"Hay. Sana bakasyon na." nakapangalumbaba kong sabi habang naghihintay sa Cafeteria.
Lunch break namin ngayon at kasalukuyan naming hinihintay nina Alec sina Julia at Enrique. Sina Cayle, ayun me date daw ang dalawa. Oh di sige, sila na ang richkid. Lumabas pa talaga ng campus para maglunch.
"Stress ka ba sa school, mahal?"
Napatingin ako sa kaharap ko sa mesa na si Alec.
Walanjong to. Pinanindigan ang pagtawag sakin ng mahal. >///<
Pero, hinde. Hindi dapat ako ma distract. Baka isipin pa nito kinikilig ako. Kahit medyo totoo. Lumaki pa ang ulo nito lalo. Josme. Sabihin pa niya, dead na deads ako sa kanya. Eew. Teka nga, anu nga ulit tanong niya? Ah oo. Kung stress daw ba ako sa school.
Tch! Hindi ba obvious? Ang laki na nga ng eyebags ko dahil sa puyat eh. Daming pinapagawa mga profs.
"Stress pa sa stress. Kung pwede nga lang magdrop." sagot ko.
"Magddrop ka?" seryoso niyang tanong.
"Hinde. Hindi nga kasi pwede di ba?" parang di naman to nakikinig. =.=
"Bakit? Dahil takot ka masermunan sa parents mo?" tanung niya.
"Oo, tsaka sayo syempre. Isa pa, ano nalang magiging kinabukasan ko kung magddrop ako di ba? Wala. Magiging isa pa ako sa pabigat sa ekonomiya ng Pilipinas."
"Wow." pumalakpak siya bigla. "Very well said. Buti naisip mo yun?"
"Hoy Alec Brandon Chai Dungo! Alam ko bopols ako, pero meron naman akong common sense no! Ang simple simple lang nun, tingin mo sakin di yun alam?!"
"Easy. Nagbibiro lang ako. 'To naman, masyadong seryoso." kalmado niyang sabi.
"Tch! Hindi nakakatawa yang joke mo. Next time, sabihin mo pag magjjoke ka para alam ko." mataray kong sagot.
Di naman sa mababaw ako, pero na offend talaga ako. Ewan nga eh. Parang ang sensitive ko. Pero, anung magagawa ko kung na offend talaga ako? Alangan namang magkunwari akong okay lang ako kahit na hindi? I just want to be real.
"Galit ka ba, mahal?"
Mahal your face.
Tumingin ako sa ibang direksyon upang dedmahin siya.
"Mahal?"
Sige, Jai. Dedmahin mo lang. Susuko din yan.
"Mahal."
Wala akong naririnig!
"Uy mahal."
Lalalalala~
"Mahal daw. Tss. Bingi-bingihan."
Sinu pa ba ang hambog na magsasabi niyan? None other than Enrique 'yabang' Gil. Tch. Wrong timing ang pagdating ng dalawa, LQ kame ni Mahal. Este Alec. Tch.
"Hala. May LQ ba kayo?" tanong ni Julia na kasalukuyang umuupo sa tabi ko.
Obvious ba Juls? Dinidedma ko nga di ba? Tch. Anu ba tong dalawang to, di nakikiramdam ng ambiance.
"Wala kaming LQ. Nagtampo lang si mahal." sagot ni Alec.
Tse! >///<
"Bakit? Anu na namang inaarte mo, Jyra?" -Enrique
"Wala kana don." mataray kong sagot.
"Malamang. Nandito ako e."
ABA'T!!
"Quenito?? Kita mo ng wala sa mood si Jai eh, nang aasar kapa diyan." wika ni Julia.
Agad naman tumahimik si Enrique.
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RastgeleBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))