- Jai's POV -
"August 5 na pala." nasambit ko sa sarili nang mapatingin ako sa kalendaryo na nadaanan ko papuntang kusina.
Uminom lang ako ng gatas doon pagkatapos ay nagbadya ng umalis for school.
Asusual, late na naman akong nagising. Batugation. =___=
Bumeso ako kay mama at nagpaalam. "Alis na po ako, Ma."
"Ingat ka nak." ganting sagot niya ng may ngiti sa labi.
Aba, good vibes din si mama! Haha.
Pagdating sa school, nadaanan ko ang mga estudyanteng nagttsismisan sa hallway.
"Break na raw sila."
"Oh really? Sino raw nakipagbreak?"
"Si Enrique daw."
Halos manlaki ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Enrique.
Tumigil ako sa paglalakad at kunwaring tumingin sa bulletin board para marinig pa ang usapan nila.
Hay. Nagiging tsismosa narin ba ako? Sorry Lord.
"Kawawa nga si Julia. Nakita ko nung minsan sa Cr, umiiyak."
"Tch. Bagay lang sa kanya yun. Feeling kase."
"Tss. Ang mahalaga, wala na sila. Single na ulit si Prince Quen natin!"
"Yeah right! Hahaha. Sayang di natuloy ang plano nating 'Abolish Julia in WU Plan."
"Manahimik ka nga. May makarinig pa sayo. Tara na nga!"
Ay? Sa lakas ba naman ng mga boses nyo teh, tingin nyo walang makakarinig sa inyo? Ibang klase. =___=
Pero, na bother naman ako sa mga narinig ko.
Si Enrique at Julia? Naging sila? At ngayon break na raw? At ang pasabog dun, si Enrique ang nakipagbreak? Hanep ah. Napaka ungentleman talaga ng lalaking yun kahit kailan!
Pero ang di ko makalimutan ay yung 'Abolish Julia in WU Plan.'
Seriously, ginawang pork barrel si Julia? At may paabo-abolish pang nalalaman ang mga chismakers na yun? Tch. Kontrabidang kontrabida ang peg. Cliché. =___=
** Lunchbreak **
Hindi ako sumabay kay Alec o kina Vince at Cayle maglunch ngayon. Sa halip, pinuntahan ko si Julia sa room niya.
Ayun, tulala lang siya. Mukhang drain at matamlay.
"Juls!" tawag ko sa kanya.
Ngumiti siya sakin ng pilit. "Jai."
Lumapit ako sa kanya at pinakita ang lunchboxes na hawak ko. Buti nalang pala at pinagbaon ako ni Mama, pang dalawang tao. Nilagay niya agad sa bag ko. Alam niya kasing palagi na akong nararush sa pagpasok sa school. The best talaga si Mama!
"Sige ikaw nalang Jai. Busog pa ako."
"Anung busog busog? Gusto mong hilahin kita dyan?" tanong ko ng seryoso ang mukha.
"Wag naman." nagpout siya. "Heto na nga oh, tatayo na."
Good girl. Mwahaha. Galing ko talaga. ^___^
Matapos mapapayag si Julia, pumunta kami ng rooftop para dun maglunch. Oha, bongga no? Para iwas chismis. Panigurado, siya parin ang topic sa Cafeteria. Kaya awkward kung dun kami kakain.
Atleast, dito tahimik diba? Fresh air pa.
"Anu bang nangyari Juls?" tanong ko agad matapos naming kumain.
"Ha? Anung 'anong nangyari?'" ulit niya sa tanong ko.
"Wag ka ng magkaila. Alam ko na. Yung tungkol sa inyo ni Enrique." sagot ko.
Hindi maipagkakaila ang lungkot sa mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ni Enrique. "Anong alam mo, Jai?"
"Na naging kayo?" patanong kong sabi. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam ang buong detalye. Nagmamarunong lang ako.
"False Relationship. Yun siguro ang tamang term." pilit siyang ngumiti.
"Bakit ka pumayag?" diretso kong tanong.
Ang alam ko, hindi naman niya gusto si Enrique. Pero bakit siya pumayag na magkaroon sila ng False Relationship? Anu kayang gayuma ang pinainom sa kanya ni Enrique? Tingin nyo? =___=
"Wala eh. May utang kasi ako sa kanya."
"Ha?!" naitampal ko ang palad sa noo ko. "Ede sana binayaran mo nalang?"
"Yun nga. Ang bayad. May kasalanan kasi ako dun."
"Ano naman?"
"Tinakid ko siya sa mall." natatawa niyang sabi. Hindi ko alam kung totoo ba ang pagtawa niya or tactic niya lang yun para maitago ang lungkot sa mga mata niya.
"Hay naku. Mga kabataan nga naman ngayon." pabiro kong sabi. Pero half meant. Haha. Baleew.
Ngumiti ulit siya tapos yumuko. "Salamat sa concern mo Jai."
"Mahal mo na ba siya?" seryoso kong tanong.
Bigla tuloy napa angat ang mukha niya at mariing tumingin sakin.
Sa pagtingin palang niya sakin, alam ko na ang sagot. Kahit di sya magsalita. Alam kong ang sagot niya ay Oo. At nakumpirma yon ng pagpatak ng luha niya.
Walanjong Enrique. Napaibig ang inosenteng si Julia, tapos ngayon pinaiyak niya pa. Humanda siya sakin!
Pagkadismiss namin, agad kong tinungo ang bahay nila Quen pero wala daw siya doon.
Di bale, bukas nalang nga. Tutal Saturday naman bukas. Kakausapin ko siya ng masinsinan.
================================================
Nagahol po sa oras pagttype. Sorry sa inconvinience.
Up next, Part 2!
August 6 na. OMO.

BINABASA MO ANG
Binasa Ni Crush Ang Diary Ko!
RandomBook Two ng Dear Diary. :) Make sure na nabasa na yung book one para alam ang nilalaman ng Diary ni Jai. THANKYOU! :))