May na!
Akalain mo yun? Nakatagal na ako ng isang buwan ng bakasyon? Seriously guys. Sa umpisa lang masaya ang bakasyon, kase wala ka ng iniisip na school works. Pero pag tumagal na ng dalawang linggo. Ay josme! Nakakainip to the highest level!
Miss ko narin yung mga prof naming terror, at hanep magparecite. Infernes ah. Nakakamiss din pala ang mga prof. Pati mga kalog at baliw kong mga kaklase. Haay. =___=
"OY!"
Bored akong tumingin sa may pinto.
Sino pa ba?
Edi si Enrique. Ang pinakamasungit na lalaki sa balat ng lupa. Kung maka OY! Akala mo close kami. =____=
"Bakit nakalock samin? Asan si Mama?" tanong niya at tuluyan ng lumapit sakin na kasalukuyang nakahiga sa may sofa.
"Hindi naman ako care taker ng bahay nyo. Bakit sakin mo tinatanong?"
Mwahaha. Ang galing kong sumagot. Pang kontrabida ang peg. Waha.
"Ang ayos mong kausap!" halatang irritado na siya, halos manigaw na e.
"Nakikibagay lang ako sa kausap ko." sagot ko sa kanya, pero nasa tv
parin ang tingin ko.
"Tss. Walang kwenta!" sabi pa niya, sabay walk out.
Walang kwenta pala ha? Sige. Tignan natin. Mwahaha! Ang rude ko ngayon.
**************************************************
After 3 Hours.
"Oy Jai." pumasok ulit siya sa bahay.
"Trespassing ka."
"Siopao! Hindi na ako nakikipag biruan sayo!"
Nilingon ko siya. "Sinu bang nakipagsabing nakikipagbiruan ka? And FYI, hindi rin ako nakikipagbiruan."
"Anak ng siopao naman!" naglakad siya papuntang kusina.
"Oy oy! Anung gagawin mo dyan ha?!" sumunod ako sa kanya para pigilan ang balak niya. Kung kasing nakiusap nalang siya ng maayos, bibigyan ko naman siya eh. Di naman kasi ako madamot. Ma pride lang siya.
"Gutom nako!" diretso siya sa ref.
Pero humarang ako. With matching stretch arms pa para mas convincing. Haha. "Hindi pwede!"
"Bakit hinde?" inis nyang tanong.
"Dahil hindi mo to bahay na kukuha ka nalang anytime you want."
"Daming arte! Babayaran ko nalang mamaya pagdating ni Mama. Kahit triple pa yan."
"Kayabangan!" pa iling iling kong sabi.
"Siopao naman! Ang hirap mong kausap!"
"Ako pa talaga?" talagang tinuro ko pa ang sarili ko para mas intense. Mwahaha. I'm enjoying this scenario. ^___^
"Tabi na!" may pakiusap pero may tapang paring sabi niya.
"Say it in a nice way." nagpose pa talaga ako. Waha. Baliwag na.
"Tss. Pwede bang makahingi ng pagkain? Siopao talaga oh!"
"Sus. Sasabihin rin pala, dami pang arte."
At dahil sa mabait ako, umalis na ako sa pagkaharang sa ref at bumalik sa may sala. Kasi naman, palaging pinapairal ang pride. Buti sana kung nakakain yung pride na yun, eh kaso hinde. Tsk2.
*/~ At kung ikaw ay nakatawa--
"Hello."
(Jai. Asan ka?)
"Nasa bahay. Bakit?"
(Wala..)
May something sa boses niya. Parang may hidden meaning? Na siya lang ang nakakaintindi.
"May balak pa ba kayong umuwi?" biglang tanong ko. May na kasi, di pa umuuwi. Mag iisang buwan na sila sa Laguna. Josme! Gusto ata nila, dun na tumira. =____=
(Oo naman. Hindi pwedeng hindi ako umuwi. Naiwan ko diyan yung puso ko e..)
"Tse! Edi sana hindi kana humihinga ngayon. Dedo kana."
(Haha! Kaya namimiss kita e. Ang kulit mo)
"I know right. HAHA!"
"Uy Jai, asan yung plato nyo?" to namang si Enrique. Panira ng moment. =____=
"Diyan sa kabinet sa side."
(Sino yun?)
"Ah wala. Kapitbahay namin."
(Ha? E bakit naghahanap ng plato?)
"Ehh wala e. Nakalock sa kanila."
(Ha? Bakit?)
"To naman. Wag ng tsismoso. Hahaha! Yung pasalubong ko Oy!"
(Kita mo to. Tinatanong kita nung minsan kung anong gusto mo, sabi mo wala)
"Joke lang! To naman, di mabiro." =____=
(Sus. Ano nga?)
"Wala nga."
(Ano nga?)
"Wala nga. Ay ang kulit?"
(Di nga Jai? Ano nga?)
"Ang kulit rin ng lahi mo no. Wala nga yeh."
(Haha. Ang astig mo talaga)
"Ha?"
(Wala. Sabi ko, I miss you)
Napangiti ako bigla.
"Boyfriend mo?" -Enrique.
Bigla naman tong sumusulpot. Parang kabute.
"Hinde. Dun ka nga!"
(Hindi pa.)
"Psh. Talagang hindi pa. Iniwan mo kaya ako."
(Pag umuwi ba ako ngayon, sasagutin mo nako?)
EEHHHH?!
"As if naman, makakauwi ka."
(Yes or no?)
"Sasaya ka ba kung ganon lang ang naging basehan ng pagsagot ko sayo?"
(Iba ka talaga Jai. Kaya mahal kita eh. You're unique. You're one in a million)
"Tse!" tanging nasabi ko. Pero di ko mapigilang ang pagform ng ngiti sa labi ko. Pakiramdam ko nga, nag iinit ang mukha ko. Gosh! Wag naman sana akong magblush.. Sa harap ng Quen nato. =___=
"Masyado ka namang obvious kiligin!" walang pakundanggang sabi ni Enrique sabay alis.
ABA'T! Walang utang na loob?! Hindi na nga nagpa-thankyou, binuking pa ako?!
(Bakit Jai? Nagbblush ka ba?) natatawang sabi ni Alec.
"Hindi ah! Maniwala ka dun."
(Okay lang yun. Nabasa ko ayy..)
Oo Alec. Nadulas ka. Di ba sabi ko, wag ng iremind yun? =____=
"Anu yon?" =.=
(Alec anak! Halika dito!)
Dinig kong tawag ng I think, Mom niya, sa kabilang linya.
(Andyan na po Ma!)
(Jai, wait lang ah? Text kita mamaya. Ingat, bye..)
"Bye--
*Doo. Doo. Doo*
O-kay?
Napatayan ako ng phone for the 2nd time. :(
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nasa mall kami ngayon. Si Cayle kasi, ang kulit eh. May atraso pa raw kasi ako sa kanya dahil inindian ko siya last time. Pasalamat nga siya at ako pa ang nagsilbing matchmaker nila ni Vince eh.
Heto ako ngayon, kasama ang dalawang bagong lovers ng dabarkads. Oo, officially Mag ON na sina Vince at Cayle. Apparently, one week na raw sila, at ngayon ang weeksary nila. Hanep no? Sinama pa talaga ako dito. Spell, OUT OF PLACE? = ME.
"Tanda mo pa nung 4th year high? Nerd ka pa nun." -Vince
"Haha. Oo, ang panget ko nga nun eh." -Cayle
"Hinde ah. Ang ganda mo nga e. Simple ka lang nun, pero para sakin ikaw parin pinakamaganda. Kasi natural ang gandang meron ka." -Vince.
Eye to eye sila. Sabay ngiti sa isa't isa.
Sus! Ang ewan nila! Okay, ako ng bitter. Ako ng walang parter. Ako ng OP. =____=
"Alam mo, hindi parin ako makapaniwalang tayo na." -Cayle
"Ako rin. Parang panaginip lang nga e. Pero, ang saya lang gumising sa umaga, knowing na totoo lahat to." -Vince.
"Uhh, Guys. Pwede wag masyadon sweet? Nilalanggam nako dito eh. Ang kati kati. Kulay red pa man din ang mga langgam. Masakit mangagat." singit ko sa usapan nila.
Sabay silang natawa sa sinabi ko.
WHAT'S FUNNY?
SHARE NAMAN!! =.=
"Sorry Jai.""Okay lang. Basta ba masaya kayo eh, masaya ako." sabi ko sabay ngumiti ng pilit.
"Haha. Halatang pilit eh." -Cayle.
"Haha!" natawa ako. Sa totoo lang, nagbibiro lang nman ako sa pilit na ngiting yun. Ang totoo kasi niyan, masaya talaga ako para sa dalawang to.
"Pero seryoso guys. Masaya talaga ako para sa inyong dalawa. Kasi finally eh masaya kayo, magkasama. Kayo na, lovers, couple. Saksi rin kasi ako sa lahat ng trials na pinagdaanan niyo, kaya sobrang saya ko at ngayon, magkasama na kayong dalawa." nakangiti kong sabi, but this
time totoo na talaga. Walang halong kyeme.
"Thankyou, Jai." sabi ni Vince.
"Thanks talaga, Jai." dagdag naman ni Cayle.
Ngumiti ulit ako. "Pero please lang guys. Wag masyadong sweet ha? Nao-op talaga ako, promise!"
"HAHA!" sabay silang tumawa.
"Hindi ka na mao-op, Jai." biglang sabi ni Vince.
"Ha? Bakit?"
Sabay na ngumuso sina Vince at Cayle sa may bandang likuran ko.
Parang naging slow motion naman ang paglingon ko sa likuran ko.
Isang matangkad, maputi, chinito at gwapong nilalang ang bumungad sakin.
Gaya ng dati, isang napakasimpleng bihis na nagmukhang sobrang mamahalin, dahil siya ang nagsuot.
Nakasuot lang siya ng plain skyblue tshirt, simple jeans, shoes, at may nakasabit na glasses sa damit niya.
Suot na naman niya ang mga ngiting iyon.
Mga ngiting nagpahulog sakin.
"Hi Guys! Its nice to be back!" sambit niya.
"Alec!^o^" -Cayle
"Pare!" -Vince.
Sabay silang lumapit kay Alec. Habang ako, nakatameme parin. Nakatingin lang sa kanilang tatlo.
Para kasing hindi ma process ng utak ko..
Yang gwapong lalaking yan? Seryoso? Nanliligaw ba talaga sakin yan?
Oo na! Starstruck na naman ako!
LALO KASI SIYANG GUMWAPO!
"Oy!" tawag niya.
"A-ako?" tanong ko.
"Sino pa ba? Halika nga dito."
EHHH?
Bakit ganun?
Nahihiya akong lumapit. >///<
"Tss."
Dahil nga sa hindi ako lumapit, siya na ang lumapit sakin at hinila ako patayo.
Bigla niya akong pinitik sa noo. "Ikaw. May kasalanan ka sakin."
"H-ha? Anong kasalanan?"
"Dahil sayo, napauwi ako. Sobrang miss na kasi kita."

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))