Chapter 3: Para sakin?

1K 15 17
                                    



BANGAG.


"Grabee Jai ha. Ang laki ng eyebags mo. Anyare?" tinabihan agad ako ni Myrtle as soon as makapasok siya ng room. At wow ha. Hanep ang panalubong niyang tanong.

"Ha? Nag ano. Nagbasa kasi ako sa Nat-sci."

"Oh talaga? Edi ready ka para sa exam?"

"Ha? Anung exam?" tanung ko.

"May exam tayo ngayon sa Nat-sci di ba?"

"DI NGA?!"

"HAHAHA! Just kidding!" Sabi nya sabay peace sign at ngiting nakakaloko.

Sabunutan ko kaya tong babaeng to? Muntik nakong atakihin sa puso dahil sa kanya eh. Hindi pa naman ako totoong nagreview sa Nat-Sci. Ang totoo kasi niyan, hindi ako nakatulog kase, hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Alec na, "the feeling is mutual" daw. Eh, napag
alaman ko pa na ang ibig sabihin nun eh, parehas kayo ng nararamdaman. So does it mean, gusto niya rin ako?

"Absent minded ka ngayon Jai ah." bigla ulit nagsalita si Myrtle.

"Ha? Absent minded ka dyan." pagtanggi ko.

"Sus! Naniwala ka ngang may exam sa Nat-Sci eh wala naman tayong Nat-Sci ngayon eh."

Napaisip ako.

Oo nga no? Biyernes nga pala ngayon. At tuwing tuesday at thursday lang ang Nat-Sci namin. Walanjo. =___=

"Tse!" inisnab ko nalang kunyari si Myrtle. Wala eh, olats ako.

*/~ AKO ANG RINGTONE MO. SAGUTIN MO NAMAN ANG PHONE MO! ~/*

"Ay ringtone ka."

Hindi ko ngapala na-silent yung phone ko. Buti nalang, wala pa yung prof namin.

*/~ AKO ANG RINGTONE MO, SAGUTIN MO NAMAN ANG PHONE MO! ~/*

Teka, asan na yung cellphone ko? Alam ko, dito lang yun eh.

Hanap.

Hanap.

Hanap.

*/~ AKO ANG RINGTONE MO. SAGUTIN MO NAMAN ANG PHONE MO! ~/*

Binggo! Nahanap rin kitang phone ka. Ang ingay mo ha. =___=

*/~ AKO ANG RING--

"Hello!!"

(Uhh. Galet?)

"Al--" napatigil ako saglit, napansin ko kasing nakatingin sakin lahat ng kaklase ko. Hindi lang basta tingin ha, masama talaga ang mga tingin sakin.

"Bakit?" tanung ko sa kanila.

"Ang ingay ng phone mo, pati ikaw. Labas!" sabi ng spokeperson ng klase.

Edi lumabas. =___=

"Pasensya naman. Maingay ang phone ko." wala sa loob kong sabi bago tuluyang lumabas.

(Hello. Hello?)

"Hello!"

(Galit ka?)

"Ay hinde. Ang saya saya ko nga eh!" sarcastic kong sagot.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina sa kabilang linya.

(Ang cute mo talaga)

"Tch. Anu bang kailangan mo?"

(Wow. Ganyan ka na bang makipag usap sa crush mo?)

WALANJO!

"Ikaw. Yumayabang ka ha. Porket nabasa mo lang--"

(Hephep! Akala ko ba kakalimutan na natin yun?)

"I can forgive, but I can't forget. Remember that, Alec!"

(Easy lang. Anu bang problema? Bakit parang highblood ka?)

"Pinalayas kaya ako ng mga kaklase ko." para akong batang nagsusumbong.

(Bakit naman?)

"Maingay kasi yung phone. Tumawag ka kasi."

(Ah. Hindi ba nakasilent?)

"Maingay nga diba? Psh. Bakit kasi may patawag tawag ka pa, eh sa kabilang building ka lang naman? Anu bang sasabihin? Pwede mo naman kasi akong puntahan nalang no!"

Teka nga, bakit ba ang sungit ko?

Hay. Ewan ko ba. Baka malapit na ang bisita ko, kaya ganito ako. Sorry Alec, sayo lahat naibuntong.

(Sorry ah..)

Hala. Ang lungkot ng boses niya.

"Uy nagbibiro lang--

(Baka kasi pag pumunta ako dyan, pagkaguluhan ako ng mga kaklase mo)


"Ay Grabe! Ang lakas ng hangin dito!"

Tumawa ulit siya.
(Cute)

"Alec, seryoso. Parang yumayabang ka ata?"

(Ha? Hindi ah. Ganito lang talaga ako)

"Weh? Di ka naman dating ganyan."

(Ganito lang talaga sa taong sobrang komportable na ako)

Tse! 

". . . ."

(Jai?)

"Oh?"

(Punta ka sa rooftop mamaya)

"Nung gagawin ko dun?"

(Jamming tayo)

"Ehh?"

(Dala ko yung gitara ko. Paparinig ko sayo yung ginawa kong kanta)

"Wow. Osige sige!"

Biglang nag iba ang mood ko sa sinabi niya.

May ginawa siyang kanta. At ako ang unang makakarinig nun.

How special di ba?

Weh? Assumera! 

(Sige, hintayin kita ah)

"Sige!" ^o^

(Bye)

"Bye."

*Doo. Doo. Doo*

"KYAAAAHHHH!"

Ipaparinig niya sakin ang ginawa niyang kanta!

Excited nako! ^___^

"Hey, Ms. Agpangan. Anung ginagawa mo dyan? Bakit di ka pa pumasok?
Kanina pa nagsstart ang exam ha."

"PPOOO?!"

DEAD!! =___=
                                                                                                                                     

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon