Chapter 55 Isang Ngiti

183 6 2
                                    

Hinang hina man ay nagawa ko paring magtungo sa likod ng rooftop at hanapin ang naiwala kong bracelet. Iyon ang simbulo ng relasyon naming dalawa. Kaya pinagsumikapan kong mahanap iyon. Gusto kong magkaroon ng kahit katiting na pag asa dahil sa ngayon ay malapit na akong sumuko. Masyado ng malupit ang mga sinapit ko at hindi ko na alam kung kakayanin ko pang lumaban ng may warak na warak ng puso. Wala na rin si Tom sa tabi ko para damayan ako at wala narin akong mapagsabihan ng problema ko. Hindi ko iyon masabi sa barkada dahil naduduwag ako. Natatakot ako na talikuran nila akong lahat. Dahil alam ko namang ako talaga ang mali, ako ang may kasalanan. Wala siguro ni isa sa kanila ang kakampi sakin pagkatapos nilang malaman ang lahat.

Sumapit na ang takip silim ay hindi ko parin nahanap ang purselas ko. Dumilim ang langit pero hindi ako sumuko. Umihip ng malakas ang hangin pero hindi parin ako nagpatinag. Hanggang sa maramdaman kong may tumulong isang patak ng likido sa braso ko. Tinanaw ko ang langit at nakaramdam ng isa pang patak. No, wag ngayon. Hindi pwedeng umulan ngayon.

Binilisan ko ang paghahanap. Halos ihagis ko ang mga talahib na madaanan ko. Wala na akong pakialam kung masugatan man ako. Basta kailangan kong mahanap iyon bago lumakas ang ulan. Unti unti ng binalot ng lamig ang buong lugar pero hindi parin ako huminto sa paghahanap. Lumaki ang bawat patak at naramdaman kong basa na ang damit ko, pati ang buhok ko. Lumakas ang ulan pero nagpatuloy parin ako. Hanggang sa manginig ako at naramdaman ko ang panghihina. Saglit akong umalis sa talahiban upang pakalmahin ang sarili. Pero hindi ako nagtagumpay. Sa gitna ng pagtayo ko ay bigla nalang akong nawalan ng malay at natumba sa braso ng kung sino.

"Anong sabi ni Alec?"

Pinigilan kong idilat ang mata ko matapos marinig ang pangalan niya. Mga boses nila Cayle at Julia ang naririnig kong nag uusap sa gilid ko.

"Halata namang nag alala siya pero he didn't say a word."

Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Julia. Why is he playing cold?

"Hindi daw siya bibisita?" Si Cayle ulit ang nagtanong.

"I doubt it. Matigas ang puso niya. Hindi ko alam kung anong pinag awayan nila pero parang hindi 'yon maliit na bagay. Pero still, I don't get him. He's too harsh. Nakakainis na siya!" Boses iyon ng pinsan niyang si Julia.

"He'll come, I'll bet on that." I heard Enrique say.

"Really? Lets see. What will you bet?" Hamon ni Julia.

"No, we won't see it. Or Jai won't see him, atleast. I'll bet my motor keys."

Kasunod noon ay isang mahabang katahimikan. Ang tanging naririnig ko ay ang malakas na kalabog ng puso ko.

"I'll stay in your house. Hihintayin ko ang pagdating niya." Basag ni Julia sa katahimikan.

"What will you bet in return?" sagot ni Enrique.

Dapat na ba akong ma-offend? Pinagpupustahan nila ang lovelife ko. Pinagpupustahan nila kung pupuntahan ako ni Alec o hindi. Ganun na ba ka-pathetic ang buhay ko?

Hindi ako dumilat until they went out of my room. Hindi ko sila kayang harapin pagkatapos marinig ang lahat. I feel so pathetic. Umaasa parin akong dadalawin niya ako pero alam kong wala siyang balak ipaalam iyon sa akin. Minatsagan ko ang bintana ko. Sumilip ako sa maliit na butas non at pinanuod ko ang bawat motor at sasakyang dumaan sa bahay namin. I sighed in disappointment nang lumalim na ang gabi pero wala paring humintong motor sa harap ng bahay namin. I think, I waited for nothing. Gaya ng ginagawa ko ngayon, umaasa ako sa wala. Isusuko ko na ba ang relasyon namin?

The next morning, kinailangan kong pumasok sa school kahit hindi pa gaanong maganda ang pakiramdam ko. May long quiz kasi kami sa isang subject at hindi nagbibigay ng special test ang Prof naming iyon. Halos manlumo ako pagkatapos ng test. Pero pinilit ko paring tumayo at maglakad papuntang Cafeteria. Ilang subject nalang rin naman ang titiisin ko pagkatapos ng lunch.

Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon