Chapter12: Enrollment

609 11 6
                                    

After kumanta ni Alec, binigay niya ang mic sakin. Hala? Ako na ba? Seryoso ba siya? Pakakantahin niya talaga ako? Gusto ba niyang bumagyo ng di oras?

"Hehe. Ikaw ulit." sabi ko. Seryoso, pangit kasi talaga boses ko. Makabasag eardrums.

"No. Ikaw muna dapat, then ako nun ulit."

"Ehh?"


*/~ At kung ikaw ay nakatawa,
Ako pa ba ay nakikita.. ~/*


"Teka lang ah." kinapa ko sa bulsa ko ang phone ko na kasalukuyang nagriring.


*/~ Nalilimutan ko ang itsura ko,
kapag kausap na kita.
Sana naman ako'y pakinggan--


"Hello?"

(Nasan ka?)

"Sa Mall. Baket?"

(Alam ko. San particular?)

"Bakit ba?"

(Pinapasundo ka ni Tita saken)

"Ha? Bakit raw?"

(Anak ng siopao Jyra. Ang dami mong tanong! Asan ka ba kase?!)

Ay highblood? =.=

"Ikaw nalang pupuntahan ko. Asan ka ba?"

(Foodcourt. Bilisan mo)

"Osige"

*doo doo doo*

Bastos talaga to kausap kahit kailan. =____=

"Sino yun?" tanong ni Alec. Walanjo, andito ngapala siya. At kanina pa siya nakatingin sakin, ng nakakunot noo.

"Si Quen. Yung kapitbahay namin. Uhh, Alec. Pwede bang mauna nako?"

Lalong kumunot ang noo niya. Hala, ang kyoot.

Psh. Kainis tong lalaking to, kahit anung reaksyong gawin niya, pogi parin.

"Bakit?"

"Ehh kasi, pinasundo raw ako ni mama kay Quen."

"Ahh." sambit niya pero parang hindi naman siya satisfied sa paliwanag ko? Ah, ewan.

"Una, nako. Okay lang ba?" tanong ko.

Hindi siya agad nakasagot. Tinignan niya yung remaining time na nakaflash sa screen ng Videoke Machine. 50 Minutes pa. Aaw. Sayang.

"Sige." pilit siyang ngumiti.

"Sorry talaga, Lec. Bawi nalang next time."

"Hindi, sige. Okay lang. Tara?"

"Ha? Ehh, sayang naman yan oh. Kanta ka parin."

"Ako mag isa?" natatawa niyang tanong.

"Oo. Bakit? Masama ba kung kumanta ka all by yourself?"

"Haha. Halika na." at lumabas na siya sa khub room.

Ehh? Ang weird naman niya.

Naglakad lakad kami sa mall. Nagprisinta siyang samahan na raw niya ako para rin daw makita niya yung Quen. Pero ang problema, hindi siya pwedeng makita ni Quen. T^T

Ang paalam ko kasi, sina Cayle ang kasama ko at saglit lang ako at uuwi agad. Ehh, malay ko bang biglang darating to si Alec?

Waaaahhhh!

What to do?

"Kuya Alec!!"

Sabay kaming napalingon ni Alec sa noo'y tumawag sa kanya.

"Julia." nakangiting sabi ni Alec.

Sinetch itey? =.=

"Kanina pa kita hinahanap." *pout*

Infairness, maganda si Ate. Este, Julia pala ang pangalan.

"Bakit nandito ka?"

"Yun nga. Kase--
Napatigil sa pagsasalita yung Julia nang mapansin ako.
"Sino siya? Girlfriend mo?"

Hindi po. >///<

"She's Jai. Hindi ko siya girlfriend for now, pero malay natin bukas -- Aray!"

Binatukan ko nga. Biglang lumakas ang hangin dito eh.

"Wow. Hi Jai. I'm Julia Montes." inabot niya ang kamay sakin.

"H-hello." nakipagshakehands naman ako.

Ang gondo tologo niya. ^o^ Kung titignan, parang ka edad lang rin namin si Julia. Parang si Quen, ka-age ko lang. Pero di ko alam bakit di kami makapag usap ng mahinahon ng isang yun.

Teka, speaking of Quen! Oo nga pala! Nasa food court pala ang dakilang sungit!

"Hala, teka. Kailangan ko na palang umalis. Bye!" Agad ko ng iniwan ang dalawa. Time ko narin to para maka escape. Thankyou Julia! Saviour kita ngayon.


* FOODCOURT.


"Tagal mo."

"Oh, anyare sayo?" pansin ko kasi parang hindi siya okay.

"Wala. Letche flan." tumayo siya pero parang matutumba.

"Oy, ayos ka lang?" Aalalayan ko sana siya pero tinapik niya lang ang kamay ko.

Okay, sige. Panindigan ang kasungitan. =____=

"Tara na!" naglakad na ako ng mabilis.

"Oy! Wag ngang mabilis."

Nilingon ko siya. Ehh? Parang iika-ikang maglakad. Anong problema nito?

"Anu ba kasing nangyari sayo, Quen?"

"Wala! Lakad na."

Tamo to, parang timang. Lakad na raw, pero pag naglakad ako, wag daw bilisan. Ay, hirap magpalaki ng kapitbahay. =____=

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon