Dear Bestie,
Grabe! Nakokonsensya ako. Hindi ko kasi alam na nagtext pala si Alec before lunch time. Sabi niya, sabay raw kami mag lunch kasama ang barkada. Which is, hindi ko agad nabasa. May text pa siya na bakit raw hindi ko man lang sila nilapitan, ni hi ni ho, wala raw. Kasunod noon ay nagtext pa siya ng, "Saya niyo ah? Nakalimutan mo na kami dito." At ang huli niyang text ng araw na yun ay, "Sabay tayo umuwi. Sunduin kita sa Room niyo." Nireplyan ko siya na huwag na akong puntahan sa Room dahil magpa-practice pa kami under Sir Ralph and Ms. Beth's supervision. Tapos noon, hindi na siya nagreply. Nagi-guilty ako, Bestie. Kasi, kung kailan may oras siya sakin saka naman ako busy. Kahit gusto ko mang i free ang sched ko ay hindi ko magawa. Kailangan na naming maghanda para sa concert kaya tiis tiis na muna.
But what bothers me the most ay ang sinabi ni Sir Ralph kanina. Nanlalamig na raw ako kay Alec. Tinanong ko naman siya kung bakit at paano niya nasabi? Ang sabi niya lang. "Sa mata mo lang and your gestures." At naiwan ako doon na tulala. Hanggang ngayon, halos mabaliw na ako kakaisip. Bakit niya nasabi yon? Kung ako lang, hindi ko maiisip na nanlalamig nga ako kasi okay naman kami ni Alec nung huli kaming nag usap eh. Pero, aaminin ko, Bestie. May nag iba..
Signing Off: Jyra May.
Sinara ko ang Journal ko kasabay ng isang malalim na buntong hininga. Err! Ayoko ng mag isip matutulog nalang ako!!
--
Kinabukasan, si Tom na ulit ang sumundo sakin. Oh well, Nelle is back with vengeance. Mas maharot at mas clingy. Kung kumapit sa braso ni Alec, daig pa ang sawa. Akala mo, aagawin si Alec sa kanya. Pshh~
Lunch break, sinamahan namin ni Tom sina Vince, Cayle, Enrique at Julia. Ang mga echusera, inusisa agad ako tungkol samin ni Alec. Bakit daw parang ang cold na namin. Wala na raw bang sparks and the likes. Pero in the end, sumuko rin sila dahil nag amazona mode on ako. Sinungitan ko sila at badtrip kuno ang peg ko sa bruhildang sawa na si Nelle. Which is half true, actually.
After dismissal, dumiretso ulit kami kina Mia para magpractice. Kasama namin si Ms. Beth na siyang magsusupervise saming mga singers. Matapos niya kaming inorrient at isa isa na niyang pinakanta ang mga solo singers. OMG! Panic mode on. Paano kami ni Tom? Ni hindi pa nga namin kabisado ang piece namin?
Tinawag si Jeeyanne, na siyang unang kakanta. Tumayo siya sa gitna kasabay ng pagtugtog ng intro ng minus one. Ilang saglit pa, nagsimula narin siya sa pag awit.
🎶🎶 Paano na lang kung ako ang iiyak sa iyo
Paano na yan buti kung may magawa pa ako
E paano na kung ako na ang nahihirapan
Magagawa ko ba sa'yo na bigla kang talikuran
Wala na ang dating tamis
At sa tingin ko'y di ko na maibabalik..
Bakit di ko maaming wala na ang dating damdamin
Di na ganun
At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin
Di na ganun 🎶🎶
Kinilabutan ako sa ginawang pagkanta ni Jeeyanne. Ang ganda ng boses niya, sobra! Ang lamig, nakakadala.. Yung kanta niya, she give meaning to it.
"Bigyan mo pa ng feelings, Jee. Isipin mo, nanlalamig na sayo ang boyfriend mo, kunyari. Hindi na siya tulad ng dati. Nag bago yung treatment niya sayo. Wala ng sweetness. Wala ng spark."
Bigla akong napatigil sa tinuran ni Ms. Beth. Hindi para sakin ang sinabi niyang iyon pero pakiramdam ko ay sa akin ito tumama.
Hindi muna kami pinagkanta ni Ms. Beth that day. Kasi gusto niya mag practice muna kaming mga duo singers on our own. Kabisaduhin muna raw namin ang mga pieces namin at bigyan daw namin ng justice yung song.
![](https://img.wattpad.com/cover/7013941-288-k88318.jpg)
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
AcakBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))