Matapos ang eksena naming iyon ni Alec ay bumalik na ako sa loob upang hintayin ang oras ng pagsasayaw namin. Naging maayos naman ang performance namin. Naging successful rin ang concert. Thank God!
Dumaan ang pasko at bagong taon. Parang nanumbalik sa dati ang relasyon namin ni Alec. Nakatulong rin siguro doon ang Christmas Vacation na siyang naglayo pansamanatala kay Alec mula kay Nelle. We spend every moment together. Nang sumapit ang pasukan ay halos hindi ako makatayo. Tinatamad pa ako.
Kung hindi lang dahil sa text ni Alec na sabay kaming kakain mamayang lunch ay hindi rin ako gaganahang pumasok ngayon.
Malaki ang ngisi ko nang pumasok ako sa Room namin. Hindi naman iyon napansin ng mga kaklase ko dahil daig pa nila ang nasa palengke sa sobrang ingay. Excited ang lahat na ikwento ang naging Christmas vacation nila. Nagkibit balikat nalang ako sa pagiging abala nila at umupo nalang ako sa pwesto ko.
"Good morning, Tom!" Bati ko sa tulalang si Tom. Hindi niya ako sinagot. Kaya muli ko siyang nilingon matapos kong maipwesto sa upuan ang bag ko. "Huy!" Pumitik ako sa harap niya. Saka lang siya natinag at nabalik sa realidad.
"Ah, sorry. Ano 'yon?
Kumunot ang noo ko. Sa tono palang ng boses niya ay halata ng may problema siya. "Anong problema?"
Bumuntong hininga siya. "Si Mama."
"O, napano ang mama mo?"
Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago sumagot. "May sakit. Ilang araw na siyang naka-confine sa hospital."
Napaawang ang bibig ko sa binalita niya. "Kailan pa? Anung sakit niya? Bakit hindi mo ako sinabihan o tinext man lang? Kaya ba hindi ka nagpaparamdam nitong mga nakaraang araw?"
Umiling lang si Tom bilang tugon. Ilang ulit siyang nag buntong hininga at doon palang ay alam ko ng malala ang sakit ng kanyang ina.
"Magpakatatag ka, Tom." Wika ko at mariin siyang tinignan. "Nandito lang ako."
Ngumiti siya sakin pero alam kong pilit ang isang iyon. "Salamat, Jai."
Hindi ako makapokus buong araw dahil iniisip ko ang malungkot na si Tom. I know him well at alam kong weakness niya ang Mama niya. Noong naghiwalay nga ang mga magulang niya noon ay halos hindi niya kayanin. Seeing his Mom suffer is a torture to him. At nauulit iyon ngayon. Hindi nga lang emosyonal ang sakit na nararamdaman ng kanyang ina kundi pisikal. Ngunit alin man doon ay nakakapagpahirap parin sa kanya, dahil sa nagdudulot iyon ng paghihirap sa kanyang ina. Tom loves his Mom so much. Sa kanya siya kumukuha ng lakas ng loob. Kaya ngayong mahina ang kanyang ina ay tiyak na lugmok rin siya.
Sinamahan ko si Tom nang sumapit ang lunch time. Dinalaw namin sa Hospital ang kanyang ina. Kitang kita ko ang panghihina nito dahil sa sakit. Namayat na siya at malamlam ang kanyang mata.
"Ikaw yung dating nobyo ni Tom?" Nginitian ako ng kanyang ina.
Umiling ako pero ngumiti rin. "Kaibigan niya po ako."
"Hindi ba Jai ang pangalan mo? Niligawan ka dati ng anak ko, hindi ba? Hindi ba naging kayo?" Nagtataka akong tinignan ng Mama ni Tom.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa kawalan ng maisagot. Nanligaw nga ba sakin si Tom sakin? Parang wala naman akong natandaan na tinanong niya ako noon.
"Ma, kumain ka muna."
Sabay naming nilingon ni Tita ang kararating lang na si Tom na may bitbit na pagkain. "Ikaw din, Jail binilhan rin kita ng lunch." Aniya. Nilapag niya ang lunch ng kanyang ina sa tray na nakatayo sa kanyang kama. Habang ang lunch namin ay nilapag niya sa mesa sa tabi ng sofa, sa gilid ng kama ng kanyang ina.

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
AcakBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))