"P-pwede ba kitang ligawan?"
As if on cue, biglang lumakas ng sobra ang kabog ng puso ko. Para akong kinakabahan, na di ko maintindihan.
"A-Ako? Liligawan mo? Okay ka lang?" tanong ko. Trying to make my voice sound normal. Pero sa loob loob ko, halos nagwawala na yung puso ko.
Aaminin ko, there is that "kilig", I felt nung marinig yun sa kanya. Ikaw kaya sa lugar ko no! Ikaw ba naman ang tanungin ng ganun ng crush /slash/ bestfriend /slash/ Love mo. Di ka ba kikiligin? Aber?!
"Oo. Bakit? Masama ba?" kunot noo niyang tanong.
"Hindi naman. Kaso.."
"Kaso?" tanong niya.
"Parang. . ." Huminga ako ng malalim. Ang weird talaga ng nararamdaman ko ngayon, promise. Itong pesteng puso ko, di magtigil sa pagwawala. Tapos tong bibig ko, di paawat sa pagngiti. Kailangan ko tong pigilin! Nakakahiya!
Teka nga, hindi pa kaya ako nagbblush sa harap ng lalaking to?!
"Parang ano?" mukha na siyang puzzled. Puro kasi hangging ang questions ko.
"Ah ewan! Di ko ma explain." tumalikod ako sa kanya. Napalunok ako.
Anu bang ginagawa mo Jai? Pwede, umarte ka ng tama? Act normal.
EHEM.
Tinatanong ka lang naman kung pwede siyang manligaw di ba? It doesn't mean naman na kapag um-oo ka eh sinasagot mo na siya. Tsaka mas maganda naman yun, nagdaan talaga sa process. Para mas makilala niyo ang isa't isa.
Para akong timang na kinakausap ang sarili ko. Kung ano ba ang dapat kong gawin, ang dapat kong isagot.
Sa palagay ko naman, sincere siya. And we all know, I like him. I mean no! I already love him na. So why not give him a chance para patunayan niya sakin how much he loves me? And more of his sincerity di ba?
EHEM!
Humarap ulit ako sa kanya. Huminga ng malalim at sinabing. "Okay, sige."
- Cayle's POV -
Pagkatapos ng mahabang paghahanap, natagpuan ko rin si Vince. Nasa may Garden siya, nasa likod yun ng Auditorium.
Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya napansin ang paglapit ko. Nakaupo siya sa may damuhan at mukhang malalim ang iniisip. Nakatingin lang siya sa mga ulap sa langit.
Tahimik akong humakbang palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. Nagulat siya nang makita ako.
"Cayle.."
Ngumiti lang ako bilang sagot, at ibinaling ang tingin ko sa mga ulap. "Ang aliwalas ng langit no? Sarap pagmasdan."
"Oo nga. Nakakawala ng stress." sagot niya, na tumingin na ulit sa langit.
"Vince.."
"Cayle, I'm sorry."
Bigla akong napatingin sa kanya. He was staring at me. Yung mga tinging yun. Yung mga tingin niya na nakapagpahulog sakin.
"Baby!"
Napalingon ako sa likod, kung saan nanggaling ang boses ng taong sumigaw. Hindi nga ako nagkamali, siya nga yon.
Lumapit siya samin ni Vince. Tumayo na ako, ganun din si Vince.
"Kanina pa kita hinahanap ah." sabi niya.
Si Vince, tahimik lang na nakatitig saming dalawa.
"Akala ko kasi umalis kana e." nakangiti kong sagot.
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))