"I love you, Jai."
Ang huling kataga na narinig ko mula sa kanya. Mga katagang paulit ulit kong isinasaisip. Paulit ulit na binabalik. Isang lingo narin mula nung umuwi sina Alec ng Laguna. Kahit isang linggo palang ang nakakaraan, miss ko na agad siya. Kahit pa, palagi kaming magkatext at halos araw araw siyang tumatawag. Iba parin kasi yung nagkikita talaga kayo, at nagkakasama.
"Haaay." pang ilang buntong hininga ko na ba'to? Kasi naman eh, sobrang nakakainip sa bahay. Ito ang ayaw ko pag bakasyon eh. Paulit ulit nalang yung routine na ginagawa mo araw araw. Gigising ng late, tootbrush, hilamos, ligpit ng higaan, kain ng breakfast, nuod ng tv, kain ng lunch, nuod ng tv, kain ng dinner, nuod ng tv, tulog.
Psh! Kung sanang hindi ako iniwan nung masugid kong manliligaw, (wow. Hanep ang term. Mwaha) edi sana, may kasama ako. Este, may kakwentuhan. Di ba? Psh. May pa Lagu-Laguna pa kasing nalalaman. =____=
*/~ At kung ikaw ay nakatawa,
Ako pa ba ay nakikita?
Nalilimutan ang itsura ko, kapag kausap na kita.
Sana naman ako'y pakinggan.
Nang ikaw ay malinawan..
Dahil nabihag mo ang aking paningin, o damdamin.
Chinito. . Chinito ~/*Oha! Bago na ang ringtone ko. Mwahaha. Naisip ko kasi, parang ang baduy nung dati. Wala na ata sa uso. Mwahaha. Mas gusto ko na'to, yung Chinito. Ang cuute eh! Relate pa ako. Hihi. Sinasabayan ko pa nga yan eh, pag nagrring. Mwahaha.
"Hello?"
(Busy ka ata?)
"Hindi naman. Bakit?"
(Ang tagal mo pumick-up e)
"Hehe." tanging nasagot ko. Hindi ko kasi masabing naaliw ako sa ringtone ko, at sinabayan ko pa ito, kaya di ko agad nasagot. Mamaya isipin pa niya, naiisip ko siya sa kantang yun. Kahit medyo totoo. Hehe.
(Tss. Nagpapa-miss ka no?)
"Ha? Paki ulit nga." nang mabatukan kita. =____=
(Haha. Sigurado, may kadugtong yun. Something sarcastic, or brutal. No?)
Aba, mind reader kana ba ngayon? Imprubing!
"Ni review mo yung Diary ko no?"
(Hha! Hinde. Naalala ko lang)
"Psh! May atraso ka pa pala sakin!"
(Anu namang atraso ko? Ang pahulugin ka sakin?)
"Ay. Ang lakas ng hangin dito. Grabee. Muntik nakong tangayin sa lakas!" =____=
Ang mokong, tumawa lang. Tapos biglang nagseryoso ulit ang boses niya.
(Jai..)
"Hmm?"
(I miss you)
Ehh?? >///<
I miss you too! Kung alam mo lang. :("Kailan raw uwi nyo?"

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
De TodoBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))