Chapter 35: Third Year Na.

330 9 7
                                    

Ang bilis natapos ng bakasyon. Isang araw nagising nalang ako, pasukan na pala. Bagong school year, bagong sem, bagong subjects, bagong professor. Buti nalang hindi na namin prof ulit si Ms. Terror. Kundi, stressful na naman ang third year ko. So far, so good. Okay naman mga subjects namin, as well as profs. Mam-motivate ka talagang mag aral sa kanila. Mabait pero strict at sobrang gagaling magturo.

With my love life, ayun. Getting strong naman kami ng mahal kong si Alec. Wala pa naman kaming major fight so far. Sobrang bait kasi niya eh and caring. Hatid sundo parin niya ako, although may mga times na busy siya.

Nagsimula naring magtake over sa Student Council si Alec. At bilang presidente, marami na siyang napatupad na proyekto. Gaya ng segregation ng mga basura. Na touch nga ako nung sinabi niya na ibibigay nila samin yung mga recyclable trash, para sa preparation sa Evolvere namin next sem. Oh di ba? Ready much siya. Mas alam niya pa ata sakin ang curicculum ko. Ako nga hindi ko alam na may Evolvere pala kami next sem. Yun ay yung pagmmodel ng different fasion design dress and gowns na gawa sa recycle materials. Requirement daw yun sa isa naming subject. Ang personality development. Pero, next sem pa naman yun. Tsaka yung Evolvere eh mga bandang January or Feb pa. Kaya hindi muna dapat alalahanin.

"Quen, Tage, Cay, Vin!" humahangos ako habang palapit sa apat. Hindi kasi kami agad dinismiss ng prof, kaya heto nahuli ako sa Caf. Ang mga walanjo, umorder na ng pagkain kahit wala ako. Mean! Sumbong ko kayo kay mahal ko eh!

"Tagal mo. Tss." sabi ni sungit Enrique na parang palaging may PMs!

"Pinang order kana namin, Jai." nakangiting sabi ni Julia at itinabi sakin ang isang plate.

"Wow. Ang bait mo talaga, Juls. Sana mahawa mo ng kabaitan yang boypren mo no?" sabi ko.

Bigla namang nagblush si Julia. Halala! Kilig much? Haha.

"Asan pala si Alec?" tanong ko kay Cayle. Hindi niya kasi ako sinundo sa room. Tapos wala pa siya dito sa Caf.

"Nasa Office. May meeting kasi yung mga SSC"

"Ahh." tanging sagot ko. Ni hindi man lang ako naalalang itext? Psh. Hinihintay ko pa naman ang lunch break kasi gusto ko siyang makita. Ilang araw nadin kaming di nagkikita eh. Palagi kasi siyang busy sa SSC.

"Kain na tayo, guys." untag ni Vice. Na siya namang sinunod ng grupo.

--

Pagkatapos maglunch, tinext ko agad si Alec.

/Kumain ka na?/

Kasabay ng pagpasok ko sa aking next subject. Oo, ako nalang dahil hindi ko na kaklase si Vince. Kaya kailnangan ko naring maging independent somehow. Though, may mga kilala na naman ako sa mga kaklase ko ngayon. Wala lang yung sobrang kaclose ko talaga like Vince. Habang nagdidiscuss, tinitignan ko yung cellphone ko, nagbabakasakaling magrreply siya, pero wala. Natapos ang araw na yun na hindi siya nagtext.

"Enrique, hahatid mo si Juls?" tanong ko kay sungit. Pinuntahan ko talaga siya sa parking lot, hoping na pwede akong makisabay sa kanya pauwi. Hindi pa nagttext si Alec. And I haven't seen him on the school corridor today. I bet sobrang busy nga siya.

"Hindi. May lakad sila ng mga kaibigan niya e. Sabay ka?" tanong niya. Minsan pala, matino namang kausap to si Enrique.

"Oo sana. Hehe."

Hinagis niya sakin yung isang helmet. Muntik pang madaganan yung paa ko, nabigla kasi ako, muntik kong di masalo. Psh! Ungentleman, as always!

"Sige, tumanga ka pa diyan ng maiwan ka kasama yang helmet ko." sabi pa niya nang makasakay na siya sa kanyang motor.

Dali dali naman akong sumakay at pumwesto sa likuran niya. Takot ko lang maiwan no! Kasama tong mabigat niyang helmet.

"Humawak ka, mabilis akong magpatakbo." untag niya bago istart ang engine ng motor.

"Alam ko. Palagi kang may lakad eh." sagot ko naman. Humawak ako sa magkabilang balikat niya and BROOMM! Muntik ng mawala yung kaluluwa ko sa bilis niya magpatakbo.

"Salamat." binalik ko sa kanya ang helmet matapos itong matanggal sa ulo ko.

"Sasabay ka bukas? Papasok?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko expect yun. Para kasing siya yung taong walang paki, tapos biglang magtatanong ng ganun. Level up si sungit! Haha.

"Tignan ko. Baka magtext si Alec eh."

"Tss. Pag hindi?" mapait ang mukha niyang tanong.

"Oh di hindi."

"Tss. Wag ka ng masyadong umasa sa kanya. Kita mo ng busy e. Maghihintay ka lang sa wala." wika niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi ni Enrique. Para kasing may batong pumukol sakin. Tama siya, hindi dapat ako maging dependent or clingy kay Alec lalo na ngayon na busy siya sa student council. Pero part of me is saying na, 'so what?' Its not that pinpressure ko siya or pinipilit na samahan ako, sunduin or ihatid. Hindi ko naman siya inoobliga na gawin yon. I'm just being here, ready, waiting. Para anumang oras na puntahan niya ako, he can always reach me.

"Waiting for the one you love is always worth it, Enrique. Dumating man siya o hindi."

"Yeah. But the thing is, you will surely got hurt when he didn't come." seryoso akong tinignan ni Enrique. He's somehow right. Hindi na ako makakakontra sa sinabi niya. So I just divert the topic.

"Oh siya, salamat sa paghatid!" marahan kong pinalo ang braso niya para mapaalis na siya sa harap ng bahay namin. Hindi ko kasi gusto ang naging takbo ng usapan namin. Bigla akong nalungkot, self pity, pain, hurt and all.

"Tss. Wag kang iiyak. Lalu kang papanget." ramdam ko ang concern ni Enrique kahit pabiro niyang sinabi yon. Anu pa bang eexpect ko sa taong ito? Hindi siya expressive. Iba ang way niya ng pagpapakita ng care and concern sa ibang tao. Not the usual way.

"Salamat!"

"Tss." untag niya bago ipasok ang motor niya sa gate nila.

--

8PM ng gabi, nakahiga na ako sa kwarto ko nang tumawag si Alec.

"Hello?"

(Kumain ka na, mahal? Sorry ah. Masyadong busy sa student council office)

"Okay lang. Oo, kumain nako. Ikaw?"

(Oo, kakatapos ko lang. Sino kasabay mong umuwi?)

"Si Enrique. Sumabay ako sa motor niya."

(Oh, I see. Oh sige na. Kita tayo sa school bukas?)

"Sige, bye."

(I love you)

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon