Chapter22: Game begins!

432 10 4
                                    

Alam mo yung feeling na ang ganda ng gising mo, dahil ang napakalambing na boses ng boyfriend mo ang gumising sayo?

"Wifey."

Eto yun eh!

"Mmm." bumalikwas ako ng higa sa kama. At lihim na napangiti.

Tinupad nga niya yung sinabi niya na araw araw niya akong susunduin sa bahay. At talagang, one hour earlier pa siyang dumadating para lang magising ako.

Spell sweet? = Hubby.

Shems. Kinikilig ata ako dun sa Hubby. Err. First day pala ng EnDAREment Game namin ngayon na pinauso ni Cayle. Haaay.

"Gising na, Jai."

"Five minutes." sambit ko, sabay kuha ng isang unan at takip sa mukha ko.

Oo, masarap ngang gumising na ang sweet mong boyfriend ang nasa tabi mo, pero haler! Mas masarap paring matulog freely no! Yung hindi kulang yung tulog mo.

Oo na, ako ng mongoloyd. =___=

"Wifey, gising na. Baka ma-late tayo." pilit niyang inaalis yung pagkakatakip ng unan sa mukha ko.

Mala-late kami? Bakit kami?

Ay tokwa. Oo nga pala! Malamang, hindi lang ako ang malate kundi siya rin. Malamang sa alamang eh hihintayin niya ako di ba? Ede, pareho kaming malalate?!

Ay naku Jai. Isip isip din kasi pag may time. ~konsensya.

Che!

Bakas sa mukha ni Alec ang pagkabigla nang bigla kong alisin ang nakatakip na unan sa mukha ko.

Shocking?

Tch. Kainis naman to. Shock na nga, gwapo parin!

Ngumiti ako sa kanya, sabay bati ng: "Goodmorning Hubby!" ^o^

"Goodmorning. Oh, tayo ka na ah? Hintayin kita sa sala nyo. Double time ha, wifey?"

Shems. Wifey daw. Feeling ko, asawa niya ako. >///<

"Umm. Thankyou!" sagot ko.

Ngumiti naman siya ng pagkatamis tamis sakin. Pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

MYGOSH!

Bakit ganun?

Boyfriend ko na siya pero bakit parang crush ko padin siya?

Argh!

Matapos kong maligo at mag ayos, bumaba na ako para kumain. Inaya ko narin si Alec na makisabay samin magbreakfast. Pakunswelo ko man lang sa pag effort niyang pagpunta samin para sunduin ako.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon