Chapter 52: Isang Pahina

193 4 2
                                    

Dear Bestie.

I feel so weird. Dahil sa hindi na namin halos pagkikita at pagkakausap ni Alec, parang nasanay na ako sa absence niya. It even came to a point na hindi ko na siya hinahanap. Hindi ko na siya namimiss. I feel complete kapag kasama ko si Tom. Is it wrong?

Binitawan ko ang ballpen ko at tinitigan ang bracelet kong suot. Remembering how Alec gave this to me, I cry a teardrop.

---------------------------- FLASHBACK ------------------------------

"Jai." Sinalubong ako ng yakap ni Alec as soon as malapitan ko sila sa sala. "I miss you, mahal."

I hug him back. "M-miss din kita." It sounded so awkward to me. Pero sa kanila ay tila normal lang ang tunog noon.

Humiwalay ako sa yakap namin at tumitig siya sa mukha ko. "You look so exhausted. Okay na ba ang tiyan mo?"

Binulabog na naman ang konsensya ko sa kasinungalingang ginawa ko. Ang makita si Alec na paniwalang paniwala doon ay lubhang masakit. "Oo. Okay na." Sorry for the lies. Huhugasan ko ng husto ang bibig ko mamaya. Dahil sa dami ng kasinungalingang lumabas sa bibig ko ngayong araw.

"Mabuti naman." Aniya.

"Dun lang kami sa kusina ni Cayle." Paalam ni Julia at mabilis nila kaming iniwang dalawa ni Alec. Alam kong sinadya nila iyon para siguro bigyan kami ng pagkakataong mag usap.

"Kumusta na siya?" Tanong ni Alec matapos ang mahabang katahimikan.

"Ha? Sino?" Tumingin ako sa kanya at agad na nakuha kung sino ang tinutukoy niya. "He's recovering. Hindi 'yon madali sa kanya but he's coping."

"Mabuti kung ganon. Promise me, Jai, you won't lie to me again."

Kinabahan ako ng husto sa sinabi niya. Nang tignan ko siya ay nakangiti siya sakin. "Pumunta kami ng mall ni Nelle kanina. Habang namimili siya ng jewelries sa isang boitique ay naalala kita." Dumukot siya sa bulsa ng kanyang jacket at lumabas mula roon ang makislap at kulay silver na bracelet. Parang nakahigang otso ang design nito. "Infinity bracelet raw ang tawag dito. Binibigay sa mga taong gusto mong makasama habang buhay." Maingat niya iyong pinulupot sa pulso ko at ni-lock pagkatapos. "Take this, as my sign of infinite love for you."

---------------------- END OF FLASHBACK -----------------

Pinunasan ko ang tumakas na luha sa pisngi ko. Ang sakit sa dibdib na marinig ang sincere niyang pag ibig sa akin. Habang ako ay nalilito na sa nararamdaman ko.

Pinulot kong muli ang ballpen at nagpatuloy ako sa pagsulat.

Hindi ko na alam, Bestie. Litong lito na ako. Umiiyak ako ngayon dahil nasasaktan ako para kay Alec. Pakiramdam ko, I'm cheating on him kahit wala akong ginagawa. The mere fact na masaya akong kasama ni Tom already shouts cheating to me. Hindi ko alam kung sinasamahan ko ba si Tom dahil kailangan niya ako o dahil sa iyon ang gusto ko. I miss him when he's not around. And Alec, nasasaktan ako kapag iniisip ko siya. Mahal ko siya pero nasasaktan ako sa pagmamahal niya sa akin. Dahil sa tingin ko ay hindi ko iyon masuklian ng tama. Bestie, help. Malapit na akong mabaliw.

Signing Off: Jyra May.

Matapos masulatan ang Journal ko ay sinikap ko iyon sa bag ko at dumiretso na ako sa court para manuod ng game. Foundation week na namin ngayon at parte noon ang palaro ng Basketball at Volleyball. Syempre, parte ng All Star Team si Alec. Lalabanan nila ang mga Professor naming lalaki na may ibubuga rin sa pagbobola.

Malayo palang ay tanaw ko na ang dami ng tao sa court. Dapat ay mas maaga akong nagpunta dito. Wala na akong makukuhang maayos na lugar nito. Hindi ko na makikita ng malapitan ang paglalaro ni Alec.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon