Simula nang mabasa ni Alec ang Diary ko, nagkaroon na ng awkward atmosphere everytime na nagkikita kami. Para bang may wall sa pagitan namin.
Pero kahit hindi kami nagkakausap, alam kong palagi niya akong pinagmamasdan. Ramdam ko kasi ang pagtitig niya sakin, kahit sa malayo. Alam ko iyon kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
May mga araw na parang gusto akong lapitan at kausapin ni Alec pero hahakbang pa lang siya palapit, yuyuko na agad ako implying na hindi pa ako ready makipag usap.
Maging si Vince, at ibang students sa campus, nagtataka na sa mga ikinikilos ko.
May mga bulung-bulungan pa nga na kesho naging kami daw ni Alec at ngayon ay break na raw kami kaya nasa bitter stage lang ako.
Like, wow ha! Ang galing naman nilang mag imbento ng kwento.
Pero, kahit pa ano ang sabihin nila, I don't mind them. Hindi rin naman nila alam ang talagang nangyari, so they don't have the right to judge me.
Buti nalang kahit nalilito si Vince sa mga kinikilos ko, hindi siya umaalma o nangungulit. He understands me, and I'm grateful to him for that.
Naks. English speaking!
Speaking of which, dismissal time na! Palabas na ako ng room with Vince.
"Jai, tara mall tayo!"
"Ha? Ikaw nalang Vince. Gusto ko na kasing umuwi eh." matamlay kong sagot. Hindi kasi maganda ang vibes ko ngayon at sa totoo lang, kanina ko pa talaga gustong umuwi.
Bigla namang lumungkot ang aura ni Vince nang marinig ang pagtanggi ko.
"Wala ka ba sa mood dahil parin sa LQ este away nyo ni Alec? Nakakatampo na ah." aniya saka nagpout pa na parang bata na hindi binilhan ng candy. May alam pang pa-tampo tampo mode ah.
"Tsh. Oo na! Sabi ko nga diba, magmmall tayo. Tara na!" walang anu-ano'y hinila ko si Vince palabas ng campus at agad naming tinahak ang daan papuntang mall.
Pagdating sa mall, nagulat nalang ako sa pagdating rin ni Alec at nung classmate niya. I think Cayle yung name nung girl. Kaibigan din ni Vince yun, If I'm not mistaken.
Upon seeing Alec, bigla na naman akong nakaramdam ng awkwardness. Sobrang naiilang talaga ako sa presence niya. Ni hindi ko nga magawang makatingin sa kanya kahit ilang segundo kase hindi parin maalis sa isip ko yung thought na nabasa niya ang Diary ko. Nalaman niya lahat ng kalokohan ko at lahat ng pagpapantasya ko sa kanya. (Ay teka, pangit ata yung term) Ah basta. Yung mga kabaliwaan ko in my mind! Yhh! Di ba nakakahiya yun?"Uhh. Sige, tara Vince!"
Nabalik ako sa realidad nang marinig kong magsalita si Cayle. At sa isang iglap, nawala na ang dalawa sa harap ko. Este, sa harap naming dalawa ni Alec.
Hindi sinasadya kaming nagkatinginan.
Argh. Ang awkward talaga!
Agad din akong umiwas ng tingin. Feeling ko kasi, wala siyang balak sumuko sa pagtitig sakin.
Joke. Ang feelingera ko talaga. Wahaha.
"Jai." Here he is again.
Pagtawag palang niya ng pangalan ko, nagdulot na ng agarang pagwawala ng puso ko.
"A-ano?" ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon. Hindi ko talaga magawang tumingin sa mga mata niya.
"I'm sorry."
Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang sinseridad sa boses niya.
"Nangyari na. Di na maibabalik. Wala ng magagawa ang sorry, Alec." sagot ko, at aalis na sana ako pero hinigit niya ang kamay ko kaya napalingon pa tuloy ako sa kanya ng di oras.
"Wag ka namang ganyan sakin, please? Nahihirapan ako pag ganyan ka. Pakiramdam ko, para nalang akong hangin sayo. Wala ka ng pakialam sakin. Parang tinapon mo na lahat satin." wika niya.
This thme, I manage to look at him. At hindi na mawala sa mukha niya ang tingin ko. Parang namagnet na naman ang mga mata ko sa mata niya. I can see sadness in those eyes of him.
"Alec.." hindi ko alam ang kasunod. Hindi ko alam ang dapat sabihhn. Sobrang nabblanko ang utak ko.
"Let's start again?" puno ng sinseridad niyang tanong.
Napabuntong hininga ako.
Bakit kailangan pa niyang maging sincere ng ganyan? Err.
Anu ka ba Jai! Wag kang magpapadala!!
UHUM.
"Di ba nabasa mo lahat? Meaning hanggang dun sa dulo. Edi alam mo narin ang plano kong iwasan ka. Tama?"
Hindi siya agad naka-imik sa sinabi ko. Alam niyang tama ako eh.Kaya hindi sya makakontra.
"Wag. . . Wag kang umiwas. Hindi ko. . . kaya. . ."
Iniwas ko ulit ang tingin ko. Napaka-powerful kasi talaga ng mata niya, puno ng emosyon. Nakakadala. Para tuloy nahahawa ako. Parang nararamdaman ko narin yung lungkot na nararamdaman niya.
Inikot ko ang tingin sa paligid.
Shems! Nasa may daanan pala kami ng mall at kanina pa kami nakatayo dito.
Medyo marami narin palang nakatingin at nanunuod samin.
Seriously, anung akala nila? May shooting? Psh.
Pero grabee lang. Nakakahiya. Para kaming mag jowa na nage-LQ dito.Naglakad ako nang hindi nagsasalita. Hinabol naman ako ni Alec. "Jai, teka Jai. Saan ka pupunta?"
Walanjo. Agad niya akong nahabol. Palibhasa ang lalaki ng hakbang niya.
"Nasan na ba sina Vince? Tama bang iwanan tayo? Tch!" sinadya kong ibahin ang topic. Lalo kasi akong naa-awkward pag seryoso ang usapan namin.
"Ang alam ko, kumanta sila eh." sagot ni Alec na nakatingin sakin.
Err. Anu ba? Di ba niya alam na nakaka conscious yon? =___=
"Walanjo! Parang wala silang kasama ah!" Tumingin ako sa paligid. Anu bang pwedeng libutin dito? Hmm.
Nang mabalik ang tingin ko kay Alec, aba nakangiti ang mokong. Anung meron?
"Oy. Anung nginingiti-ngiti mo dyan?" tanung ko.
Err! Ayan na naman siya sa pagtitig niya. Nakakalusaw talaga makatingin to. Tch.
"Ang cute mo kasi. . . Ngayon ko lang nakita yung other side mo." sabi niya.
Psh! Akala mo naman, hindi pa niya yun nabasa sa Diary ko. Ang baliw ko kaya sa Diary ko, walang limit sa mga words at sobrang sarcastic.
Grabee. Nakakahiya talaga. Nabasa niya yun. >.<
"Tara sa Fun House!" biglang alok niya.
Napansin nya siguro ang pananahimik ko, at naramdaman niya ang pagka awkward ko.
"Hmm. Sige tara!" sagot ko at nagsimula nang lumakad.
Pero bago yon, nakita kong ngumiti si Alec.
Psh. Gwapo talaga ng damuhong to. Kaya daming nagkakagusto eh.Pagdating sa Fun House, agad bumili ng sandamakmak na token si Alec.
Like, seriously? Buong maghapon ba niya balak maglaro? =___=
"Car race tayo?" he asked smiling.Hanep ah, parang walang nangyari. Kung sa bagay, mas gusto ko yung ganito. Mas komportable ako.
"Tara!" sagot ko at agad na pumunta sa car race corner.
Binigyan ako ni Alec ng I guess, more than 20 tokens? Oh diba. Sabi sa inyo eh, marami siyang binili. May singkwenta ata mahigit.
Sabay naming inihulog ni Alec ang token at agad rin nagstart ang race.
Liko!
Left!
Right!
SPEED UP!
"Waaaahh! Palagi akong nababangga!"
Turn Right!
Turn, turn!
"Waaahh! Liko! Turn left. Waaahhh!"
Napalingon ako sa katabi ko. Aba, chill lang siya. Nakasmile pa. Di man lang siya nahihirapan.
"Waaahh! Bilisan mo! Nahuli na tayo!"
Para akong timang na kinakausap ko yung monitor.
Si Alec naman, nakangiti lang til the end. Josme.
"Ayan! Talo tuloy!"
As expected, first siya at second lang ako. Psh!Patuloy kaming naglaro ni Alec sa Fun House. Pagkatapos naming magsawa sa pagrrace, nagbasketball kami, then barilan, then Dance Mania.
Grabee lang.
Magaling nga palang sumayaw tong kasama ko.
Anu pa nga ba? Edi, olats ulit.
Wala man nga akong naipanalo kahit isa eh.
Bukod sa basketball player tong kasama ko, magaling pa sumayaw, pati maglaro.
Limot niyo na ba? Siya nga si Mr. Perfect diba?
Oh di siya na!!
TCH.
"Anu ba yan, palagi nalang akong talo."
"Okay lang yan." ngumiti siya ng napakalapad.
"Okay ka dyan." nagpout ulit ako.
"Panalo ka naman sa puso ko!" sabi niya.
ERR! Anu ba. >///<
"Baliw!" tinapik ko siya ng mahina sa braso.
"Baliw sayo. Haha!"
"Umayos ka nga Alec!"
Bigla siyang nagseryoso. He stand straight, and suddenly had a serious face.
He look deep in my eyes and said. "Jai, seryoso ako."
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))