Chapter 43: Hindi ganon.

252 5 0
                                    

"Surprise!"

Nagulantang ako nang makita ang surprise party na hinanda ni Alec para sakin. Naks naman! Todo bawi talaga ang mokong. Mula nung inindian niya ako nung anniversary namin ay mas naging tutok siya sakin. He often picks me up at hime to school, pati paghatid sa bahay, siya pa rin. Although, madalas parin kaming guluhin ni Nelle, hindi niya hinahayaang mawalan siya ng time sakin, dahil sa haliparot na kontrabida. Kaya nga, sobrang naa-appreciate ko siya. At ngayon, kahit gaano pa siya kabusy eh nagawa pa niyang maghanda ng birthday party para sakin.

"Salamat, mahal." Sabi ko at yinakap ko siya. Kiber lang ako kahit marami kaming bisita. Andito lahat ng mga kaibigan ko, from elementary up to college. Grabe! Hindi ko alam paano niya cinontact ang mga ito eh ang iba sa kanila, talagang hindi ko na nakakausap.

"Bessy!!"

Awtomatiko akong napalingon sa likod ko nang marinig ang pamilyar na boses.

"Karen? OMG!! Bessy!" Halos magtatalon ako sa tuwa nang makita ko ang bestfriend ko na nakatayo sa harap namin ni Alec. Is this for real? Umuwi na siya?

"Gosh, bessy. I miss you so much!" Niyakap niya agad ako ng mahigpit. As I hug her back. Ngumiti si Alec sa likod ko at sumenyas na iiwan muna niya kami ni Karen. Naisip niya sigurong kailangan namin makapag bonding ng bestfriend ko. Nginitian ko lang din siya at nag liptalk ako ng 'Thank you'

"Happy Birthday, Bessy." Ani Karen.

"Thank you. Grabe, ginulat mo akong babae ka." Usal ko nang maghiwalay kami.

"Wala eh, biglaan lang din ang uwi namin." Sambit niya pagkatapos ay inilibot ang tingin sa mga bisita. Huminto ang mata niya kay Tom. "Si Tom ba yun?"

Tumango ako.

"In fairness ah, gumwapo. Bakit siya nandito?"

"Eh, friends na kami ulit. In-invite siya ng boyfriend ko." Sagot ko.

"Wow. Hindi man lang threatened si boyfie mo sa kanya? Haha! Wag sana niyang pagsisihan yan ah." Pang aasar niya.

"Che! Tumigil ka nga. Anong pinagsasabi mo. Wala na, ano. Nakapag move on na ako sa kumag na yan. Mahal ko yung boyfriend ko."

Nagkibit balikat siya. "Sana nga. Kawawa naman kasi yang boyfriend mo kung all this time eh false feelings lang pala ang lahat."

Minsan, napakalalim talaga magsalita ni Karen. Yung tipong mapapaisip ka? Yung kahit na alam mong sigurado ka sa nararamdaman mo eh mapapagdoubt ka niya? Ewan ko ba sa babaeng to, para siyang psychologist na kaya niyang paikutin ang isip ng isang tao. She knows how to play mind games. Kayang kaya ka niyang lituhin sa mga bagay na dati ay alam mong sigurado ka na.

Matapos ang makahulugang pahayag na iyon ni Karen ay pinakilala ko na siya sa mga kaibigan ko pati narin kay Alec.

"Swerte ka diyan sa boyfriend mo, Jai. Nakikita ko, sincere siya sa pagmamahal niya sa'yo at mukhang loyal. Gaano na nga ulit kayo katagal?" Tanong niya.

"Mahigit isang taon na rin kami."

"Wow! How about Tom? Casual kayo?"

"Oo naman. Karen, that was four years ago. Naka move on na kami pareho."

"I don't think so. Looking how he looks at you seems like the feelings were still stuck in his heart. You know, Jai, a friend told me na ang taong mahirap daw kalimutan ay ang taong hindi naging sayo pero minahal mo ng todo. More than those you had relationships with. Mas matagal daw mag move on dun sa hindi naging kayo pero higit pa sa mag on ang naging pagmamahalan niyo."

"Karen, please. Stop playing me with your mind games. Tahimik ang buhay pag ibig ko ngayon. Wag mo ng guluhin." Pakiusap ko.

"I'm not. You know what, I just realize na hindi dapat ako magalit kay Tom. Nun kasing naghiwalay kayo, mas bitter pa ako kesa sa'yo." Tumawa siya. "But then I realize, mali ako eh. I was too shallow to judge him without even knowing the circumstance he's been through."

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon