Chapter 38: Chaos

287 10 3
                                    

"Bakit ka pala biglang nagtransfer?" tanong ko kay Tom. Nasa isang maliit na restaurant na kami ngayon, kasalukuyang kumakain. Mangilan ngilan lang ang mga kumakain dito. Wala akong nakitang estudyante, liban samin.

"Dahil gusto kitang makasama." sinabi niya ito ng walang alinlangan.

"Tom,"

"Bakit Jai? Masama ba yun? Masama ba na ma-miss ang isang kaibigan at sundan siya ng eskwelahan dahil gusto mo siyang makasama araw araw? Hindi ba pwede yun, Jai?" nangungusap niyang tanong.

Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nagsalita. Natapos ang lunch namin ng tahimik. Pagkatapos kumain, bumalik na kami agad sa school.

"Masasamahan mo parin ba akong kumain bukas?" tanong niya.

"Oo. Kasama natin yung mga kaibigan ko."

"Talaga? Kung ganon, papakilala mo ako?" ngumisi siya.

"Oo, bilang isang transfered student na kaibigan ko."

Napawi ang ngiti sa labi niya. "Hindi ba nila alam yung tungkol satin..dati?"

"Wala silang alam at wala akong balak ipaalam sa kanila. Kaya sana wag mo silang bigyan ng ideya. Please, Tom. Ayokong magkaroon ng chaos dahil dito. Baka magcause pa'to ng away samin ni Alec." pakiusap ko.

Bumuntong hininga siya. "Hindi ko maipapangako, Jai. Mula ng iwan ng Dad ko ang Mama ko at nagmahal siya ng ibang babae, pinangako ko sa sarili ko na magiging vocal na ako sa nararamdaman ko. Iniwan ni Dad si Mama dahil hindi ito gaanung sweet at expressive na tao. Nahanap ni Dad sa iba ang hinahanap niyang pag aaruga at kalinga. Kaya iniwan niya si Mama at ngayon may mahal na siyang iba. Naisip ko, baka yun din ang dahilan kung bakit iniwan ako ng babaeng mahal ko. At ngayon, may mahal narin siyang iba." tumitig siya sakin gamit ang malungkot niyang mata.

"Tom, hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo para mahalin karin ng taong mahal mo. True love has no boundaries, no conditions. Ang tunay na pag ibig ay yung handa kang tanggapin kahit ano ka pa. Siguro, kaya ka iniwan ng mahal mo at kaya iniwan ng Dad mo ang Mama mo ay dahil may ibang nakalaan para sa inyo. Someone better." untag ko.

"No, Jai. Hindi kami pareho ni Mama. Kung siya, hindi na niya maipaglalaban ang pag ibig niya kay Dad dahil devorce na sila at kasal na si Dad sa iba, ako ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para sa taong mahal ko. Dahil alam kong hindi pa huli ang lahat. Naniniwala akong may pag asa pa. May pag asa pa kaming dalawa." malalim ang pagkakatitig sakin ni Tom. Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang. Para niya akong hinipnotismo gamit ang makapangyarihan niyang mga mata.

Tumunog ang bell, na siyang pinagpasalamat ko. Bumaba ako sa kotse niya at agad na lumakad pabalik ng classroom.

Hindi, Tom. Wala na tayong pag asa. Mahal ko si Alec at hindi ko siya iiwan. Tapos na ang satin.. Itong panahon na'to, para samin na ni Alec.

--

Nag resume ang klase. Normal lang ang naging takbo ng discussion. Nang mag dismiss ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko at lumabas ako nang di binibigyan ng pagkakataon si Tom na kausapin ako. Gusto ko na siyang iwasan. Ayoko sa thought na nandito siya para sakin and he wants to win me back. Natatakot ako.. Baka mahulog ulit ako sa bitag niya.

Nagcommute lang ako nang araw na yun. Kasama ang ibang mga kaklase ko. Nakiusyoso pa yung iba, tungkol samin ni Tom. Ang sabi ko, magkaibigan lang kami at nakilala ko siya nung third year high. Kinukulit nila ako tungkol sa babaeng gusto niya. Ang sabi ko, wala akong ideya dahil malihim siyang tao. Tapos nun, sinabihan ko silang wag na akong tanungin dahil hindi naman kami sobrang close ni Tom.

Kinabukasan, maaga akong nagbihis para hindi ako ma late sa school. Medyo traffic kasi pag ganitong oras kasi papasok halos lahat ng estudyante pati nagtatrabaho sa school at workplace nila. Mahirap makisabay sa maraming tao. Hay. Hussle talaga ang pagco-commute.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon