Pumikit siya kasabay sa pag awit niya ng intro ng kanta.
*/~ I saw you there for the first time.. ~/*
Pagkadilat niya, awtomatikong lumanding sakin ang pares ng mga mata niya. Titig na titig siya sakin habang pinagpatuloy niya ang pag awit niya.
*/~ You were on the crowd but you did shine~/*
Saktong sakto ang awiting ito sa sitwasyon namin ngayon. I was on the crowd, pero sakin lang nakatuon ang mata niya. Its like, he has a thousand of choice to whom he can love, but he chose to love me.
*/~I thought everything will just be fine.
But you, step on the line. ~/*
Sa bawat lirikong binibitiwan niya at mga titig na binabato niya, unti unti akong nalulusaw. Nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Pati, ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.
*/~ I set..
Between us, the distance ~/*
Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang tao sa maaliwalas na Event Hall na'to. Parang nawala ang kumpol kumpol ng tao sa paligid ko. Parang tumigil ang oras. This moment is perfect. Perfectly romantic..
*/~ I just want to stare at you all along ~/*
Nakatitig lang din ako sa kanya habang kumakanta siya. Kinilabutan ako nang maramdamang tila may hinugot sa kaibuturan ng pagkatao ko nang makita ang pagsususumamo ng kanyang mga mata habang kumakanta.
*/~ I just want to sing you this song.
Let me tell you things I want to say.
Listen to me, give me second, please stay.. ~/*
Umilaw ang buong stage, kasabay ng maingay na pagbeat ng drums at pagbagsak ni Alec ng ulo niya. Mukha na siyang isang professional vocalist ng banda. Damang dama ko ang emosyon na gustong ipadama ng kinakanta niya.
*/~ I didn't mean to fall inlove with you.
I didn't intend to, always think of you.
Its not my intention to keep on missing you.
Believe it or not, but what I say is true.. ~/*
Nakakarelate ba ako dahil sa magaling na pagdeliver ni Alec at nakakadala ang emosyon niya sa pagkanta o dahil ramdam kong para sakin ang kantang iyon? Tingin ko, mas nangingibabaw ang ikalawa. Pero hindi ko maitatanggi na may kontribusyon din ang una.
*/~ I try to hide it, but I'm not good at it.
I try to push it away but I just failed.
Now my feelings just got stocked.
Sorry but I'll just keep on loving you, behind your back.
Behind your back.. ~/*
Napangiti ako nang ngumiti siya matapos awitin ang huling lyrics ng chorus. Lingid sa kaalaman ko, basa na pala ang pisngi ko ng sarili kong luha. Tears of joy. Ganito pala ang pakiramdam. Umiiyak ka ng hindi mo alam. Para lang akong timang na lumuluha habang nakangiti. Pero, who cares? Masaya ako ngayon, and these tears falling down my cheeks are merely tears of joy. Joy brought by this man in front of us holding the microphone, singing.
"Let the party begin!" deklara ni Alec. After being a singer, nagtransform naman siya into a SSC President.
Tumugtog pa ng iilang kanta ang banda. Kasama na ang vocalist at bumaba narin si Alec mula sa stage. Diretso itong lumakad papunta sa direksyon ko.
"Grabe! Halos mapunit na ang mukha mo sa lapad ng ngiti mo ah. Tsk! You are really inlove with him." narinig ko ang pagkadismaya sa boses ni Tom, na nasa tabi ko pero binalewala ko iyon. Tanging kay Alec lang, na kasalukuyang papalapit na sakin, nakatuon ang buong atensyon ko.
Parang slow motion ang lahat. Ang pagtutog ng banda, ang pagsayaw ng mga ilaw at paglalakad ni Alec papalapit sakin.
"Can I have this dance?" ito ang unang katagang lumabas sa bibig ni Alec pagdating niya sa harap ko. Naglahad siya ng kamay at ngumiti ng malapad.
"KYAAAAAAAAHHHHHHH!"
Halos mabasag ang eardrums ko sa kakatili ng mga Westernians. Shems! Nakakahiya. Nakatingin silang lahat samin. Paano ba naman, wala pang sumasayaw sa dance floor. Tapos ay sinundan pa si Alec ng stoplight kaya samin ito nakatutok ngayon.
"Paano kung ayaw ko?" tinaasan ko siya ng kilay pero di parin nawawala ang ngiti sa labi ko.
Sumimangot siya. Tch! Wala namang pinagbago eh. Gwapo parin siya kahit nakasimangot!
"Sige na nga!" sambit ko, kunyari ay napilitan pero ang totoo, tumatakbo na ang puso ko sa kilig. Abot tenga narin pati ang ngiti ko.
Hinampas ko siya sa braso nang nasa dance floor na kami. My langguage of saying, 'Walanjo ka! Tama bang gumawa ka ng eksena sa harap ng mga Westernians? Hindi ko kinaya yun! Muntik na kaya akong himatayin sa kilig!'
"Para saan yun?" nakangisi niyang tanong. Halos mawala na ang mata niya dahil sa laki ng ngiti sa mata at labi niya.
"Kaasar ka! Nakakahiya." sambit ko.
"Bakit ka nahihiya? Are you not proud of me?" tanong niya.
"Wow! Ako pa talaga tinanong mo niyan? Paano akong di magiging proud sayo eh, 'Ne seye ne eng lehet?' Para ka ngang bituing makinang eh. Tapos ako, isang hamak na alikabok. Kumusta naman 'yon?"
"Tss. Wag mo ngang ikumpara ang sarili mo sa alikabok. Dahil kahit katiting, wala kayong pinagkapareho nun. Isa kang prinsesa, habang yun ay isang dumi. Malaking parte ka ng buhay ko, habang iyon ay maliit na bagay lang. Ikaw, nag iisa lang, walang katulad. Habang yun ay libo libo. Malayo ka sa alikabok, Jai. Kaya wag mo ng sasabihin yun. Ayokong minamaliit ang taong mahal ko, dahil para sakin ikaw na ang buhay ko." sinabi niya ito habang mariing nakatitig sa mata ko. Bawat katagang pinapakawalan niya ay nakakapanlambot ng tuhod ko.
"Alec, mahal na mahal kita." Ito siguro ang unang pagkakataong sasabihin ko ito sa kanya. Pero, sa pagkakataong ito, damang dama ko ito. Gustong gusto kong sambitin ang mga katagang iyon. Gusto kong iparamdam sa kanya ang laman ng dibdib ko, ng puso at isip ko. Siya lang.
"I love you more." sagot niya.
Nagsipuntahan narin ang ibang mga estudyante sa dance floor at noo'y sumayaw.
Kasabay ng pagsikip ng dance floor, hinigit niya ako palapit sa kanya.
"Alec!" sita ko. Sobrang close na kasi namin, halos magkayakap na.
"Crowded ang dance floor. Baka may makatama sa'yo." sagot niya, then pull me closer.
Aneber! Hindi na ako makahinga, I can't breath! Haha.
"I love you, Jai." bulong nito. "I love you so much."
Natapos ang Acquaintance Party namin ng ganon. Kami lang ni Alec ang magkasayaw buong gabi. Hindi niya ako binatawan. Hindi niya ako pinakawalan. Mula sa simula hanggang sa huli..
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))