Dear Bestie,
Natapos ang sembreak na hindi kami nakapag usap ni Alec. Malimit niya rin akong itext at puro excuses ang laman ng mga texts niyang iyon. Kesho, akala raw niya may sakit si Nelle kaya agad niya itong pinuntahan. Hindi niya raw expect na isasama siya ng pamilya ni Nelle sa outing nila, out of town. Kesho, hindi niya raw alam na isang linggo pala sila dun, kesho hindi raw siya makahindi kay Mr. Valderama, kesho nahihiya raw siyang maunang umuwi, kesho nangako raw si Mr. Valderama na ibibigay na nito ang natitirang investment. Nakakairita lang. Hindi ko alam kung maiinis ako dahil nagpapauto siya sa pamilya ni Nelle o maawa ako sa kanya dahil alam kong napipilitan lang siya. Pero ang talaga namang nagpakulo sa dugo ko, Bestie, ay yung picture na nakita ko sa timeline niya. Magkaholding hands sila doon. Hindi man sila nakangiti, pero Bestie, magkahawak ang kamay nila! Stolen yung picture at kakapost lang kanina. Ang dami na ngang likes eh, pero mas marami ang comment. May mga iilang bumabati kay Nelle pero mas marami ang bumabatikos sa kanya. Kesho, mang aagaw daw siya at maharot. Bagay nga sa bruha! Nakahanap ng katapat niya. Maging sina Cayle, Karen at Julia ay nag comment. Kasali sila sa napakaraming nambabash kay Nelle. Gusto ko mang maawa sa kanya ay hindi ko magawa. Sa halip ay gusto ko siyang tawanan at sigawan ng 'Buti nga sayo. Ang harot harot mo kase!'
"Jai, andito na si Tom."
Natigil ako sa pagsusulat nang tawagin ako ni Mama. "Opo, Ma. Bababa na po ako." Sagot ko at tinuklip ang Journal ko. Ito yung bigay sakin ni Karen noong birthday ko. Inumpisahan ko na diyang sulatan. Para narin makapaglabas ako ng frustrations.
Nilagay ko sa drawer ang Journal ko at sinusi ito. Nadala na ako, ano. Hindi ko na ulit dadalhin sa school ang Diary ko. Baka mamaya, mabasa na naman ni Alec yun. Mahirap na. Puro pa naman hinanakit ko sa kanya at kay Nelle ang nakasulat dun.
Maaga akong pumasok sa school, kasama syempre ang regular ko ng sundo na si Tom. Unti unti naring napalagay yung loob ko sa kanya. Kahit pa ilang beses na kaming nagkaroon ng komprontasyon, hindi parin noon nahadlangan yung deep friendship na nabuo na saming dalawa. There is this feeling of comfort and security kapag kasama ko si Tom. I feel protected and safe kapag nasa tabi ko siya. Though I kinda' don't like that feeling na parang nagiging sobra na akong comportable at dependent sa kanya.
"So, our subject will be Personality Development. And at the end of this sem, my goal is to enhance your talent and boost your self esteem. After you find out your personality, how to fit with it and how to develop such. And as part of the curriculum, I required you to prepare a concert."
Nagpantig ang tenga ko sa narinig na tinuran ni Prof. Maging ang mga kaklase ko ay gulat rin at nalaglag ang panga sa sinabi niya.
"Concert po, Ma'am? Paano po yung evolvere?" Tanong ko. I remember, one of Alec's agenda is mag collect ng garbage at I segregate ang mga ito. Tapos ibibgay niya samin yung mga recyclable materials para sa evolvere. Paano na yun kung hindi na pala matutuloy ang evolvere?
"Yes. We innovate it. Hindi na evolvere ang magaganap na event for PDPR but its a concert for a cost. Lingid kasi sa inyong kaalaman ay nangangailangan ng malaking budget ang school ngayon dahil sa malaking improvement na pinaplano nitong gawin. They planned to add another course. So we might as well contribute para mabawasan ang pangangailangan ng school."
"Ahh." Sabay sabay na tumango ang mga kaklase ko. Habang ako ay napailing naman. Asan na ang pangako ni Mr. Valderama na ibibigay na niya ang kalahati pang invetsment? Wala? Nganga ulet? Pshh. Paasa talaga ang mag ama na iyon. Ang hilig nilang magpaikot ng tao. Porket may pera sila, akala nila kaya na nilang kontrolin ang lahat? Mga walang puso!
"You have to start the preparations as early as now. If I were you, makipag coordinate na kayo sa mga ka-department ninyo para ma umpisahan na ang preparations. Hindi biro ang gumawa ng concert. Mula sa theme, concept, design ng tickets, performances at relevance. Lahat yun, kayo rin ang magfo-formulate. Kaya kailangan niyong ayusin ang lahat ngayon pa lang. December 28 ang tentative date ng concert. So, start finalizing the concept already." Ani Ma'am.
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))