I and Alec shared another moments together, that day. We went into a park and had a usual date like before. Pero para sakin, nothing is usual when I'm with him. There is always something new. Kasi yung nararamdaman ko pag kasama ko siya, hindi lang siya constant. It keeps on exceeding and exceeding.
Habang tumatagal, lalong napapagtibay ang relasyon namin ni Alec. Sa bawat araw na nakakasama ko siya, lalo kong napapatunayan ang halaga ko sa kanya. He treated me like a princess. Para bang ayaw niya akong masaktan o masugatan. Para siyang knight and shining armour ko, na palaging nandyan para protektahan ako.
December na!
"Malamig ang simoy ng hangin. Lalalala~"
"Gosh. Ramdam ko na ang diwa ng pasko. Malamig na." -Cayle
"Oo nga. Ang bilis no Yam?" -Vince
"Anong balak mo sa pasko, Enrique?" -Julia
"Ano pa ba? Edi magkukulong sa bahay. Mamaya, guluhin ako ng mga inaanak ko e." -Enrique.
"Just what I expect." -Julia, sabay roll eyes.
Natawa nalang ako sa usapan ng dalawa. Hay. Sa nagdaang dalawang buwan, hindi ko pa ata nakitang sweet yang dalawang yan eh. Iba ata talaga ang lambingan nila.
"Is it okay na pumunta sa inyo sa pasko, Jai?"
Nabaling ang tingin ko sa katabi kong si Alec na nagsalita.
"Ha? Samin?"
"Hinde, sa kanila! Tss." sabat ng damuhong si Enrique.
"Hmm. Sige sure, Alec. Welcome ka naman dun anytime eh." sagot ko ng nakatingin kay Alec. Not minding what Enrique said.
"Sige." ngumiti siya sakin at marahang hinawakan ang kamay ko. "Tapos, sa new year nun. Ikaw naman ang bumisita samin. Okay?"
"Ehh? Paano akong makakapunta sa inyo kung may putukan?"
"Tss. Hindi naman sa mismong new year countdown. The first morning of 2014, gusto ko magkasama tayong magsisimba." nakangiti niyang wika.
"Ah. Haha! Sige, sure!" ginantihan ko rin siya ng ngiti.
"Shems. Nilalanggam ako sa palitan ng mga ngiti dito!" -Julia
"Oo nga. Kulang nalang, malusaw sila sa ngiti ng isa't isa." -Cayle
"Dinadaga na dito!" -Vince
"Tss. Kinikilig si Jai, masyadong halata." -Enrique.
"Walang basagan ng trip mga dre! Bakit di nalang kayo gumawa ng sarili niyong moment imbis na naninira kayo ng moment ng iba?" =___=
"Asus! Tara na nga't maiwan ang dalawang yan, nagmomoment pa eh!" turan ni Julia.
At ang mga eng-eng, sumunod naman. Isa isa silang nagsitayo at totoong iniwan kami ni Alec dito sa may rooftop.
"Hay naku." napailing nalang ako sa ikinilos ng apat.
"Adik talaga mga barkada nating yon, ano?" wika ni Alec.
"Adik pa sa adik kamo. Kung anung maisipan eh, gora agad!"
"Haha!"
"Ano? Tara na din?" tanong ko.
Tapos na din naman kaming maglunch at 10 minutes nalang ata ang natitira bago ang resume of class bell.
"Mamaya na." sambit niya sabay hila ng kamay ko. Kaya hindi ako nakatayo.
"Sige, sabi mo eh." umayos ako ng upo. Tumingin ako sa langit.
Mula dito ay maliwanag kong natatanaw ang puting langit at mga ulap. Napaka peaceful talagang tignan ng langit pag ganito. Nakakagaan ng loob.
"Sinabihan ako ni Mam Perez." biglang sabi niya.
"Na?" tanong ko. Ibinaling ko na ang tingin ko sa kanya this time, and I meet his gaze. Kanina pa pala siya nakatingin sakin.
"Next year daw, election na ng officer for Student Council."
"Mmm." tumango tango ako. "Tapos?"
"She ask me to run for president."
Parang biglang bumagsak ang mga balikat ko nang marinig iyon. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ko gusto ang ideyang yon.
"Anong sabi mo?"
"Pag iisipan ko." iniwas niya ang tingin sakin and look straight in front instead.
"Ah. Napag isipan mo na ba?" tanong ko.
"Nung una, parang ayaw ko. Kasi alam kong it might make me busier. Pero, bigla kong naisip na gusto kong magcontribute to make this school's regulation better." sagot niya.
Its his other way of saying 'Yes I have decided that I want to run.'
"Oh de, yun naman pala." turan ko.
Napalingon ulit siya sakin. "Is it okay with you?"
Napangiti naman ako sa ideya na kinonsulta niya muna ako before coming up in a decision. It just implies that I'm really that important to be part of the major decisions he'll make in his life.
Kung anong gusto mo, kung saan ka, dun ako. Susuportahan kita, sure yon." nakangiti kong sagot.
Hindi naman maitago ang saya sa mga mata niya upon seeing my approval. Agad niya akong niyakap. "Thankyou, Jai. You're really the best girl I ever met."
"Che! Best girl your face. Dami ko kayang flaws!" sagot ko. Turning back his warm hug.
"And I accepted your every flaw, because that contributes to what you are. And I love you just the way you are, my Jyra May Agpangan."
![](https://img.wattpad.com/cover/7013941-288-k88318.jpg)
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))