Chapter7: Bakasyon.

716 16 5
                                    

"Bakit?" tanong niya. Diretso ang tingin sakin.

"Uhh. Ayaw mo bang pumasok muna?"  namiss kita eh.

"Wag na, baka makaistorbo pa ko sa inyo."

"Ehh okay lang!" teka nga. Bakit ang kulit ko? Kasi naman, parang may something talaga sa kanya.

Tsaka, nagpunta siya rito, sigurado may dahilan.

Nabaling ang tingin ni Alec sa kamay niyang hawak ko. Pagkatapos ay ngumiti siya, totoong ngiti na this time. Isang mapang asar na ngiti. "Did you miss me too?"

Napabitiw ako bigla. Ehh? >///< Wala namang ganyanan, Alec!

Teka, too? Ede ibig sabihin, na miss niya rin ako?
Ayiee! :">

"Anong ngini ngiti ngiti mo dyan?" biglang tanong niya.

Holoo! Nakita niya pala. Argh. Nagbblush kaya ako? Nahalata niya kayang nikikilig ako? Err. Wag naman sana.

"Nakuu. Tara na! Malamok dito." pagdivert ko ng topic.

"HAHA. Iiwas kapa eh. Sige na nga, tara."

Nagulat ako kasi bigla niya akong hinila papasok ng gate namin.

Ah Alec? Remind ko lang, samin bahay yan, hindi inyo. Ehh bakit parang mas at home ka ata? At talagang, ikaw pa ang humila sakin papasok ha?
=____=

"Uy!" tawag ko. Hila hila parin kasi niya ang kamay ko, at malapit na kami sa may pinto.

Baka kasi mamaya, makita kami ni Mama, anu pang isipin nun. Isipin niya, 'Hindi pa kayo, holding hands na agad? Ano to? PBB TEENS?!' Oh diba. Sira ang record! Mwahaha.

"Maka uy ka naman. May pangalan ako." binitawan na niya ang kamay ko at pakemeng nagtampo.

"Psh. PB?" nakangiti kong tanong.

"Ayoko nun."

Weh? Choosy ka pa teh? Dati nga, gustong gusto mo yun eh. Ngayon, ayaw na bigla? Psh.

"Edi wag. ABCD nalang." naglakad na ulit ako palapit sa may pinto. Siya, naiwang nakatameme. Mukhang inaabsorb pa ang sinabi ko. "Tara na, ABCD!"

I saw him pouts. Ang kyoot talaga ng nilalang na'to. Kainis na!

                                                                                                                   



**

Sa Sala.



"So, anung meron?" tanong ko agad, pagkatapos maiserve ang cookies na binake ni Mama kanina, at glass of juice.

"Wala." sabi niya sabay kuha ng cookie.

"Hanep! Ang ayos mong kausap ha." =____=

"Haha! Cute mo talaga pag ganyan ka." natatawa niyang sabi. "Ganito kase. . . Teka lang, naalala ko. Saan nga pala kayo galing ni Vince?" biglang tanong niya.

"Saan pa, edi nagmall." kumuha ako ng chocolate cookie at kinagatan yun. Mmm! Sarap talaga mag bake ni mama! ^o^

"Kayo lang dalawa?" tanong pa niya.

"Oo, bakit?" nawwirduhan na ako sa mga tanong niya.

"Ahh."

Ganon? Biglang naging dry ang sagot?

"Bakit?" tanong ko.

"Di naman siguro kayo nagddate di ba?"

"HAHAHAHA! Ang cool ng joke mo!" ^___^

"Anong cool dun? Tsaka, di ako nagjjoke Oy! Seryoso ako." sabi niya. Mukha nga siyang seryoso kasi hindi talaga siya tumatawa o ngumingiti man lang.

"Ehh? Kasi naman. Kung anu ano pinag iisip mo." natatawa paring sabi ko.

"Nagtatanong lang." paliwanag niya.

"Edi kase!"

"Tss"

"Problema mo, ABCD?"

"Alec," pag correct niya. Psh! Ang sungit!

"Sungit mo." sabi ko sabay pout.

"Ikaw kasi eh." kinurot niya ako sa ilong. Aray!

"Anu bang nagawa ko?"

"Wala."

Psh. Sinungaleng. =____=

"Bakit ka ngapala napadalaw?" tanong ko. Kung saan saan na kasi napunta ang usapan.

"Ah, oo." Gandang sagot ha. =____=

"Gusto kasi nila Mama na magbakasyon kami sa province namin sa Laguna. So yun, magpapaalam lang sana ako personally. Bukas kasi ng madaling araw ang alis namin."

Aaw. Na sad naman daw ako don. Josme! Ang hindi ka nga makita ng isang linggo, miss na miss na kita, yung malayo ka pa ng sobra? Hay.

"Gaano raw kayo katagal dun?" malungkot kong tanong.

"Hindi ko alam e. Depende kasi yun kila Mama. Pero alam ko, minimum of 1week. Pero kapag nagustuhan nila dun, baka umabot ng 1 month."

"Hala! Ang tagal naman!" reklamo ko.

Napangiti siya bigla. "Mami-miss rin kita, Jai."

"Weh. Assuming ka naman masyado. Sinabi ko bang mami-miss kita?" pabiro kong tanong.

Gusto kong idaan nalang sa biro. Kasi, ayokong madala ng emosyon ko, ng lungkot. Iniisip ko palang na mawawalay ako sa kanya ng matagal. Yung tipong, walang chance na makita, makausap at makasama ko siya ng ganun katagal, bumibigat na ang dibdib ko eh. Confirmed na nga, mahal ko na'tong taong to.

"Basta ako, I'll miss my Cute Girl!" sabi niya, sabay kurot sa pisngi ko.

"Arouch!"

"Haha! Anong sabi mo? Arouch? Bagong word ba yun?" natatawang sabi niya.

"Oo! Combination ng Aray at Ouch. Angal ka?" Haha. Natatawa ako, kung makipag usap ako sa kanya, parang di ko siya crush / love. Parang tambay lang kami sa kanto. Mwahaha.

"Pero seryoso Jai. Okay lang ba?"

"Ang alin?"

"Sumama ako kila Mom."

"Oo naman. Bakit hindi? Mamemeet mo yung relatives mo. Di ba masaya yun?"

"Oo, masaya nga. Pero mas masaya yun kung kasama ka."

EHHH?!

Wag ganyan, Alec. Naman eh! Kinikilig ako.

"Ano, sama ako?" umarte akong tatayo at mag eempake na sana ng gamit.

"Haha! Baliwag ka talaga."

"Mana lang sayo. Haha!"

"Jai." bigla siyang nagseryoso.

"Ohh?"

"Tatawagan kita. I'll keep in touch okay? Wag snob." sabi niya tapos ngumiti ng mapang asar.

"Pano kung di ko sagutin mga tawag mo?" tanong ko.

"Baka mapauwi ako ng maaga, pag ganun."

EHHH?!

"Kaya dapat, alert ka. Okay?" ngumiti na naman siya ng nakakalusaw.

Tse! Wag ka ngang ngumiti ng ganyan, mamaya magmelt nalang ako dito bigla. Di mo nako makita eh!

"Opo master."

"Good!" sabi niya, tapos ginulo ang buhok ko. Err! Kakasuklay ko lang kaninang hapon. =____=

Bigla siyang tumayo at pumunta sa may kusina? Narinig ko siyang nagpaalam kay Mama. "Mauna na po ako, Tita."

"Oh sige Iho. Ingat ka."

Aaw? Aalis na siya?

Bumalik siya sa kinauupuan ko at nagpaalam sakin. "O siya. Medyo late narin. Una nako, Jai." naglakad sya papunta sa may pinto. Tumayo narin ako't naglakad para sundan siya.

"Ingat ka!" pilit akong ngumiti. Parang may bigat kasi akong naramdaman eh. Hindi pa siya umaalis pero parang miss ko na siya. Ganun pala kapag inlove no? Ang weird.

"Ikaw din." nagpatuloy siya sa paglakad, at nagpatuloy rin ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa makalabas na kami ng gate.

"Pasok kana sa loob. Baka mahamugan ka, late na oh!" saway niya sakin nang nagtangka pa akong lumabas ng gate.

"Tawag ka ah?" bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Ang weird ko talaga, promise!

"Opo." he smiled. "I love you, Jai."

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon