Chapter9: "Ang tamis niya.."

681 19 5
                                    

"Quen!" tawag ni Tita Elvie. Napatingin tuloy kami sa kanya ni Mama.

Mukhang hindi lumapit yung Quen. Kasi si Tita Elvie na ang lumapit sa may pinto. Tsk tsk. Spoiled ata yung Quen. Ano yun? Mama's boy? Ehh. Hindi siguro. May mama's boy bang pasaway? Psh.

"Gwapo ba yung anak ni kumare, Jai?"

Grabee tong si Mama. Nakakabigla naman magtanong.

"Opo, kaso masungit." sagot ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Sinong mas gwapo sa kanila ng manliligaw mo?" tanong pa ni Mama.

EHHH?!

"Si Alec po. Dagdag factor po kasi yung pagiging friendly niya. Sobrang bait pa."

"Ahh. Gusto mo ba siya, anak?"

"P-po?" Muntik akong mabilaukan sa tanong ni Mama. Grabity! Anu to? Hotseat??

"Tinatanong kita, kung ikaw ba may gusto narin dun sa manliligaw mo."
ulit pa niya.

EHHH?

Tama bang sabihin ko kay Mama na crush ko siya? Matagal ko na siyang crush. Tapos nabasa pa niya yung Diary ko. >.<

"Pasensya na, Mare."

Whoo! Save by Tita Elvie. Thanks Tita! ^o^

"Nakagulo pa ata kami sa tanghalian niyo." -Tita Elvie

"Hinde. Okay lang Mare, ano ka ba." -Mama

"Eto nga pala ang anak kong si Enrique." tinuro ni Tita Elvie si sungit. Josme! Nakasalubong na ata ang kilay? Halatang irritable.

"Magmano ka sa Tita mo." bulong ni Tita kay Enrique.

Psh. Napaka talaga netong Quen na'to. Halatang napilitan lang eh.

"At eto naman ang anak niya, si Jai."

"Hi." bati ko.

Tinignan niya lang ako saglit tapos bumalik na ang tingin niya sa mama niya.

Hello!

Oh yan. Ako nalang ang sumagot sa sarili ko. Para hindi dedma. Nakakahiya naman daw kay Enrique. =____=

"Uuwi na po ako." sambit nung Enrique sungit.

"Anak naman--

"Sa tapat." sabat pa niya.

"O sige. Mag usap tayo mamaya ha."

Hindi na sumagot si Enrique. Umalis na siya ng walang pasabi.

Napailing nalang si Tita Elvie sa kanya. Hay nakuu. Walang wala siya kay Mr. Perfect Ko.

Speaking of Mr. Perfect, maitext nga siya.

Me: Good morning! ^o^

Me: Brunch na! Hehe.

Me: Kumusta dyan sa Laguna? Ayos ba?

Me: Oy Dungo!

Me: Ingaat.

Wagas ba ako magtext? Mwaha. Sinadya ko yan, para tumawag sya. Ilang araw narin kasi siyang di tumatawag eh. Miss ko na boses niya. Miss ko na yung kulitan namin, and such. Ah basta, sobrang miss ko siya!

                                                                                                    



Since, tapos na akong kumain, nagpaalam nako kina Mama at Tita Elvie. Mamaya nalang ako maghuhugas ng pinagkainan.

Umakyat na ako sa kwarto ko. Gaya ng inaasahan, ilang minuto lang, tumawag na siya.

"Hello?"

(Batugan!)

"Ang sweet mo naman." =____=

(Haha. Kumain kana?)

"Oo. Ikaw?"

(Hindi pa..)

"Ehh bakit?!"

(Hindi pa po kasi time for lunch. 9 palang. And, kanina pa ako nagbreakfast, around 7)

"Fine. Ikaw na masipag gumising ng maaga."

(Haha! Bakit kasi ang late ng gising mo? Nagpupuyat ka no?)

"Uhh. Medyo?"

(Tss. Anong oras ka natutulog?)

"Uhh. 12:30?"

(Yung totoo..)

"Yh! Oo na. 1 midnight!"

(Kita mo na. Madaling araw kana kung matulog. Kaya pala late ang gising mo e. Alam mo bang hindi maganda sa health ang sobrang pagpupuyat?)

"Kkk." =____=
"Tumawag ka ba para sermunan ako?" may pagkainis kong tanong. Pinatawag ko lang naman kasi siya dahil miss ko na siya. Sobrang miss ko siya.

(Jai naman. Wag mong imisinterpret. Concern lang kasi ako sa health mo)

Pansin kong naging matamlay ang boses niya sa kabilang linya. Na siyang kinaguilty ko.

Jai naman kasi eh. Isip isip din pag may time.

"Okay. Sorry."

(Okay lang. Sige na, tawag nako ni Mama. May pupuntahan pa kami e. Ingat ka)

"Uhh. Sige ingat."

*Doo doo doo*

WHAAT?!

Pinatay niya agad?

Siya ang unang bumaba?

Nang di nagsasabi ng Iloveyou?

*PUK*

Aray! T^T

konsensya: Wag kang assuming! Hindi sa lahat ng panahon, kailangang sabihin yun.

Ehh kasi, baka galit siya. Ang engot ko kasi. T^T

Konsensya: Kasalanan mo yan!

Wow! Napaka supportive na konsensya mo naman. Solid ka! The best ka!
INSERT SARCASM HERE!!

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon