Pero carry naman."

"See? Kuha mo naman e. Nakita ko ang pag e-effort mong magreview kaya confident ako na makukuha mo yun."

"Psh!" pabiro kong tinampal ang pisngi niya. "Cute mo talaga eh no!"

"Mas cute ka."

"Hoy! Mahal lovers!"

Sa sobrang pagkukulitan namin ni Alec, hindi namin napansin na lumampas na pala kami sa pinagpark'an ng motor niya. Nagising lang kami sa ulirat nang marinig namin ang pagtawag ni Vince.

"Ay hala. Lumampas tayo, Alec." natatawa kong sabi.

"Oo nga. Ikaw kasi, ang kulit mo."

"Wow ha. Ako pa ngayon." =___=

"Oh ano, tatayo nalang ba kayong dalawa diyan?" nakapamewang na tanong ni Cayle.

"Psh! Eto na nga oh." turan ko at hinila si Alec pabalik sa pinagpark'an ng motor niya.

"Tss. Inuuna pa kasi ang paglalampungan." bulong ni Enrique. Pero asusual eh narinig ko. Ang lakas bumulong ng damuhong 'to. Parang sinasadyang iparinig. Psh.

"Hay naku, mahal. Tayo na nga. Ayokong ma badvibes lalo." inis kong sabi at inirapan si Enrique.

"Cayle, Vince at Julia. Kita nalang tayo sa mall ha." sabi ko pa nang makasakay na sa motor.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon