Hinatid ako ni Tom sa bahay after naming ma dismiss. Ang hindi ko inaasahan, ay ang makita ang isang itim na motor na nakapark sa harap ng bahay namin. Himala! Naisipan niyang dumalaw. After a month na hindi kami nagkakausap, finally ay naisipan niya akong puntahan. Ano kayang meron?
Patay malisya lang ako nang lumabas ako sa kotse ni Tom. Pa sweet pa nga akong nagpaalam sa kanya.
"Bye Tom! Salamat sa walang sawang pag hatid." Nakangiti kong sabi.
Ngumisi naman si Tom sakin. Nakababa ang bintana niya kaya nakita ko kung paano lumabas yung dimples niya sa pag ngisi niya. Weird. Pero bakit parang guma-gwapo si Tom sa paningin ko?
"Sige, pasok na. Text mo nalang ako kung anong oras kitang susunduin bukas." Aniya sabay kumindat pa. Naki ride ang mokong.
Natawa ako sa kanya. "Sige, ingat sa pag uwi. Text ka nalang pag nakauwi kana." Nakangisi kong sagot.
Napangiti siya. Kinikilig ang mokong. Minsan lang yan, baliw. Kaya, sulitin mo na. Habang nasa harap tayo ng damuho kong boyfriend. Lol. Ang mean ko na yata.
"Ge." Nag liptalk siya ng 'I love you'
Nanlaki ang mata ko. Kumag na'to! Akala niya naki-carried away ako sa sitwasyon?
Humalakhak siya. "Sige na, adios!" Untag niya at tinaas na ulit ang bintana ng kotse at pinaandar na ang magara niyang sasakyan.
"Jai,"
Nagulat pa ako kuno nung narinig ko siyang nagsalita sa likod ko. Kakaalis lang ng kotse ni Tom nang tawagin niya ako.
"Andyan ka pala. Kanina ka pa?" Casual kong tanong.
"Hindi naman." Tipid niyang sagot.
"Tara, pasok ka muna." Anyaya ko at lalampasan ko sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Doon ko nasilayan ang malungkot niyang mga mata na diretsong nakatitig sakin.
"Bakit?"
"Its our fifteenth monthsary." Seryoso niyang sabi.
"Ah, six ba ngayon?" Tanong ko. He nodded. Nagbilang ako ng buwan. One year kami nung August, bali twelve months. "September, October, November. Oo nga."
Bumuntong hininga siya at ngumiti ng fake. "Wala ka ng tiwala sakin."
Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagsalita. Problema nito?
"Inisip mo pa kung 6 ngayon. Binilang mo pa ang mga buwan, bago ka sumang ayon at naniwala sakin." Makahulugan niyang pahayag.
"Diretsuhin mo na ako, Tom. Este, Alec." Shemay! Sa sobrang dalas namin magksama ni Tom, nasanay na akong siya palagi ang kausap ko. Pati tuloy si Alec, natawag kong Tom.
Ngumiti siya ulit pero halatang pilit iyon. "Gaano kadalas kayong magkasama?"
"Kasindalas ng pagsasama niyo ni Nelle." Malamig kong tugon.
"Alam mong wala akong nararamdaman sa kanya, di ba?" Kalmado niya paring tanong.
"Oo. Alam ko rin kung gaano siya patay na patay sayo. At kung paano ka niya landiin."
"Jai." Utas niya. Parang hindi siya makapaniwala sa nasabi ko.
"What? I'm just stating a fact. Alam mo 'yon, Alec. Don't tell me, hindi ka aware? She's doing all of these to get your attention. She's desperate to get you and to steal you from me." Lecheflan! Sa sobrang inis ko, napapa english na tuloy ako. Sana lang tama yung grammar ko. Argh.
BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))