Nang dumating ang takip silim ay sinundo na nga si Nelle ng kanyang ama. Maayos naman itong humarap sa amin. It was the first time that we meet Mr. Valderama. Gaya ng inaasahan ko ay intimidating ang aura niya pero mabait naman siya. Malumanay magsalita at nakita ko kung paano niya itrato si Nelle. He treats her like a princess. Now, I understand him more. Yung mga ginawa niya noong pambibitin sa investment nila sa School, he did that for his daughter. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kaligayahan ng kanyang anak.
"Anong gusto niyo for dinner?" Cayle asked the boys.
"I want kare-kare." Nangungusap na sagot ni Vince.
"Pork barbecue." Sabat ni Enrique.
"Wala bang mas simple? Makapag request kayo, akala mo mga chef kame." Reklamo ko.
"Bakit ikaw ba magluluto?" Tinaasan ako ng kilay ni Enrique.
"Oo! Kung kaya ko." Halos pabulong ko ng sabi.
"How about chicken adobo?" Biglang sabi ni Alec. "Kaya niyo bang lutuin 'yon, Cayle?"
Sinimangutan ko siya. So ganon? Si Cayle talaga ang tinanong niya? Sinabi ko na ngang ako ang magluluto e!
"Kaya ba, Jai?" Pasa ni Cayle sa tanong.
Tumango ako. "Let me cook for our dinner!" Masigla kong sabi sabay nagtungo ako sa kusina. Kinalap ko agad ang mga ingredients na kakailanganin ko. Sibuyas, bawang, suka, toyo, betsin, paminta at isang kilo ng manok. Matapos noon, hinugasan ko ulit ang kaserola para masigurong malinis ito bago ako magluto. Pati sandok na gagamitin ay hinugasan ko narin. Matapos patuyuin ang dalawa, sinimulang ko na ang pagluluto. Nasa gitna na akong ng panggigisa nang makarinig ako ng yabag papunta ng kusina.
"Kailangan mo ng tulong?"
Napahigpit ang hawak ko sa sandok nang marinig ang tinig ni Alec sa gilid ko. May hawak siyang isang baso ng tubig, habang mariin akong tinignan.
"H-hindi na. Kaya ko na'to." Nauutal kong sagot.
Narinig kong ngumisi siya. "Bakit ka nauutal diyan?"
"M-masyado ka kasing malapit." Untag ko.
Kinabahan ako nang makita kong lalo lang siyang lumapit sa akin. Isang dangkal nalang yata ay magkakadikit na ang mga braso namin. Binitawan niya ang hawak niyang baso sa sink tapos ay kinuha niya ang sandok mula sa kamay ko at tinuloy ang paghalo.
"Masusunog 'to pag hindi mo nahalong mabuti." Aniya.
"Ako na diyan. Samahan mo nalang sina Vince doon."
"Paabot naman nung manok." Utas niya at pumalad sakin habang ang isang kamay niya ay abala parin sa paghalo.
Napasimangot ako. Ano bang trip nito? Sabi kong ako na ang magluluto e. Bakit nakikisali siya?
"Yung manok, Ms. Agpangan."Ulit niya at tumingin na sakin this time.
Nakasimangot kong inabot sa kanya ang isang kilo ng manok na nasangkapan na.
"Good girl." Nakangisi siya habang naglalagay ng manok sa kaserola,
"Ikaw nalang magtutuloy?" Tanong ko at umambang aalis na.
"No, stay. Let's cook together." Aniya.
"O..kay." Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng awkwardness nang mga oras na iyon. Hearing the word 'Let's and together' from him makes me shiver. May kung ano sa sistema ko ang tila nagwawala. So, the sparks hasn't yet gone. Err.
"Toyo and suka, please."
"A-ah, oo. Heto." Marahan kong inabot sa kanya ang mga sangkap. Pinanuod ko lang siya habang maingat na binubuhos ang mga nasabing sangkap. I miss him. I miss being with him. Kung, hindi kaya naging kami, would I still lose him?
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))