"So, Mr. Dungo. Can you please explain this to me?" ito ang sumalubong samin sa Disciplinary Office. Ang matapang na tanong ng Disciplinary Committee na si Ms. Lea.
"I'm sorry, Ma'am. Nagkaroon po kasi ng misunderstanding cause a chaos in the Cafeteria."
"My god! President ka ng student council!" sabi ni Ms. Lea na halatang disappointed.
"Si Nelle po ang nagsimula, Ma'am. Pinipilit niyang sumama sa kanila si Alec. Sinabi na ni Alec na next time nalang. Pero mapilit po si Nelle and even talk to me. I defended na di niya na kailangang isama pa si Alec then binuhusan niya ako ng tubig and that's when the chaos started." paliwanag ko.
Nakuha ko naman ang atensyon ni Ms. Lea. "Is that true, Ms. Valderama?"
"Yes Ma'am, but this girl slap me!" hinila ni Nelle si Julia at hinarap kay Ms. Lea.
"Its that true, Ms. Montes?" tanong niya.
Tumango si Julia.
"Okay. This is a warning. Kapag naulit pa'to. Mapapadala na kayo sa Community Service for a week." sabi ni Ms. Lea. "You can go now."
Ganun lang yun?
Nagkatinginan kami nila Cayle, Vince at Julia.
"Ikaw, Mr. Dungo. Maiwan ka dito." untag ni Ms. Lea.
Hinawakan ko ang kamay ni Alec bago ako lumabas to encourage him. Everything will be alright. Ngumiti naman siya sakin.
Mabigat ang loob naming lima nang lumabas kami ng DO. Si Nelle, ang haliparot. Nagpaiwan din dun! If I knew, ibbrain wash lang niya ang utak ni Ms. Lea. Grabi ang favoritism! Kapit sa patalim talaga ang Western U. May special treatment talaga kay Nelle.
Nagsipasok na kami sa kani-kanilang klase namin pagkatapos ng insidente.
May ilang minuto pa sa lunch break namin kaya nagawa ko pang i-check ang phone ko. May limang mensahe ito. Lahat ay galing kay Tom.
Tom:
Thanks Jai.
Tom:
Jai, can you visit me?
Tom:
Uh, nevermind the former text.
Tom:
Jai, kasama mo bang naglunch ang boyfriend mo?
Tom:
I'm waiting for your reply.
Naguilty naman ako sa sunod sunod na text ni Tom. Kahit isa, wala akong nareplyan. I bet, sobrang lungkot niya ngayon. He was so sick at wala siyang makausap dahil nagttrabaho ang mom niya. Puntahan ko kaya siya?
Kaso, baka sunduin ako ni Alec sa room at ihatid ako pauwi. Hindi ko naman siya matanggihan. Sa huli, pinili kong huwag nalang replyan si Tom.
DISMISSAL.
Nakatanggap ako ng text mula kay Alec. Sabi niya, sumabay na daw muna ako kila Vince. May aasikasuhin lang daw siya. Pero nang makasalubong ko naman si Ken na VP ng student council, sinabi niyang wala naman silang meeting or anumang duty. So I bet, para sa Academic subjects niya ang tinutukoy ni Alec.
Nakisabay akong umuwi kina Vince at nagcommute nalang kami para tipid. Alas sais na ng makauwi ako ng bahay.
--
Kinabukasan, hindi ako sinundo ni Alec sa bahay. Mabuti nalang at naisipan ni Enrique na isabay na ako sa pagpasok sa school.
"Salamat," utas ko nang nasa parking lot na kami. Bumaba ako sa motor niya at inabot ang helmet na dati ay para kay Julia lang daw. Infernes, level up! Hindi na siya super sungit like before.
"Wag kang magpasalamat. Hinatid lang kita dahil kinukulit ako ni Mama." poker face niyang sabi.
"Ode wag. Binabawi ko na yung thank you ko. Sige, kay Tita Elvie nalang ako magpapasalamat pag uwi." sabi ko at inirapan siya. Narinig ko naman siyang nag 'tss' sa likod ko pero hindi ko na pinansin. Diretso lang akong naglakad papunta sa classroom namin.
"Oh, Tom. Maayos na pakiramdam ko?" tanong ko kay Tom pagpasok ko sa room.
"Hindi pa. Pero, mukhang wala ka namang balak dumalaw at gusto na kitang makita, kaya pumasok nako." Aniya.
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Tinignan ko ang mga kaklase ko. Mukhang hindi naman nila iyon narinig dahil busy sila sa pagdadaldalan. Tinalikuran ko si Tom at umupo nalang ako sa upuan ko upang maiwasang makausap siya. Sana dumating na ang prof. Ito ang dasal kong dininig naman ng Prof.
LUNCH.
Pinakilala ko si Tom kina Cayle, Vince, Julia at Enrique. Ang sabi ko, siya yung transfered student na friend ko. Pinakilala ko rin siya kay Alec at halos himatayin ako nang magkamay sila.
"Ikaw pala ang boyfriend ni Jai." Ani Tom.
"Tom Doromal." sambit naman ni Alec.
Naglabanan sila ng seryosong titigan at naputol lang ito sa pagdating ni Nelle. Okay, ngayon lang ako sumaya sa pagdating ng haliparot na si Nelle.
"Alec, let's go na. I'll introduce you to my friends." kumapit siya sa braso ni Alec na siya namang tinanggal ni Alec.
"No need to be clingy, Nelle. Nasa harap mo ang girlfriend ko. Mahiya ka naman kahit konti." malamig niyang sabi.
"K fine." nagmakeface si Nelle. "Oh, let's go na."
"Jai, punta lang ako saglit doon." paalam ni Alec.
Tinanguan ko lang siya pagkatapos ay umupo na kami. Tumabi sakin si Tom na siyang pinagkibit balikat ko. Ayokong bigyan ng malisya ang mga ginagawa niya. Malinaw sakin na kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
--
Lumipas ang isang linggo na malamig ang pakikitungo ni Alec kay Nelle. Si Nelle naman, mukhang walang pakialam. Masaya na siyang kasama si Alec, kahit pa misan pinagsusungitan siya nito. Hindi rin naman naging hadlang si Nelle para magkita't magkasama kami ni Alec. He still finds time for me.
Third week of July nang idaos ang Acquaintance Party namin. Hollywood ang theme ng party ngayong taon. Naging busy si Alec sa mga nagdaang araw dahil sila ang nag organisa ng party. Mula sa mga materyales pangdesenyo ng stage, hanggang sa venue, pati sa program, sila ang namuno. Habang kasama naman nila ang buong I.T department para sa preparasyon. Sila kasi ang nakatoka para sa taong ito.
Isang kulay pulang dress at silver stilletos ang sinuot ko sa party'ng ito.
Nagsimula ang program sa pagkanta ng The Prayer ng dalawang choir member ng school. Pagkatapos nun, nagwelcome speech naman ang President ng Western U. Then, the party started. Sumayaw ang Western U Dance Troupe at nagperform din ang Western U Band.
Halos mabali na ang ulo ko kakatingin sa kumpol kumpol na tao sa paligid, hindi ko parin makita si Alec. Sobrang busy niya naman ata at hindi man lang nagawang magpakita sakin.
Sa iisang table lang kami umupo nila Cayle, Vince, Julia, Enrique at Tom.
Palinga linga parin ako sa paligid nang marinig kong may nagsalita mula sa stage.
"Nandito ako."
Kumalabog agad ang puso ko nang marinig ang tinig niya. Awtomatikong napunta sa stage ang mata ko at napalunok ako nang makita siyang nakatayo doon at may hawak na microphone.
'Anung ginagawa mo dyan, Mr. SSC President?!'
Ang mokong, ngumisi pa sakin.
"May nakikita akong magandang babae nakasuot ng pulang dress banda dun." utas niya.
Walanjo! Sakin siya nakatingin, at napasunod pa niya lahat ng students. Nasa akin na lahat ng pares ng mata nila ngayon. Walanjong Alec!
"This song is for you, my gorgeous girlfriend." sambit niya at kumindat siya sakin.
Naghiyawan lahat ng estudyante habang pinagtutulak naman ako nina Julia at Cayle.
Kasunod noon ay ang pagbeat ng drums at pagplay ng pamilyar na tono. Kusang pumatak ang tig isang butil ng luha sa mga mata ko nang marecognize ko ang kanta.
Behind Your Back.
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))