Gaya ng napagkasunduan namin ni Alec, bumisita siya sa amin nung pasko. Formal ko narin siyang pinakilala kina Mama't Papa, maging sa iba pang kamag anak ko. Inaasar nga ako nila Tita eh. Ano raw ang gayumang pinainom ko sa kanya? Oh di ba, ang mean lang nila. Parang sinabi narin nila na hindi ako maganda!
Pagsapit naman ng ka-umagahan ng bagong taon, bumisita ako kina Alec. Pormal niya narin akong pinakilala sa mga kamag anak niya. Ang kukulit lang ng mga pinsan niya, grabe. Ayaw na akong pauwiin! T^T
At dahil, tapos na ang masasayang araw ng bakasyon, kailangan ko na namang i-turn on ang matagal na naka switch off kung utak. I just wish, magfunction agad to ng di nag eexplode.
At akalain mong uso rin pala sa College ang New Year's Resolution? Aba, hanep ah. Ang tatanda na namin, magsisinungaling pa ba kami? If I know, ang mga resolution na yan, sa papel lang visible. =___=
"Anong New Year's Resolution mo, Jai?" tanong sakin ni boyfie Alec.
"Ako? Mm. Di na ako magsusulat ulit ng new year's resolution kung di ko naman tutuparin. Ikaw?"
"Haha! Iba talaga humor mo." sambit niya sabay pitik ng noo ko.
Aray ha. =___=
"Ang New Year's Resolution ko, hindi ko na kukunsintihin ang sarcasm at un-neccessary manerism ng girlfriend ko."
"Tch!" I frowned. "Bakit naman tungkol sakin ang NYR mo? Unfair!"
"Kase, gusto ko palagi kang parte sa lahat ng bagay na gagawin o hihilingin ko. Hindi ba maganda yun? Habang natutupad ang wish ko, natutulungan ko ding magbago ang girlfriend ko." sabi niya sabay ngiti ng matamis.
"Tch. Akala ko ba tanggap mo mga flaws ko?" tila nagtatampo kong tanong.
"Oo nga. Pero Jai, ayoko naman na pag isipan ka ng masama ng ibang tao. Masasaktan ako if other people would judge you easily."
"Hindi ko parin gets." sabi ko sabay walk out.
Err, PMs.
"Jai, wait. Galit ka ba?" pigil niya sakin.
"Hindi. Hindi ako galit." nagpatuloy ako sa paglalakad.
Shocks. Baka puno na ang pad ko. Err. Nararamdaman ko na yung sticky steins.
Yan, konting lakad nalang, malapit nako sa CR.
"Jai naman e."
"Wag ka ng sumunod." sigaw ko habang patuloy parin sa paglakad.
"Tsk."
Konting konti nalang.
"Jai!"
CR, here I come!
"Anak ng siopao! Jyra May Agpangan."
Liliko na sana ako sa kinalalagyan ng CR, pero di ko yun nagawa dahil bigla nalang may bumuhat sakin. As in, bridal carry.
"O-oy! Anu ba! Ibaba mo nga ako!" protesta ko.
Anu bang nakain ng taong to? At bigla bigla nalang nambubuhat?
"Ayaw mong tumigil sa kalalakad e." katwiran niya.
"Err. Ano ba." tumingin ako sa paligid. May mga mangilan ngilang estudyante sa paligid ang nakamasid samin. "Alec, hindi ka ba nahihiya?"
"Bakit ako mahihiya? E binubuhat ko lang naman ang girlfriend ko?"
"Err. Kase. Mmm. PDA?"
"Ha? PDA ka diyan?" pinitik niya ng mahina ang noo ko gamit ang kamay na nakasupporta sa may ulo ko. "Malay ba nila kung nagcollapse ka at ina-assist lang kita?"
"Well, that's not the case, Alec."
Kumunot ang noo niya.
"Shems!" naramdaman kong may nagflow na naman. Shemay! Baka matagusan ako!
"Ano bang problema mo?" alala niyang tanong.
Huminga ako ng malalim at mahina pero in gritted teeth ko sinabing: "Meron ako, okay? At kung hindi mo pa ako ibababa eh baka matagusan na ako. Kaya utang na loob, hayaan mo na akong magtungo sa CR."
"A-ah. S-sorry. Di mo naman sinabi." naiilang niya akong binatawan.
Tch! Minsan talaga, ang insensitive ng mga lalake.
[DISMISSAL]
"Matutupad kaya yung new year's resolution ko?"
"Paramdam. Tch!"
"I'll pray for her."
"Ano bang gusto mong baguhin sakin, Lec?" I ask.
"Jai, changing is different from developing."
"Hmm?"
"Ito ha. Hindi ko hinihiling na magbago ka. I just want you to develop as an individual and as a woman."
"Boyish ba ako? Hindi naman ah."
"Wala naman akong sinabing boyish ka. Ang akin lang, I want you to act more feminine. Yung walang sarcasm, and mas sweet."
"Ha? Sweet?"
"I mean, yung. . . Ugh! Ang hirap naman i-explain." wika niya. "Nevermind it."
"Tch! Sige na, susubukan ko."
"No, you don't have to."
"Kita mo'to. Susubukan ko nga. . . Para sayo."
"Pero Jai. Di mo dapat to gawin para sakin, kundi para sa sarili mo. This is for you, not for me."
"Alec. Bakit ba palaging ako ang iniisip mo?" out of the blue kong tanong.
"Because, I love you." natural niyang sagot.
Ngumiti ako at napaisip. "Hanggang kailan ka kaya ganyan ka inlove sakin?"
"Hanggang bukas."
"Aray. Bukas agad?" *pout*
"Pag sumapit ang bukas at tinanong mo ako ulit, ganun parin ang sagot ko. 'Hanggang bukas'. Dahil hindi natatapos ang bukas."
The thought makes me smile even wider.
He was really unique and creative.
Now, he his own way of saying FOREVER.
I never believe in Forever.
Not until, this guy came into my life and told me He'll love me forever.
The End~
JOKE! Haha. Grabee. Natatawa ako. Anu nga kaya no? Wala man lang plot, walang main conflict, walang turnin point, tapos The End agad? HAHAHAHA!
Baka batuhin ako ng camatis ng mga readers ko at sabihing "Walang kwenta naman yang novel mo! Memaisulat lang." HAHA. Di ko ata afford yun.
So, just so you know. HINDI PA TO TAPOS, OKAY? Naisipan ko lang gawing sweet yung last part. Bakit ba? =___=
Siguro, aabot to ng 35 or more chapters. (I think) Otherwise, makaisip ako ng mga kalokohan at kung anu-anong ma insert kong chapters along the way. Baka umabot ng 40 pag ganun. Haha! Kaya, wag mag expect na matatapos to agad. K Thanks.
Cheer~
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))